CHAPTER 85 : THE PAIN

22 3 0
                                    

"Aeriii" Sabay sabay na sabi nila.

"Kagagaling lang hospital ni Aeri, hindi naman pwede iwan ko siya sa bahay. Kaya dito ko nalang siya dinala. Yung family niya nasa ibang bansa." Paliwanag ko.

"Happy birthday ho." Bati ni Aeri kay Zayn. Oo nga pala nabanggit naming birthday ni Zayn bago siya mag paalam.

"Sa-salamat. Kumain kana ba?" Tanong ni Zayn. Tinanguan siya ni Aeri.

"Tara mag pahinga ka muna." Sabi ni Ley at inalalayan si Aeri, sumunod naman sila Tiff. Naiwan kaming mga lalaki.

"Tadhana nga naman." Sabi ni dale. "May kaka iba kay Aeri." Wala sa sariling sabi ko.

"Huh?" Sabay sabay na sabi nila. Bigla naman nag si' datingan yung mga babae.

"Si Aeri, pag ka akyat niya. Diritso siya pumunta sa harap ng kwarto ni Se-seth." sabi ni Ley. "Tapos alam niya kung saan yung cr. Pero para siyang naguguluhan." dagdag pa ni Tiff.

"Yun nga din, pag pasok niya sabi niya nauuhaw daw siya. Tas walang alinlangan niyang tinungo yung kusina tapos nilapag ko yung dala kong gamit tas pag tingin ko sa kaniya nag lakad siya papunta dito." sabi ni Khen.

"Ano ba kayo, wala naman kakaiba doon ha." Sabi ni Zayn. "Wag nga kayo mag isip ng iba." Sabi niya pa.

"Kumain na tayo." Dagdag niya pa.

Matapos yung dinner, niligpit na nila yung pinag kainan. Naiwan ako doon sa labas.

"Malapit na." Nagulat ako ng may mag salita sa likod ko. Si Zayn. "Malapit ang??" Tanong ko.

"Hindi ba around January yung end ng contract ni Seth?" sabi niya. "Yep." Tugon ko.

Ley POV

Pag labas namin naka isang bote na ng alak si Zayn at Khen.

"Inom na inom." Tatawa tawang sabi ni Charm. "Hindi man lang kami inantay." sabi naman ni Jiro.

"Maupo na kayo." sabi ni Zayn.

Dahil naunang mag simula si Zayn at Khen, isang bote nalang malalasing na sila ng tuluyan. Mukha ngang lasing na sila.

"Zaynnn, umaasa akong babalikan ako ni Seth." bigla kaming napalingon ng mag salita si Khen. "Ako din." sabi naman ni Zayn. Lasing na talaga yung dalawa.

Hinayaan nalang namin yung dalawa.

"Ayokong mag kasala kay Seth, alam mo yan Zayn. Pero.. pero nag kasala na ako sa kaniya. Anong gagawin ko Zayn?" sunod sunod na sabi ni Khen.

Maayos pa naman sila mag salita, hindi naman sila uutal-utal.

"Nag kasala?" Sabay sabay na mahinang sabi namin. "Ba-bakit ka nag kasala?" Tanong ni Zayn.

"Pinangako ko kay Seth, na kahit mag iba man siya ng mukha o ku-kung ano man. Sa kaniya lang titibok itong pu-puso ko. Ka-kaya lang, si ae-aeri.." Naputol yung sasabihin niya.

Korni mo, bakit ba mag pinsan tayo. Tumitibok yung puso natin kasi buhay tayo. Dami mong kakornihan sa buhay.

"A-ano si Ae-aeri??" tanong naman ni Zayn. "Tu-tumibok yung puso ko, yung puso ko tumibok nong unang ki-kita ko sa kaniya sa re-resort." biglang tumulo yung luha niya.

Seryoso ba siya.

"Ka-kaya... siya si Se-seth. Hi-hindi pwedeng mag kamali a-ako." Sabi niya pa habang pinupunasan niya yung luha niya.

"Si-siya nga." sang ayon naman ni Zayn.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala yung luha ko. Gusto ko din sumang ayon. Pag tingin ko sa mga kaibigan ko, pati sila nilalabanan na wag pumatak yung luha nila.

