"Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala, paanong pinag palit mo si Seth sa babaeng yun." biglang sabi ni Ley.
Kita sa mukha niyang, hindi niya namalayan na nasabi niya yun.
Hindi ko alam kong anong sasabihin ko. Mag sasalita na sana kami.
"Babalik na kami sa hotel."
Napalingon naman kami sa pinang galingan ng boses na yun.
Si Seth.
"Dito nalang kayo matulog." sabi ni Papa. "Hindi na po, Dad. Doon na po kami." sabi ni Seth.
"Tulog na si Aeke, baka magising." pamimilit naman ni Mama.
"Oo nga naman Princess, dito na kayo matulog. Available naman yung kwarto mo." sabi naman ni Zayn.
"Pati..." napatingin silang lahat sa akin. "pati si Kenji, sa kwarto niya?" wala sa sariling sabi ko.
Gusto ko nalang lumaho bigla, ano bang pinag sasabi ko.
"Doon nalang kayo matulog sa kwarto mo, ako nalang babalik sa hotel." sabi ni Kenji kay Seth.
"Hindi na." pag titigil ni Seth. "Mauuna na kami." dagdag niya pa.
Pag kaalis nila Seth, nag paalam na din sila Mama at Papa na matutulog na.
"Ano yung kanina, Khen? tanong ni Ley. "Ha?" anong kanina.
"Totoong may lalaki si Seri.." hindi pa din pala siya tapos. "Sabihin na nating niloloko ka ni Seri, pero tama bang ganun yung trato mo kay Seth? Hindi ba pinapakita mo din na habang wala si Seri, nambababae ka?" dagdag niya pa.
"Ano bang nangyayari sayo Ley?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi naman ako nambababae, pano mo naman nasabi yan?" tatawa tawang tanong ko. "Mukha ba akong nakikipag biruan. Nakakatawa ba yung sinabi ko?" seryosong sabi niya.
"Nong una hinahayaan lang kita kasi naiintindihan kita, lahat tayo nasaktan sa pag ka wala ni Seth at masaya tayo sa pag balik niya." seryosong sabi niya.
"Khen, madami na yung nangyari. May kaniya kaniya na kayong buhay." dagdag niya pa bago siya lumabas ng bahay.
"Samahan niyo siya." sabi ko kina Tiff.
Naiwan kaming mga lalaki doon.
"Tama si Ley, Khen. May kaniya kaniya na kayong buhay." sabi ni Dylan.
Pag akyat ko, papasok na sana ako sa kwarto. Napatingin ako sa kwartong kaharap ng kwarto namin nila Seve.
Tinungo ko yun at pumasok doon. Umupo lang ako doon sa sofa niya habang nakatanaw sa dagat.
Pag mulat ng mata ko nag tama agad yung mata namin. Bigla akong napabangon. Hindi ko namalayan dito na pala ako nakatulog.
Naka upo siya sa mesa.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. "Hindi ba dapat ako ang nag tatanong sayo niyan??" tanong niya.
Oo nga naman. Kwarto niya ito eh.
Buti nalang naka tanggap siya ng tawag.
"Oh?... pabalik na ako diyan." sabi niya bago niya ibaba.
YOU ARE READING
STILL INTO YOU (INTO YOU S2) - ON-GOING
RandomI hated you so much, but i couldn't completely hate you at the same time. It was because of those memories we shared. No... Hindi about the memories, hindi lang about sa memories. Dahil mahal kita, kahit anong mangyari ikaw at ikaw pa rin. Kahit ano...