CHAPTER 87 : THE REVELATION

33 3 1
                                    

"Siya si Seth."

Pag kapasok na pag kapasok ko sa bahay yun yung lumabas sa bibig ko. Napatingin pa sila sa akin. Bigla ding lumakas yung tibok ng puso ko.

"Nong una ko siyang makita sa beach resort.." tiningnan ko muna sila isa isa bago ituloy.

"Feeling ko ng araw na yun.. nag kasala ako kay Seth." dagdag ko pa. Kita sa mga mukha nilang nag aantay sila sa susunod kong sasabihin.

"Pag kakita ko sa kaniya, ganon yung puso ko nong unang beses nalamang kung gusto ko si Seth." mahinang sabi ko.

Iniwan ko sila doon pag kasabi ko non at dumiritso ako sa kwarto ni Aeri dito sa bahay. Pumasok ako sa cr, nag hanap ako ng bakas ni Aeri. Sobrang linis, kahit yung basurahan walang laman.

"Anong hinahanap mo?" Tanong nila na nakasilip sa pinto.

"Bakas ni Aeri." Maikling sabi ko. "Mag pa DNA test tayo. Tama si Zayn, mas madali yung DNA test." Sabi ko.

Pati sila, biglang nag hanap.

"Zayn, tingnan mo ilalim ng table." sabi ni Ley.

Binuhat ko yung table, mabagal si Zayn e. Mabilis na dinampot naman ni Zayn yung nakita niya. Pag sineswerte nga naman. Suklay yung nakita namin.

After 3 days makukuha namin yung result. Pinilit pa namin yan na kailangan namin agad yung result.

"Mag kita kita nalang tayo bukas."

Nag sialisan na sila isa isa. Bukas kasi a attend kami sa christmas party na every year naming ni aattendan.

Naiwan kami ni Zayn, siya lang kasi yung hindi busy.

"Ngayon palang kinakabahan na ako." sabi ko kay Zayn. "Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kung sakaling tama yung hinala natin." sabi naman ni Zayn.

"Paniguradong siya Seth"
"Siya si Princess."
Sabay na sabi namin ni Zayn.

"Kung buhay si Seth.. sino yung ni..nilibing natin?" Wala sa sariling sabi ni Charm.

Napatahimik kaming lahat.

Umalis ako ng bahay, para puntahan ang kambal. Hindi nawala sa isip ko yung sinabi ni Charm, sino nga ba yun.

Pag dating ko wala sila Mom doon, ilang araw na silang wala. Dahil christmass break si Jade at Jared yung bantay ng kambal.

Kinabukasan

Nalate kami ng punta sa party kasi dinaanan pa namin si Seri. Every year kasi kasama namin siya dito sa party.

Pag pasok namin sa venue, una nahagip ng mata ko si Aeri. Si Aeri?? Anong ginagawa niya dito? Kasama niya yung mag ama niya.

"Nagulat nga din kami ng makita namin andito din sila." Sabi ni Ley. "Wag kayo gagawa ng eksena dito." Paalala ni Zayn sa amin.

Buong party pinilit naming wag silang lapitan. Pag katapos ng party, nag ready na kami sa pag uwi. Nauna na sila Jade at Jared kasama yung kambal pati na din sila Mom at Dad sa bahay. Maaga silang umuwi.

Biglang dumaan sa amin si Aeri at yung mag ama niya. Buhat buhat nong lalaki ang natutulog na si Aeke.

"Kenji, mauna na kayo sa kotse." sabi ni Aeri. Kenji pala yung name niya, parang narinig ko na yung pangalan na yun.

Pag kaalis ni Kenji kuno at ni Aeke. Tumingin si Aeri sa amin isa isa. Hindi naalis yung tingin niya kay Seri.

"Hindi ka ba nakokonsenya?" tanong ni Aeri habang nakatingin kay Seri. Pag tingin ko kay Seri, naguguluhan siyang napatingin sa akin.

Kahit ako naguguluhan, pati na din si Zayn at Ley. Mag sasalita na sana kami kaya lang biglang nag ring cellphone ni Seri.

Biglang lumayo si Seri sa amin.

