CHAPTER 122 : AEKE II

11 1 0
                                    

Ang daming pumasok sa isip ko, hindi ko na namalayan ang mga nangyayari sa paligid ko. Hindi ko na namalayan na tapos na kami mag dinner. Hindi ko na din namalayan na naka pang tulog na pala ako.

Pag upo nila sa sofa, sinantabi ko ang lahat ng bumabagabag sa akin. Ito ang unang beses na manonood kami na mag kakasama. Na buo kami.

"Picture tayo." sabi ni Khen. "Kunan ko po kayo." singit ni Aeke.

"Lahat tayo mag pi picture." Sabay na sabi namin ni Khen. "Timer." Dagdag pa ni Khen.

Naupo kaming lahat sa sofa, naka kandong sa akin si Sera habang si Kera naman kay Khen. Katabi ko si Aeke sa gilid habang si Seke at Seve naman nasa side ni Khen.

Biglang tumayo si Aeke pag katapos ng picture. Mabilis niyang kinuha ang camera.

"Please po, kunan ko po kayo." Pamimilit ni Aeke. "Aeke-." Hindi niya kami pinatapos. "Please pooo?" Pamimilit niya pa. Kaya wala kaming nagawa.

"Seve, okay lang ba kung sa side ka ni Mommy? Para balance." suggest ni Aeke. Nag alangan naman siyang tumayo kaya si Seke nalang ang umupo sa tabi ko.

Saktong pag tapos kami kunan ni Aeke, dumating si Kenji.

Babalik daw muna sila sa hotel, mag video call daw ang parents ni Kenji. Gusto daw makita at makausap si Aeke. Kaya hindi na namin pinigilan.

"Dad, sa kwarto nalang po tayo manood." sabi ni Seke. "Oo nga po, Dad." sang ayon ni Seve.

Naunang umakyat si Khen at ang mga bata. Nag paiwan ako para kumuha ng snack at drinks.

Pag pasok ko sa kwarto ko. Naka upo na silang lahat sa isang kama. Nasa kabilang side si Seve at Seke habang si Sera at Kera naman pinagitnaan si Khen. Buti nalang malaking kama ang pinalagay ko dito sa kwarto.

"Dito ka." aya ni Khen, pag ka upo ko sa kabilang kama.

Pag ka upo ko, plinay naman ni Khen ang movie na papanoorin namin. Habang busy sila sa panonood. Patago ko silang minamasdan hanggang sa nakatulog ako.

Nagising ako ng may humawak sa kamay ko. Kamay ni Sera, pinag lalaruan niya ang kamay ko. Doon ko lang napansin na mag katabi na kami ni Khen at nakatulog ako sa balikat niya. Si Sera naka upo sa legs ni Khen habang nakasandal sa kaniya.

Lumayo ako sa kaniya at inayos ko ang pag kakaupo ko. Late ko na napansin na nakatingin na pala siya sa akin. Binaling ko naman ang tingin ko kay Sera at Seve, tulog na sila. Pag tingin ko kay Kera, mahimbing na din siyang natutulog. Doon ko lang napansin na nakaunan pala si Kera sa braso ni Khen.

"Okay ka lang?" Mahinang tanong ko sa kaniya. "Okay lang ako." tugon niya. "Daddy, malapit na po matapos?" mahinang tanong ni Sera. "Yes, Anak. Malapit na." Tugon ni Khen.

Lumipas ang sampong minuto, natapos na yong pinapanood namin.

Kinuha ko si Sera kay Khen, dahan dahan niyang pinaunan si Kera sa unan. Kinumutan niya muna ang tatlo bago siya bumaling sa amin, kinuha niya sa akin si Sera.

"Tara sa baba." mahinang sabi niya. Pag dating namin sa baba, dumiritso siya sa kitchen.

Dumaan muna ako sa sofa para kunin ang cellphone ko. Pag pasok ko sa kitchen naka upo na si Sera habang nakatingin kay Khen. Umupo ako sa harap ni Sera at pinag masdan silang dalawa.

"Daddy." tawag niya. Humarap naman si Khen kay Sera bago tumugon. "Yes?"

"Wala po." tatawa tawa namang bumaling si Khen sa ginagawa niya.

STILL INTO YOU  (INTO YOU S2) - ON-GOINGWhere stories live. Discover now