CHAPTER 111 : Present

26 1 0
                                    

Isang buwan na ang nakakalipas, mula ng umalis si Princess.

"DADDY." tawag ni Seve at Seke. Nakuha nila ang atensyon ng lahat. Andito kami sa bahay. Birthday kasi ni Sean.

Tapos na yung party at nag sisi alisan na din yung mga bisita.

"Bakit?" tanong ni Khen pag kalapit niya kay Seve at Seke.

"Sabi niya po wala daw po kaming Mommy." Pag susumbong ni Seve. Napatingin ako sa batang kaharap nila.

Si Alyssa.

"Sabi ni Mom at Dad iniwan kayo ng Mommy niyo. Hindi kayo pinili ng Mommy niyo, pinag palit kayo sa iba." sabi ni Alyssa.

"Hindi totoo yan." sabi ni Seke at tinulak yung bata. Buti nalang nahawakan ni Khen si Alyssa.

"Seke." tawag ko sa kaniya ng umalis siya. Sinundan naman ni Seve si Seke.

"Alexis." tawag ng kaklase ni Sean na si Alex. "Pasensya na ho kayo sa kapatid ko." sabi ni Alex. Yung parents nila Friend ng parents namin.

Pag alis ng bisita nag tipon tipon kaming lahat sa sofa. Yung mga kaibigan ko, yung parents namin ni Khen at yung mga kapatid ko.

"Daddy, hanggang kailan natin aantayin si Mommy?" tanong ni Seve. "Kailan niya po tayo pipiliin?" Tanong naman ni Seke.

"Busy kasi yung Mommy niyo eh." sabi ni Ley. "Alam niyo naman diba na busy sa pag aaral yung Mommy niyo." sabi naman ni Tiff.

"Yung totoo po naming Mommy, hindi po yung nakilala po naming Mommy." sabi ni Seke.

Gulat silang napatingin kay Seke.

"Khen, anong ibig sabihin nito?" Tanong nilang lahat, kahit yung parents namin walang alam.

"Alam mo?" tanong nila sa akin. Napaiwas ako ng tingin.

"Kailan pa nila alam?" Tanong nila Mom.

"Matagal na ho ata, parang nong limang taong gulang sila. Nalaman nilang hindi nila totoong Mommy si Seri. Alam niyo naman hong matalino yung kambal." sabi ni Khen, habang iniiwas yung tingin sa kanila.

"Sandali lang, hindi ko din alam na, alam nila." sabi niya pa. "Si Seve at Seke yung tanungin natin." dagdag niya.

"Narinig po namin silang nag uusap po. Kailangan daw po sabihin na...na hindi po siya yung Mommy po namin." sabi ni Seve.

"Kaya po pala napapansin namin na iba yung family po namin....sa family ng mga kaklase po namin. Kasi hindi po totoong family yung sa amin." sabi ni Seve.

"Kaya tinanong po namin si Mommy. Sinabi niya po na hindi po namin siya totoong Mommy." kwento naman ni Seke.

"Sinabi po namin na wag po munang sabihin sainyo pong lahat na alam na po namin." sabi pa ni Seke.

"Bakit hindi niyo sinabi sa akin." Tanong ni Khen. "Ayaw po namin mag alala ka po. Pati na po ang lahat." sabi ni Seve.

"Alam naman po namin na, may time naman po para sabihin niyo po sa amin." sabi naman ni Seke.

"Bakit ba ganiyan kayo mag isip." bulong ni Khen.

"Kailan niyo nalaman?" Tanong ni Mom sa amin ni Khen.

STILL INTO YOU  (INTO YOU S2) - ON-GOINGWhere stories live. Discover now