Nakatulog ako kaka antay sa pag alis nila. Lumalim ang gabi, hindi umuwi yung mga kaibigan namin. Nandoon lang ako sa kwarto. Rinig ko yung pag hahanap nila sa aming mag kakapatid.
Hindi na din natiis ni Dad na hindi niya sagutin yung tanong nila.
"Si Zach babalik siya dito bukas, kasama si Shin at Sean." sabi ni Dad.
"Si Zayn po?" Tanong ni Ley. Ngayon ko lang ulit narinig yung boses niya. Gusto kong tumakbo sa kaniya, at mag sumbong. Kaya lang wala akong lakas, hindi ko siya kayang harapin.
Lumalim pa ang gabi, wala na akong marinig na ingay. Binuksan ko yung pinto, lalabas na sana ako ng marinig ko si Khen.
"Mahal." sabi niya habang naka tayo siya sa harap ni Princess. Nabaling sa kaniya yung antensyon ng lahat. Paulit ulit niyang binabanggit yun.
"Bakit ka nandiyan?" tanong niya.
"Mahal naman...hindi sa ganitong sitwasyon." Sabi niya at humagulhol siya.
Nakita ko sila Mom at Dad sa gilid na patuloy nilalaban yung luha nila.
Humarap si Khen sa mga kaibigan namin.
"Sabi ko sa kaniya, kahit ilang beses siyang umalis...mag aantay ako. Aantayin ko siya. Wala siyang ibang gagawin kung hindi ang bumalik. Pero hindi sa ganito..." pag susumbong niya.
Yung pag pipigil niya kanina, nailabas na niya ngayon.
"Sabi niya...kahit ilang beses pa siyang umalis, babalik at babalik siya. Hindi ko matatanggap yung pag babalik niya ngayon..." sabi niya at hinarap si Princess.
"Mahal, hindi ko matatangap ito. Mas gugustuhin ko pang wag ka na bumalik basta buhay ka. Hindi yung ganito." sabi niya pa.
Walang nagawa yung mga kaibigan namin, tahimik lang sila umiyak. Tahimik lang nilang pinakinggan si Khen. Pati yung family namin, nag sisiiyakan na din.
Pumasok nalang uli ako sa loob. Hindi ko na alam yung mga sumunod na nangyari. Narinig ko nalang hinahanap nila si Khen.
Magdamag akong gising. Narinig ko nag paalam yung mga kaibigan namin uuwi muna para makapag bihis.
Hanggang sa sumapit yung libing, kahit isang kaibigan namin walang dumating.
Yung parents ni Khen nakahabol sa sementeryo. Nalaman nila yung nangyari kay Princess, umuwi agad sila galing ibang bansa.
Hinanap nila si Khen at ang iba naming kaibigan kina Mom. Wala ding masagot sila Mom.
Pag katapos ng libing, bago umalis. Nilapitan kami ng parents ni Khen.
"Kagabi pa kasi hindi umuwi si Khen, kaya hinanap nila Ley. Ngayon palang nila nahanap." sabi ni Tita.
Matapos ang lahat, lumipas ang ilang araw naging tahimik sa bahay. Ang daming nag bago.
"Anong plano natin?" biglang tanong ni Daddy. Pinatawag niya kaming lahat. Nandito kaming lahat sa sofa.
Buhat ni Mom si Seve habang buhat ni Dad si Seke.
"Gusto kong marinig yung opinion niyong lahat, panigurado hindi magugustuhan ni Princes yung nangyayari sa atin." sabi ni Dad.
"Gusto niyo bang manatili dito or umalis muna??" tanong niya pa
"Gusto kong bumalik muna sa ibang bansa, Dad." sabi ni Kuya.
![](https://img.wattpad.com/cover/293596735-288-k446290.jpg)
YOU ARE READING
STILL INTO YOU (INTO YOU S2) - ON-GOING
NezařaditelnéI hated you so much, but i couldn't completely hate you at the same time. It was because of those memories we shared. No... Hindi about the memories, hindi lang about sa memories. Dahil mahal kita, kahit anong mangyari ikaw at ikaw pa rin. Kahit ano...