CHAPTER 72 : THE WHO?

48 3 0
                                    

Khen's POV

"Asan siya??" tanong agad ni Ley, hindi niya pa nalalapag mga dala niyang gamit, nag tanong agad siya.

"Nasa tabing dagat sila." sabi ko sa kaniya. "Asan yung kambal?" tanong niya. "Nasa tabing dagat kasama siya at yung anak niya." napaiwas ako ng tingin.

Alam kong bubungangaan na naman ako ni Ley.

"Ano? Sira na ba ulo mo?" tanong niya. Mag sasalita pa sana siya ng dumating mga kaibigan namin. Kahit si Jiro at Dara andito.

"Bakit hinayaan mo doon ang kambal?? Pano pala kung nag papanggap lang yun?? at balak kidnappin yung kambal." sunod sunod na sabi ni Ley.

"Yan ba salubong niyo sa amin? yung bunganga niyong pag kalakas lakas?" napalingon naman ako sa pinanggalingan ng boses na yun.

"Oh, sino yang kasama niyo?" tanong ko. "Pumunta ka lang dito tuluyan ng nasira yang turnilyo ng utak mo." sabi pa ni Ley. Pumasok na silang lahat sa bahay para ipasok yung dala dala nila. Naiwan kaming dalawa doon.

Nag lakad ako papalapit kay Zayn, oo si Zayn.

Pag kalapit ko sinuntok ko siya sa mukha. Napalakas ata, dumugo labi niya.

"Tuluyan na ngang nasira turnilyo mo." ngingisi ngising sabi ni Zayn. "Kailan kapa dumating? buti naman bumalik ka pa??" tanong ko.

"Kahapon lang." sabi niya. Lumapit siya sakin at niyakap ako. "Hindi madali diba?? pero nakaya mo Khen." sabi ni Zayn.

"Ikaw yata may sira sa ulo eh." sabi ko at umalis sa pag kakayakap niya. Kabadingan nitong ni Zayn. "Yakap lang eh." bulong niya. "Kabadingan mo." bulong ko din.

Mahigit 5 years din ata kaming hindi nag kita. Habang ang mga kaibigan ko 7 years nilang hindi nakita si Zayn. Never naman silang nag pakita sa kanila.

"Asan yung kambal mong anak?" tanong niya. "Andon sa tabing dagat nakahanap ng kalaro." sabi ko. "Tara puntahan natin, gusto kong makita at kung pano mo napalaki ng tama. O baka kasing sungit mo din at mainitin yung ulo." tuloy tuloy na sabi niya.

"Tch."

"Anong nangyari diyan sa labi mo Zayn?" tanong nila. Kakalabas lang nila ng bahay. "Biglang sumabog yung bulkan." tatawa tawang sabi ni Zayn. "Pasalamat ka nga yan lang inabot mo eh." bulong ko pero narinig naman nilang lahat.

"Pumasok na uli kayo, ako na pupunta sa kambal, antayin niyo nalang ako sa loob." pag iiba ko. "Hindi na, sabay sabay na tayong pumunta doon." sabi ni Zayn.

Makikita nilang andon siya, si Aeri pala. Yung kamukha niya.

"Na kwento na sa amin ni Ley, na nakita mo na din yung Aeri, at narinig din naming mag kakasama sila sa tabing dagat ngayon. Psh. Hinayaan mo yung kambal doon. tsk tsk tsk." sunod sunod na sabi ni Zayn.

"Wala naman akong nagawa ng tawagin ng kambal yung Aeri. Mabilis naka close ng kambal yung mag ina dahil sa nangyari doon sa pool." paliwanag ko.

Tinungo naman namin kung asan sila. Malayo palang tanaw namin si Seve, Seke at Aeke na nag lalaro ng buhangin habang si Se-.. Aeri may ka call.

"Yung suot niya ang layo sa suot ni Seth." sabi ni Ley. Totoo, yung suot niya sleveless at naka short siya. Babaeng babae. "Yung buhok niya maiksi. Ayaw ni Seth ng maiksing buhok." sabi naman ni Tiff. Yung buhok ni Aeri hanggang balikat.

"Manahimik kayo." sabi ko sa kanila. "Mula ng may bumanggit sa pangalan niya at nakita niyo yung kamukha niya, hindi na kayo nag aalangang banggitin yung pangalan niya." sabi ko sa kanila habang nakatingin sa malayo.

STILL INTO YOU  (INTO YOU S2) - ON-GOINGWhere stories live. Discover now