CHAPTER 90 : THE REVELATION IV

20 3 0
                                    

Pag ka alis niya humarap sa amin si Seth.

"Alam niya ba kung saan yung puntod." tumango siya bilang tugon.

"Nong minsan may binisita kami doon napadaan kami doon sa puntod. Nakwento ko din sa kaniya." sabi niya. Mukhang close nga sila nong Kenji.

"Wag kayong mag alala, sobrang strong ni Kenji." dagdag niya pa.

Bigla siyang tumingin sa akin.

"Tinitingin tingin mo?" sabi niya sa akin. Yan ganyan na ganyan siya, siya nga si Seth.

Tinaas niya yung dalawang kamay niya, yung parang pag sasalubong sa yakap ganon.

"Sethhhhhh." hindi ko na napigilan yung sarili kung sumigaw at sinalubong siya ng yakap.

"Malakas pa din yung bunganga mo." sabi niya. Umalis ako sa pag kakayakap at binatukan siya.

"Arayyy." sabi niya at lumakad papunta kay...

sa Mama at Papa ni Khen.

"Titaaaa, Titoooo." tawag niya at niyakap sila.

"Seth." tawag din nila. Hindi na napigilan ni Tita na maiyak habang si Tito naman pinipigilan yung pag iyak.

"Jadeee, Jareddd, ang laki niyo na ah. Kilala niyo pa ba ako?" sabi niya sabay niyakap yung kambal.

"Oo naman po Ate Seth." Sabay na sabi ng kambal. "Jazz." baling niya kay Jazz at niyakap ito. Lumabas naman sa kwarto yung asawa ni Jazz na buhat buhat si Kio.

"Ito naba yung mag ama mo?" Tanong niya. "Oo, Seth." tugon ni Jazz. Tinangunan naman niya yung asawa ni Jazz.

Tumungo siya sa sofa para umupo.

Nag katinginan kaming lahat. Yun na yon?

"May nakalimutan ka ata." tanong ko. "Nakalimutan?" tanong niya. Nag antay kami ng sunod na sasabihin niya.

"Ah, oo nga pala." sabi niya sabay napatayo. Muntik na kaming mawalan ng hininga.

"Manang." sabi niya at tinungo si manang na saktong kabababa lang. "Seth, Ihaaa." salubong ni Manang.

Umupo uli si Seth sa sofa.

"Wag muna tayong mag isip ng kung ano ano, palipasin muna natin itong new year. Mag celebrate muna tayo." sabi ni Seth pag ka upo niya.

Bigla akong kinabahan. Kita din yung kaba ng lahat. Tiningnan ko si Khen na nakayoko habang nakaupo katabi ni Zayn.

"Princess, si Khen." hindi na nakatiis si Zayn. Nakayoko pa din si Khen. Napabaling si Seth kay Zayn na nakaturo sa katabi niyang si Khen.

Pigil ang hininga ng lahat kakaantay sa sasabihin ni Seth.

"Sino ka?" tanong niya. Muntik na akong malaglag sa pag kakaupo.

"Ay oo nga pala...." sabi niya. Nakahinga kami ng maluwag ng bawiin niya yun.

"siya yung Daddy ng kambal." dugtong niya.

Napatingin kami lahat kay Seth sabay baling kay Khen na nakatingin na kay Seth.

"Seth naman, wag ka naman mag biro." sabi ko. "Mukha ba akong nakikipag biruan?" seryosong sabi ni Seth.

STILL INTO YOU  (INTO YOU S2) - ON-GOINGWhere stories live. Discover now