Nang patapos na kami kumain biglang nag salita si Kera at Sera.
"Thank you po, Mommy." Biglang sabi ni Kera.
"Thank you po, Mommy. Ito po yung pinaka best birthday po namin." sabi naman ni Sera.
"Birthday??" baling ko sa kanilang dalawa. "Birthday nila ngayon." tugon ni Seth.
Bago pa man sila mag salita inunahan na sila ni Seth.
"Ayaw nilang e celebrate. Gusto lang nila umuwi at makilala kayong lahat. Ganitong celebration lang yung gusto nila, kasama lahat." sabi ni Seth.
"4 years old na sila ngayon." dagdag niya pa.
"Happy birthday, Sera at Kera." sabay sabay na bati namin.
Pag katapos ng dinner, bumalik kami sa beach house.
Hindi umalis sa tabi ko si Sera at Kera. Kung nasaan ako, andon sila.
Andito kami ngayon sa kabilang sofa, kung saan yung sa harapan namin glass at nakikita namin yung dagat. Kaming apat nasa isang mahabang upuhan habang si Seth naman sa pang isahang sofa.
Yung ibang kasama namin busy sa kaniya kaniya nilang ginagawa.
"Happy Birthday uli Sera at Kera." bati ko sa kanila. "Thank you po, Daddy." sabay na tugon nila.
"Happy Birthday." sabay na bati ni Seve at Seke. "Thank you po, Ate at Kuya." sabay na sabi ni Sera at Kera.
"Daddy, ganito po pala yung feeling na tinatawag na Kuya." masayang sabi ni Seke. "Daddy, ang sarap po pakinggan ng Ate." sabi naman ni Seve.
Habang nag tatawanan kami, nag tama yung mata namin ni Seth.
Yung saya sa mukha niya, kitang kita kung gano siya kasaya. Kita sa mata niya, ang aliwalas niyang tingnan.
Ang tagal kong hindi nakita yun.
"Seve, Seke..." biglang tawag ni Seth. Hindi naman kumibo yung dalawa, pero nakatingin na sila kay Seth.
"Pwede ko ba kayong maka usap?" tanong ni Seth.
"Mabilis lang." dagdag niya pa.
Tiningnan muna ako ni Seve at Seke bago sila tumango.
Pag alis nilang tatlo, naiwan naman kaming tatlo nila Sera at Kera.
Nasa magkabilaan ko si Kera at Sera habang nakapulupot sila sa braso ko.
"Pwede bang kwentuhan niyo naman ako about sainyo?" tanong ko sa kanila. Tinanguan nila ako, gayang gaya nila yung pag tugon ni Seth.
Pag tingin ko sa paligid, lahat sila nakatingin sa amin at nakikinig.
"Hmmm." napabaling ako kay Kera. Nag isip muna siya kung anong sasabihin niya.
Pinakinggan ko naman yung mga kwento nila, hindi ko namalayan yung oras.
"Bawal po kami sa peanut po." pag kwekwento pa nila.
"Ang sabi po ni Mommy, bawal din po sila Ate at Kuya sa peanut po." dagdag ni Kera.
"Sino yung kasama niyo sa bahay??" tanong ko. "Si Kuya Aeke po tapos po Tito Kenji po." tugon ni Sera. Alam ko naman na kasama nila yung mag ama pero tinanong ko pa din.
Biglang bumaba sa upuan si Kera.
"Bakit??" tanong ko. "Wait po Daddy, may kukunin po ako." paalam niya.
YOU ARE READING
STILL INTO YOU (INTO YOU S2) - ON-GOING
RandomI hated you so much, but i couldn't completely hate you at the same time. It was because of those memories we shared. No... Hindi about the memories, hindi lang about sa memories. Dahil mahal kita, kahit anong mangyari ikaw at ikaw pa rin. Kahit ano...