Never talaga naming matatanggap yung pag kawala ni Seth. Buhay siya, umaasa kaming buhay siya kahit sila Tita at Tito.

Sinasaktan lang namin yung sarili namin, pero dito sa pag asa namin nakakakuha kami ng pag na sana.. sana bumalik si Seth sa amin.

"Gu-gusto ko mag stay sa re-resort. Ka-kaya lang... may.. may mga re-responsi...bilidad ako. Pa-pano yung ka-kambal?? Pano yung ko-kompanya?" biglang sabi naman ni Khen.

"Bakit.. ba-bakit gusto mo.. mag stay sa re-resort?" tanong ni Zayn.

"Do-doon ako i..iniwan ni S...seth, a-alammm kong doon niya din ako ba-babalikan. Pa-pano pag wala ako doon?? Ta-tapos bumalik si seth?? Ka-kaya gusto ko doon mag stay, pa-para pag ba-balik ni se-seth andoon ako." sabi niya habang patuloy pa din sa pag iyak.

Ang sakit. Hindi na talaga namin kayang pigilan yung luha namin. Bigla tumayo si Khen, napatayo na din kami. Bigla siyang umupo doon sa hinihigaan namin at humiga.

Pinatayo pa namin siya, kasi ipapasok sana nila Dylan. Kaya lang ayaw ni Khen

Napatingin kami kay Zayn ng biglang humagulhol. Ngayon lang namin nakitang umiyak ng ganito si Zayn.

"Ka-kasalanan ko. Kasalan ko ang la-lahat. Sa-sana hindi na... nasasaktan ang la-lahat. Ku-kung hindi lang sana ako nag matigas, ba..bakit ba kasi ang hina-hina ng pu..puso ko." sabi niya habang umiiyak pa din siya.

Pati kami umiiyak na din.

"Prin...princess." tawag niya, sinundan namin yung tinitingnan niya. Si Aeri nakatayo sa may pinto.

"Prin..cessss, bu..bumalik ka? A-alam kong babalik k-kaa." sabi niya. Tatayo na sana si Zayn ng mapaupo uli siya. Sobrang lasing na niya, hindi na niya kaya tumayo.

Hindi namin namalayan na lumapit na pala si Aeri sa amin, lalo na kay Zayn. Umupo si Aeri sa tabi ni Zayn, hinawakan niya yung kamay ni Zayn.

"Wala kang kasalanan. Wag mong sisihin yung sarili mo." Sabi ni Aeri kay Zayn. Umiling iling naman si Zayn.

"Ka-kasalan..." hindi na niya natuloy yung sasabihin niya, kasi niyakap na siya ni Aeri.

Mas lalong umiyak si Zayn. Wala kaming magawa, hindi namin alam ang gagawin namin.

Alam naming makakalimutan niya to kinabukasan. Hinayaan nalang namin, kahit ngayon lang gusto naming maramdaman ni Zayn na andyan si Seth.

Unti-unting kumalma si Zayn hanggang sa makatulog ito. Pag tingin ko kay Aeri, umiiyak siya.

Binuhat ni Dylan, Dale at Jiro si Zayn papunta sa hinihigaan ni Khen.

"Pasenya kana Aeri ah." Sabi ko kay Aeri, ayaw pa din tumigil ng luha ko.

"Nasasaktan akong makita silang ganyan." Sabi ni Aeri.

"Ang sakit sakit lang makita silang ganito. Kasalanan ko, dapat hindi na ako pumasok sa buhay nila. Habang nakikita nila ako, mas lalo lang sila nasasaktan." dagdag pa ni Aeri.

"Hindi ka ba talaga si Seth?" biglang sabi Tiff.

"Please, sabihin mo na..na ikaw si Seth." sabi naman ni Dara. "Pleasee." singit naman ni Charm.

"Wag niyo na kukulitin si Aeri." Sabi ni Dylan. "Pasensya na Aeri." sabi namin.

"Hindi ko na alam." sabi ni Aeri, habang hindi pa din natigil sa pag iyak. Habang pinagmamasdan si Khen at Zayn.

"Kahit ako hindi ko kilala yung sarili ko."

STILL INTO YOU  (INTO YOU S2) - ON-GOINGWhere stories live. Discover now