KHEN'S POV
"Dadddd???" bakas sa mukha nilang hindi nila inasahan na dito kami pupunta. Andito kami ngayon sa harap ng school.
"Mag aaral na ho kami???" tanong ni Seke. "Yes." tugon ko sa kanya. "Seryoso po Dad???" di maka paniwalang tanong ni Seve.
Gustong gusto na kasi nilang pumasok sa school total 6 na sila, nasa edad na nilang pumasok.
"Bago tayo pumasok..." nag antay naman sila sa kukunin ko sa loob ng kotse. Nilabas ko yung camera. "Memory." sabi ko at tinapat sa kanila yung camera.
"Thank you Dad, dahil dito po kami papasok." sabi ni Seve.
Balak ko sanang sa ibang school sila papasukin, kaya lang nag pumilit yung kambal na dito daw sila mag aaral kung saan ako nag aral. May magagawa ba ako?
"May 2 months pa naman bago mag simula yung pasukan." sabi ko sa dalawa. "Ang tagal pa po Dad, hindi na po ako makapag antay." sunod sunod na sabi ni Seve.
"Mabilis lang yun Seve. Pumasok na tayo."
"Khen, ito na ba ang kambal mo?" sabi nong teacher. Naalala ko bigla sila din teacher ni Jade at Jared.
Mabilis naman kaming natapos.
"Ang laki po ng school Dad." manghang sabi nila.
Palabas na kami ng may familiar kaming nakasalubong.
"Oh." sabi ni Nicole.
"May anak kana pala." sabi ni Nicole. "Ah, oo. Si Seve at Seke." pakilala ko sa kambal. "Hello po." bati naman ng dalawa.
"Akala ko kayong dalawa ang mag kakatuluyan, hindi ko akalain na may kanya kanya na kayong pamilya." sunod sunod na sabi ni Nicole. "Huh?" ano bang sinasabi niya.
"Nakasalubong ko si Seth kanina, kasama yung anak niya at asawa niya." sabi niya. "A-ano bang pinag s-sasabi mo?" tanong ko sa kaniya. Biglang nag ring phone niya.
"Hello, teka lang... Mauuna na ako Khen, bye Seve at Seke." sabi niya at tumuloy na papasok.
"Anak? asawa?" bulong ko.
"Dadddd, sino po si Seth?" tanong ni Seke. "Ahh.. wag niyo ng isipin yun. Tara na." sabi ko sa dalawa.
More than 1 year na din pala mula nong may nag sasabi ding nakita nila siya.
Mabilis naman kaming naka uwi ng bahay.
"Kuya, akala ko ho ba hindi ka pupuntang company ngayong araw?" tanong Jade. "Ah, may kailangan lang akong ayusin, pababa na yung dalawa hindi na ako mag papaalam." sabi ko at hindi na inantay yung sasabihin niya, lumabas na ako ng bahay.
Ilang araw yung lumipas. Hindi ko namalayan na ilang days na pala ang nakakalipas.
Pababa na ako ng makita ko yung dalawa na nasa baba ng hagdan.
"Anong ginagawa niyo diyan?" tanong ko kay Seve at Seke. Pag katingin ko sa relo ko nakita kung 5am palang. "Ang aga niyong nagising." sabi ko pa.
"Daddd." tawag ni Seve at pinalo ako sa dibdib. "Bakit??" tanong ko. "Hmp." sabi niya.
"Umupo kayo don, kukuha akong maiinom niyo." sabi ko sa dalawa. Akala ko uupo sila, sumunod sila sakin papuntang kitchen.
"Maupo na kayo don." sabi ko pa. Sabay silang umiling. "Baka bigla ka na naman pong mawala." sabi ni Seke. Nasapo ko nalang noo ko.
"Daddd, ilang araw ka po naming hindi nakita." sabi ni Seve, nakaupo na kami ngayon sa may sofa. "Nasa iisang bahay lang po tayo pero hindi po tayo nag kikita kita." sabi naman ni Seke.
YOU ARE READING
STILL INTO YOU (INTO YOU S2) - ON-GOING
De TodoI hated you so much, but i couldn't completely hate you at the same time. It was because of those memories we shared. No... Hindi about the memories, hindi lang about sa memories. Dahil mahal kita, kahit anong mangyari ikaw at ikaw pa rin. Kahit ano...