CHAPTER 121 : AEKE

19 1 0
                                    

"Mommy." umupo siya tabi ko. "Bakit, Aeke?" tugon ko.

"Natutuwa po ako, kasi finally po makakasama mo na po sila. Magiging buo na po kayo." sabi niya.

"Aeke."

"Mommy, pakawalan mo na po ako." hindi ko namalayan na bigla nalang may tumulong luha sa mata ko.

"Aeke, ayoko." tugon ko sa kaniya.

"Kayong dalawa?" si Khen. Mabilis kong pinunasan ang mukha ko at hinarap ko si Aeke. Hinawakan ko ang kamay. "Mag usap tayo mamaya."

"Ano po kaming dalawa?" tanong ni Seke. Napatingin naman kami kay Seve at Seke na pinapanood sila Sera at Kera. "Wala ba kayong balak tumayo at mag laro?" tanong ni Khen.

"Dad, hindi na po kami bata." mabilis na tugon ni Seve. "Seve, bakit mo sinabi yon sa harap mismo ni Dad. Alam mo naman, ayaw niya ang line na yon." sabi ni Seke kay Seve. Hindi naman narinig ni Khen yon, pero rinig namin ni Aeke dahil malapit lang sila sa amin.

"Ayaw talaga ni Daddy na tumanda tayo." iiling iling na sabi ni Seve.

"Dadddyyyy." lumapit ang dalawa kay Khen. Nag usap usap lang sila hanggang sa tinawag kami ni Khen.

"Aeke, basain natin ang paa natin bago tayo bumalik sa bahay. Ayain mo ang Mommy mo." sabi ni Khen.

Tumayo naman kami at nilapitan sila.

Si Seke at Seve ang unang umapak sa tubig. Sumunod naman si Khen kasama si Sera at Kera, nasa mag kabilaang kamay ni Khen ang dalawa. Nahuli naman kami ni Aeke.

Nag lakad lang kami ng kaunti bago kami bumalik sa bahay.

"Mag pahatid nalang tayo ng dinner." sabi ni Khen pag kapasok namin. "Seve, Seke.."

"Mag bihis na kayo." sabi ni Khen sa dalawa.

"Aeke, mag bihis ka na din." bumaling siya kay Aeke. "Hindi na po, aantayin ko nalang po si Dad. Pauwi na po siya." tugon ni Aeke.

"Mag bihis ka na doon. Malalamigan ka." nag basaan kasi sila kaya nag kanda basa-basa yung suot namin.

"Lalabhan ko muna po ito bago po ibalik po sainyo. Salamat po." Baling ni Aeke kay Khen. "Sayo ang jacket na yan, binili namin yan para sayo." tugon ni Khen.

"Seke, isama mo si Aeke sa taas." sabi ni Khen. "Tara." Tumingin naman sa akin si Aeke ng ayain siya ni Seke. Kaya tinanguan ko siya.

Naunang umakyat si Seke at Aeke. Sumunod naman kami. Pumasok si Seve sa kwarto ni Khen. Doon na daw siya mag bibihis dahil nag iisang babae naman daw siya. Kami naman sa kwarto ko dahil nandon ang gamit nila Sera.

Pag pasok namin sa kwarto, nandon si Aeke at Seke. Nakakuha na sila ng ipapalit nila.

"Aeke, diyan ka na. Doon nalang ako kay Seve." sabi ni Seke habang nakaturo sa cr. "Pumasok ka na, Aeke." wala naman nagawa si Aeke kundi ang pumasok.

Nang matapos kami mag bihis, bumaba kaagad kami.

Kami lang ni Aeke ang naka upo sa sofa habang busy sa pag lalaro si Sera at Kera sa harap namin.

Si Khen, Seve at Seke naman may ginagawa pa sa taas.

"Mom."

"Nakita mo na po ba ito?" inilahad ni Aeke sa akin ang hawak niyang cellphone.

STILL INTO YOU  (INTO YOU S2) - ON-GOINGWhere stories live. Discover now