CHAPTER 117 : Family III

30 2 1
                                    

"Every sunday, family day. Busy ako sa trabaho kaya every sunday, buong araw kaming mag kakasama." sabi ni Khen habang nakamasid ako kay Seve at Seke.

Parang kailan lang, ang liliit pa nila. Sa sobrang daming nangyari, hindi ko namalayan yung pag laki nila.

Ilang years kong inantay ang araw na mag kikita kita uli kami.

"Dad, mag white po tayo." sabi ni Seke. "Opo, white nalang po, Dad." sang ayon naman ni Seve.

"Kaya na nila maligo mag isa at e ready yung mga kailangan nila pero gusto pa rin nila na ginagabayan ko sila." biglang sabi ni Khen.

"Hindi pa ako ready sa pag laki nila, alam kong anytime hindi na nila kailangan yung tulong ko. Ayoko pa dumating yung araw na yon." dagdag niya pa.

"Naalala ko bigla, nong araw na sinabihan nila akong sila na ang mag reready para sa pag ligo nila. Hindi ako naging ready para doon." sabi ni Khen habang nakatingin sa dalawa.

"Sinabi nila na, "Dad, kaya na po namin pero pwede po bang alalayan niyo pa rin po kami" Gusto kong pabagalin yung oras, hindi pa ako handa sa pag laki nila." dagdag niya pa.

Hindi ko alam kung ano ba dapat yung dapat kung itugon sa kwento niya.

Pinag handaan ko ito e, hindi ko alam kung bakit walang lumalabas sa bibig ko. Ngayon pa ba ako pag hihinaan ng loob, kung kailan nasa harap ko na sila.

"Dad."

"O-oh." tugon niya.

"Pwede po ba pumunta tayo sa pinakamalapit na mall po?" tanong ni Seke. "Yes, pwede." tugon niya.

Pag pasok ni Seve sa cr, tinungo namin yung kwarto ko.

"Dito naliligo si Seke." sabi ni Khen.

Niready niya yung susuotin ni Kera at Sera at ang iba pang kailangan nila.

"Maligo ka na, ako na bahala kay Sera at Kera." baling niya sa akin.

"Sege." tugon ko. Nagulat pa siya sa tugon ko.

"Aantayin ko nalang si Seke lumabas, may aayusin pa naman ako." sabi ko sa kaniya.

Nakwento ko na ata na lahat ng kwarto naming mag kakapatid ay may sariling cr. Kahit na may tag iisang cr yung mga kwarto dito, may extra cr pa para sa lahat. Kahit sa baba may ganon din.

Palabas na sila Khen ng biglang bumukas yung pinto.

Pumasok si Seve, nakaligo na siya.

"Dadddd, done." salubong ni Seve kay Khen.

Nawala yung ngiti niya ng makita niya ako. Kumirot yung dibdib ko.

"Galing naman ng Seve ko." salubong ni Khen sa kaniya at ginulo yung buhok ni Seve. Bumalik yung ngiti niya.

Ang sakit.

STILL INTO YOU  (INTO YOU S2) - ON-GOINGWhere stories live. Discover now