CHAPTER 110 : 6 years ago VI

19 3 0
                                    

"Princess." tawag ni Aeri.

"Paanong??." sabay na sabi naming mag asawa.

"Ang sabi ho nong nag dala sa kaniya sa hospital, bigla ho daw nawalan siya ng malay." sabi ng doctor.

"May sakit ho pala siya sa puso, masyado na po siyang nanghihina. Hindi namin alam kung pano ma cocontact yung family niya. Mabuti nalang ho, nalaman naming may dala siyang cellphone." Paliwanag niya.

"Sandali ho, sino ho yung babaeng kasama ni kenji sa kotse?" tanong ni Aeri.

"Isa siyang nurse, sa ibang bansa siya nakatira." tugon niya. "Yung nurse ni Princess." sabi ni Aeri.

"Pero siya yung naka suot ng pang nurse na damit ng sinugod siya dito." sabi ng Doctor.

"Pag umaalis si Princess, lagi niyang kasama yung nurse. Panigurado nag palit sila ng damit para hindi mahalata ng family niya na umalis siya. Ganun lagi yung ginagawa nila pag umaalis sila." mahinang sabi ni Aeri.

"Btw, Kailangan niya na hong maoperahan." sabi pa ng doctor. "Kailangan ko hong makausap yung family niya. Kaano ano niyo ho ba yung pasyente??" tanong ng Doctor.

"Kilala ho namin, papupuntahin ho namin sila." sabi ko.

Pag alis ng doctor, hindi kami makapaniwala sa nangyari. Pano namin mapapaliwanag sa parents ni Princess ang nangyari.

Tinawagan namin yung parents ni Princess, hindi namin ma contact. Hindi na available yung number nila.

Kinulit kami ng kinulit ng doctor. Nalaman naming bumalik na sila sa ibang bansa, kaso wala na sila sa dati nilang tinitirhan doon.

"Doc. pag may nangyaring masama ho sa akin, ako ho yung donor ni Princess." pag uulit na naman ni Aeri bago umalis yung Doctor.

"Mom..Dad...Pag pahingain niyo na ako. Lumaban naman ako para sainyong lahat, pagod na a..ako. Si Aeke, kayo na baha..la sa kanya. Hindi ko na ma..maaantay si Ken...ji. Kayo na bahala..sa mag ama ko, Mom...Dad.. Pa..patawad, mahal..na ma..halll ko kayong la..hat." sabi niya.

Kahit pwede pa siyang lumaban, hindi na niya tinuloy. Baka daw huli na para maoperahan si Princess, at baka daw may mangyaring masama sa kaniya. Yung puso niya pwedeng maapektuhan.

Wala kaming nagawa kung hindi ibigay yung gusto niya.

Naging successful yung operasyon, habang nag aantay kami sa pag gising ni Princess, patuloy namin hinahanap yung Family niya.

Hanggang isang araw nagising siya.

"Mom..Dadd..Kuya..Zayn..Sean..Shin." tawag niya. "Seve..Seke..Khen." Tawag niya pa din.

"Your condition is stable now." sabi ng doctor. "Anong ho nangyari sakin?" naguguluhang tanong niya. 

"You've just undergone a heart transplant. You need to stay in bed and rest." sabi ni Doc.

"May I know who the donor of this heart was?" tanong niya. "We can't. It's the rules." sabi ng doctor bago lumabas.

"Tita, Tito asan ho yung family ko??" tanong niya. "Hindi namin alam." sabi namin sa kaniya.

Kwenento namin yung lahat ng nangyari. Hindi siya makapaniwala sa nangyari.

"Antayin natin maging maayos ang lahat, kailangan mo muna mag pagaling ng tuluyan sabi ng doctor. Kami na bahala sa pag hahanap sa family mo." sabi namin sa kaniya.

STILL INTO YOU  (INTO YOU S2) - ON-GOINGWhere stories live. Discover now