"Dadddyyy." tawag nila. "Andito ka po oh." sabi nila. Napatingin naman kami sa kambal na nakatingin sa dingding na may mga nakalagay na picture.
Nag lapitan naman sila sa kambal at tiningnan yun.
"Oo nga yung Daddy niyo nga ito." sabi ni Ley. "At si...Se..seth" napatigil si Ley at nag tinginan sila.
Oo nga pala, kinunan kami ng araw na yun.
Napatingin naman ako kay Seth na nakatingin na sa akin.
"Tara na." aya nila Mama na walang ka alam alam kung anong nangyari sa amin doon.
1 hour pa yung byahe namin bago kami makarating. Hindi naman nag pahatid si Kuya Zach sa bahay nila, kasi may dadaanan pa daw siya.
"Bye, Seve at Seke." paalam niya sa kambal. "Bye po, Tito Zach." tugon ng dalawa.
Tumingin naman sa akin si Kuya Zach.
"Wag ka muna mag isip ng kung ano ano. Magiging maayos din ang lahat. Ingat kayo pauwi." sabi niya sakin. Hindi niya ako inantay mag salita, sinara niya kaagad yung pinto.
Pag ka uwi namin sa bahay.
Nakakapanibago yung pagiging tahimik ng kambal. 1 hour na yung nakakalipas ng makarating kami sa bahay, walang nag sasalita sa kanila. Walang nangungulit sa akin.
Baka pagod lang sila.
Naka upo lang sila sa sofa habang nakatingin sa kisame.
"Mommy." mahinang sabi ni Seve.
"Gusto niyo bang tawagan natin yung Mommy niyo?" nakuha ko naman yung atensyon nilang dalawa, sabay silang napatingin sa akin.
Umiling naman sila. Sobrang busy ni Seri, hindi pa siya nag rereply sa mga messages at tawag ko.
"Ok lang ba ang Seve at Seke namin?" tanong ko sa kanila. Tinanguan naman nila ako.
"May nasabi or nagawa ba ako?" mahinahon kung tanong.
"Wala po, Daddy." sabay nilang sabi.
"Gusto niyo umalis tayo?" tanong ko pa. Hindi agad sila naka sagot. "Punta tayo sa Lolo at Lola niyo." dagdag ko. Tinanguan naman sila.
Nagtaka naman agad sila pag dating namin doon.
"Bakit ganon Mom, Dad... nitong mga nakaraang araw, madalas silang mawalan ng gana at biglang tatahimik." pag kwekwento ko kay Mom at Dad.
Napatingin naman kami nila Mom kay Seve at Seke na naka upo sa sofa habang kinukulit ni Jade at Jared.
"Wala naman akong natandaan na may nasabi or nagawa ako. Okay naman kami." dagdag ko pa.
"Panigurado may dahilan sila kaya sila nag kakaganyan. Kilala natin si Seve at Seke, hindi sila ganyan kung walang dahilan." sabi ni Dad.
"Naalala niyo noong hindi dumating yung Mommy nila?? ganyan din reaction nila." sabi naman ni Mommy.
Nitong mga nakaraan, never naman nila nabanggit yung Mommy nila.
"Wag ka mag alala, Khen. Kilala natin yung kambal, sasabihin naman nila pag hindi na talaga nila kayang pigilan. Baka pag pinilit natin sila, mas lalo lang hindi nila sasabihin." sabi ni Dad.
YOU ARE READING
STILL INTO YOU (INTO YOU S2) - ON-GOING
عشوائيI hated you so much, but i couldn't completely hate you at the same time. It was because of those memories we shared. No... Hindi about the memories, hindi lang about sa memories. Dahil mahal kita, kahit anong mangyari ikaw at ikaw pa rin. Kahit ano...