Pag ka tigil namin sa harap ng hideout, biglang humarap si Ley sa akin.
"Alam mo naman hindi ba? Na matatalino yang mga anak mo, ewan ko ba kung kanino nag mana yung mga yun pero kasi parang yung pag unawa nila hindi ko ma explain. Yung parang alam nila na kaya wala yung Mommy nila kasi ganito, ganyan. Tsaka yung pag mamahal na na nabibigay sa kanila ng mga nakapaligid sa kanila ay sobra sobra pero hindi natin alam, baka may ibang dahilan sila. Hindi ko nga malaman laman kung ano ba tumatakbo sa utak ng kambal, sa edad nilang yan ewan ko ba." Mahabang sabi ni Ley.
Gusto ko silang kausapin. About sa topic na yun, kaya lang masyado pa silang bata para pag usapan yun.
"Ley, Khen pumasok na kayo." Tawag ni Zayn.
Matapos ang tanghalian, inayos na namin yung mga hindi naayos kaninang mga dala namin. 1 hour din yung nakalipas bago namin maayos lahat, hindi namin namalayan na nakatulog na pala si Seve at Seke doon sa nilapag naming kutson malapit sa pinag lalaruan nila. Nag pahinga muna kami kasi napag desisyunan kasi nilang maligo sa dagat mamaya.
Naiwan ako doon sa sofa habang sila nag kanya kanya ng umakyat sa taas, ang iba doon sa may labas natulog meron kasi sa labas pwedeng tulugan.
Naiwan ako dito sa sofa, hindi na ako umakyat kasi baka pag nagising yung dalawa. Tumabi nalang ako doon sa kambal, hindi ko namalayan na nakatulog na din pala ako.
Nagising ako dahil sa paa ni Seve na tumama sa mukha ko, malikot kasi matulog si Seve.
Pag tingin ko sa sofa, andon na silang lahat. Dahan dahan akong bumangon at tinungo sila.
Natawa pa ako ng makita kong tulala silang lahat, habang may tig iisang tasa silang hawak.
"Ano yang mga itsura niyo??" ngingisi ngising tanong ko. Mukhang kagigising lang nilang lahat.
Napatingin silang lahat kay Dara, tsaka iiling iling na napatingin sa akin.
"Kanina kasi dapat kaming mga babae lang matutulog sa labas tapos biglang napag desisyunan din nila Zayn na sa labas nalang din sila. Nakatulog kaming lahat, nagising ako kasi biglang pilit na kinukuha yung kumot ko. Pag tingin ko wala namang tao sa paanan ko tsaka hindi naman gumagalaw yung katabi kong si Charm. Tapos napatingin ako sa paligid, napasigaw ako pag kakita kong may tao sa may pinto. Akala ko minumulto na ako." Pag kwekwento ni Dara.
"Yung mukha kasi ni Ley eh, tulala lang siya doon tapos hindi gumagalaw. Kaya napasigaw ako, nagising silang lahat." Tatawa tawang sabi pa ni Dara.
"Sino ba naman kasi hindi matutulala kung sobrang sarap na ng tulog mo tas bigla kang magigising kasi may kumukuha ng kumot mo." Sabi ni Ley.
"Eh, sino ba kasi kumukuha ng kumot?" tanong ko, natatawa pa din ako sa mga itsura nila.
"Si milo." Sabay sabay na sabi nila. Natawa nalang ako sa kanila. Si milo yung alagang aso ni Ley.
"Mauna na kayo doon, susunod nalang kami." sabi ko sa kanila matapos namin mag meryenda. Hindi na masakit sa balat yung sinag ng araw kaya pwede na maligo sa dagat.
Napatingin ako sa pinto ng bumukas, si Kuya Zach nag mamadaling pumasok.
"Asan yung kambal? Asan sila?? si Zayn?" Tanong niya. "Tulog yung kambal." sabay turo ko sa natutulog na si Seve at Seke.
"Naligo naman sila sa dagat." tugon ko. Mabilis siyang umakyat, at mabilis ding bumaba.
"Hindi na ako mag tatagal, kinuha ko lang itong wallet ko. Pasabi nalang kay Zayn. May kailangan kasi akong ayusin ngayon." sunod sunod na sabi niya, hindi na niya ako pinasalita, umalis agad siya.
YOU ARE READING
STILL INTO YOU (INTO YOU S2) - ON-GOING
De TodoI hated you so much, but i couldn't completely hate you at the same time. It was because of those memories we shared. No... Hindi about the memories, hindi lang about sa memories. Dahil mahal kita, kahit anong mangyari ikaw at ikaw pa rin. Kahit ano...