"Paano na si Seve at Seke?? Pano ko ipapaliwanag sa kanila na iniwan na naman kami ng mommy nila?"
Pag tingin ko sa mga kaibigan namin naguguluhan silang nakatingin kay Khen.
"Baka hindi siya tumuloy pag nalaman niyang anak niya si Seve at Seke. Kung alam ko lang....kung alam ko lang na aalis uli siya, sana sinabi ko na sa kaniyang anak namin....."
"si Seve at Seke."
Kita sa mukha nila yung pag ka gulat.
"Anong ibig mong sabihin?" sabay sabay na tanong ng mga kaibigan namin.
"Yung Mommy nila.... si Seth?? hindi si Seri??" tanong ni Ley. "Pinag loloko mo ba kami??" tanong naman ni Dale.
"Pupuntahan muna namin, baka maabutan pa namin sila." sabi nila Mom, kasama yung parents ni Khen.
"Sasama po ako." sabi ni Khen. "Wag na Khen, baka hanapin ka ng kambal." sabi ni Mom.
Nag pumilit si Khen na sumama, kaya lang hindi pumayag sila Mom. Kaya ang ending hindi siya nakasama.
Pag alis nila sunod sunod na yung tanong nila.
"Alam ng parents mo?? pati parents ni Seth?" tanong naman ni Tiff.
"Paanong nangyari??" tanong naman ni Dylan.
7 years ago
Umabot ng 1 week yung pabalik balik naming mag kakaibigan sa beach resort, sa hideout at sa bahay nila Seth at Zayn.
Hanggang isang araw binalak ni Khen, sundan sila sa ibang bansa.
"Sundan natin si Khen." sabi ni Dylan habang nag lalakad na palabas.
Sumunod naman kaming lahat sa kaniya.
Seth naman bakit naman ganito? ganon na ba kami kadaling iwan?
boogghhhsss~
"Halaaaa Leyyy, ko-kotse ba yun ni K...khen??" nanginginig na sabi ni Dara.
Natigil lahat ng mga sasakyan. Lumabas kaming mag kakaibigan sa sasakyan. Habang papalapit kami sa kotse na yun, sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
"KHEEENNNNN."
Sigaw namin lahat.Wala siyang malay, madaming dugo.
Biglang nanghina yung tuhod ko, buti nalang nasalo ako ni Jiro.
Hindi ko na alam yung sunod na nangyari. Namalayan ko nalang nakasakay na kami sa ambulansiya kasama si Khen.
Pag tingin ko sa mga kaibigan ko, umiiyak sila ng palihim. Gusto kong umiyak, pero hindi ko alam kung bakit wala akong maiyak.
Hindi ko din alam kung pano o kung sino nag sabi sa family namin ng nangyari kay Khen.
"LEYYYYYY."
Biglang tumulo yung luha ko pag kakita ko sa kanila. Buong family namin andon, maliban kay Jade at Jared.
"Si..si Khen." mahinang sabi ko.
Nag agaw buhay si Khen at na coma siya.
Lumipas ang tatlong buwan,
Andito kami ngayon sa hospital, hindi pa nagigising si Khen.
Sinubukan ulit namin tawagan si Seth at Zayn.
YOU ARE READING
STILL INTO YOU (INTO YOU S2) - ON-GOING
AléatoireI hated you so much, but i couldn't completely hate you at the same time. It was because of those memories we shared. No... Hindi about the memories, hindi lang about sa memories. Dahil mahal kita, kahit anong mangyari ikaw at ikaw pa rin. Kahit ano...