August 15, sumapit ang pasukan.
Hindi namin namalayan na lumipas na ang dalawang buwan.
Lumipas ang dalawang buwan, mula ng mag simula yung pasukan. Unti unting iniwasan kami ni Jiro at Dara. Yung dating madalang na pag sama nila sa amin nag tuloy tuloy hanggang sa tuluyan ng hindi sila sumama samin.
Tuluyan ng bumitaw si Jiro at Dara sa pag kakaibigan namin. Silang dalawa lang lagi ang mag kasama.
Nong una, hinahabol habol pa namin sila. Hanggang sa nag antay nalang kami na kusa silang lumapit at sabihin sa amin, kung bakit?? anong nangyari?
At sa loob ng siyam na buwan na umalis sila at naaksidente si Khen. Wala pa ding maalala si Khen.
January 12, andito kami ngayon sa bahay nila Khen, dahil linggo naisipan naming dito tumambay. Nanonood kami ng movie.
"Seth."
Gulat kaming napatingin kay Khen ng banggitin niya ang pangalan na yun. Mahimbing siyang natutulog habang nakaupo sa sofa.
Biglang may tumulong luha sa mata niya.
"Seth." tawag niya pa.
Ginising namin siya. Buti pa sa panaginip naalala niya yung pangalan ni Seth.
"A...anong nangyari?" tanong niya habang pinupunasan niya yung luha niya. Wala siyang matandaan.
Nag panggap kaming walang nangyari.
ZAYN'S POV
"Princess, sigurado ka ba sa desisyon mo na ito??" pag uulit ni Dad.
Tumango si Princess bilang sagot. Andito na kami ngayon sa labas ng bahay.
"Kuya, Zayn, Sean at Shin, pwede pa mag bago yung isip niyo." sabi niya sa amin.
"Wag ka nga mag salita ng ganiyan Princess." seryosong sabi ko. "Sa ayaw at sa gusto mo sasama kami." singit naman ni Kuya.
"Tara na, Shin. Mauuna na po kami sa kotse." sabi ni Sean at nag lakad na paalis kasama si Shin. Mag ka hawak kamay silang nag lakad.
"Hindi na ba talaga kayo mag papa alam sa mga kaibigan niyo???" tanong ni Mom.
"Hindi ko kayang mag paaalam sa kanila, baka hindi ko kayanin. Walang kasiguraduhan kung makakabalik pa ako. Ayokong umasa sila." sabi niya.
"Babalik tayo." sabi ni Dad.
"Sabay sabay tayong babalik." sabi ni Mom."Ano ba, Princess. Babalikan natin sila." sabi ko sa kaniya.
"Ano ba yang lumalabas sa bibig mo, Princess. Itigil mo yan." sabi ni Kuya.
"Umalis na tayo bago pa sila magising." sabi niya at tinungo na namin ang parking lot.
Pag dating namin sa U.S., pina admit agad nila Mom at Dad si Princess sa hospital.
Sumunod din agad yung kapatid ni Dad at asawa ng kapatid ni Dad, parehas sila doctor kasama yung dalawang nila anak, na panganay ay doctor din.
Nag pumilit silang sumama para masubay bayan nila yung kalagayan ni Princess.
Iniwan nila yung buhay nila doon sa pilipinas para kay Princess.
YOU ARE READING
STILL INTO YOU (INTO YOU S2) - ON-GOING
AcakI hated you so much, but i couldn't completely hate you at the same time. It was because of those memories we shared. No... Hindi about the memories, hindi lang about sa memories. Dahil mahal kita, kahit anong mangyari ikaw at ikaw pa rin. Kahit ano...