"Hahayaan niyo nalang na lokohin yung kaibigan niyo?" dagdag pa ni Aeri habang naka tingin sa mga kaibigan namin.

Naguguluhan naman nag katinginan kaming mag kakaibigan.

Mabilis naman bumalik si Seri.

"Mauuna na ako." Paalam niya sa amin. Dali dali siyang umalis.

Iiling iling na tumalikod si Aeri.

"Anong ibig mong sabihin sa sinabi mo?" tanong ni Ley. "Yung kaibigan niyo yung tanungin niyo." sabi ni Aeri at nag lakad na siya.

"Ikaw... hindi ka ba nakokonsensya?" wala sa sariling sabi ni Ley. Kahit si Ley mukhang nagulat din sa tanong niya.

Binalewala niya yun at lalapit na sana si Ley kay Aeri kaya lang pinigilan siya ni Zayn.

"Alamin muna natin yung lahat. Wala pa tayo kasiguraduhan." Sabi ni Zayn.

"Pasensya na kayo, kailangan na namin umalis." singit ni Kenji. Pag kaalis nila humarap si Ley sa amin.

"Ayaw niyo bang malaman kung bakit pumasok siyang yaya ng kambal?" Inis na sabi ni Ley.

"Alam mo naman yung nangyari kahapon diba?? Kahit anong pamimilit natin, hindi niya tayo sasagutin." Sabi ni Zayn.

"Ano yun? hahayaan nalang natin yung nangyari?" tanong ni Ley. "Pag nakuha natin yung result ng DNA." tugon ni Zayn.

"Anong DNA?" sabay sabay na tanong nila Kuya Zach, Shin at Sean na kadadating lang. Hindi namin napansin yung pag lapit nila.

Wala pang alam sila, ayaw namin idamay sila dito. Baka umasa lang sila, at alam naman ng lahat na wala na talaga si Seth. Bakit pa namin pag pipilitan na buhay pa siya.

Nag katinginan naman kaming mag kakaibigan. Walang naka salita sa amin, kahit si Zayn napa yoko nalang.

"Hindi na kailangan." napalingon naman kami sa pinanggalingan ng boses na yun.

"Mom, Dad kailan pa po kayo naka uwi?" tanong nila Shin, napalingon naman kami. Andon sila Mama at Papa.

"Kanina lang...." nag aalangan pa siya sa susunod niyang sasabihin. "hindi niyo na kailangan yung DNA." sabi ni Mom.

Napalingon kami lahat kay Mom.

"Bakit ho?" Sabay sabay na sabi namin. Kahit naguguluhan kami.

"Anong DNA Dad, Mom?" Tanong ni Shin. "Para kanino?" tanong naman ni Sean. Mukhang may alam na si Kuya Zach kasi hindi man lang siya nagulat or nag taka.

"Sumama kayo sa amin sa hideout, nasa public tayo. Makakaabala tayo dito." sabi ni Dad.

Hindi namin namalayaan na nasa harap na kami ng hideout, hindi ko alam kong pano kami nakarating.

Nag tipon tipon kami sa sala habang inaantay sila Mama at Papa na bumaba.

Inabot ni Papa sa amin yung envelop na dala dala niya pag ka baba nila.

Nag tinginan naman kaming mag kakaibigan. Pag ka kuha ni Zayn lumapit naman si Shin at Sean inantay namin buksan nila yun at basahin.

Pag kabasa nila, hindi ko alam kung anong reaksyon yung nasa mukha nila. Pag ka bigay ni Zayn sa akin ng papel lumapit silang mag kakapatid kina Mama at Papa.

"M-mom, D-dad..." tanong ni Shin. Kita sa mga mukha nilang tumutulo na yung mga luha nila.

Pag kabasa ko, biglang nanghina yung tuhod ko dahilan para mapa upo ako. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Dali daling kinuha nila Ley sa akin yung paper.

"Tita, Tito." Tawag ni Ley sabay nag lakad patungo sa kanila.

Lahat umiiyak, lahat walang sinabi. Yung ingay na maririnig sa loob ng hideout yung mga hikbi ng bawat isa.

"Kung panaginip man ito, sana wag matapos."

STILL INTO YOU  (INTO YOU S2) - ON-GOINGWhere stories live. Discover now