CHAPTER 89 : THE REVELATION III

23 3 0
                                    

Ley's POV

"Mommyyyy, Dadddyyyy.." Tawag ni Shin, kapapasok niya lang. Mukhang tumakbo siya papunta dito. Hindi siya pumasok, nasa pinto lang siya.

"Si Kuya Seann..." sabi niya sabay turo sa labas. "andon kausap si Ate-.." hindi na nila pinatapos si Shin. Dali dali na kami lumabas, halos lahat kami lumabas.

"Hindi mo ba talaga kami kilala? Hindi mo na kailangan mag panggap, dahil alam na nami-..." natigil si Sean ng marinig niya yung tawag ng parents niya.

"Seannnn." sabay na tawag ni Tito at Tita.

"Mommyyy, dadddyyy." tawag ni Sean sabay humagulhol.

Nagulat kami ng lumapit si Zayn sa kanila.

"Ako?? A..ako yung kakambal mo, Princess." biglang sabi ni Zayn. "A..ate, ako si Shinnn." singit ni Shin.

"Kuya.." wala sa sariling sabi ni Kuya Zach. "Ako yung Kuya mo." dagdag pa na sabi ni Kuya Zach.

Walang nagawa sila Tito at Tita, tahimik silang umiiyak sa gilid. Hindi ko nga namalayan na panay tulo ng luha ko. Gusto kong lumapit sa kaniya, kaya lang moment nila ng family niya yun.

Napatingin ako kay Khen na tahimik sa tabi habang tumutulo yung luha niya. Kita sa kaniyang gusto niyang lumapit.

Biglang nag flashback lahat, yung unang araw na nakita niya si Seth o kung sino mang kamukha ni Seth yun.

Totoo kaya yun o namalikmata lang si Khen pag nakikita niya si Seth o baka sa kagustuhan niyang makita Seth, na iimagine niyang si Seth yung mga nakikita niya.

Flashback

Dumaan kami dito para bumili ng makakain, ba byahe kasi kami papuntang beach resort.

"Tara na." sabi ni Tiff.

Paalis na kami, kaya kang biglang nag salita si Khen.

"Sandali..." sabi niya at tumakbo.

Hinabol namin siya.

"Bakit??" Sabay sabay na tanong naming mag kaibigan.

"Parang...parang nakita ko siya. Nakita ko siya. Nakita ko si Se-seth." sunod sunod na sabi ni Khen habang tarantang hinahanap si Seth sa paligid.

"Ano ka ba, 3 years na ang nakakalipas. Alam mo namang wala na siya." hindi ko alam kung pano ko nasabi yun.

Ayaw lang namin umasa siya.

Buong byahe mas lalo siyang tumahimik.

End of flashback

Doon lahat nag simula.

Nang minsan tinext niya kaming mag kakaibigan. Nakita niya daw si Seth. Kaya pinuntahan namin siya kung asan siya.

Ilang beses siyang ganon, ilang beses niyang nakita si Seth. Palagi namin siyang pinupuntahan kung saan niya nakikita. Bakit sa amin hindi siya nag papakita. Gusto din namin siya makita.

Almost 2 years din yun, tapos hindi na nasundan pa. Never na din namin na topic si Seth, pag nababanggit kasi yung Seth o Princess natatahimik siya.

3 years ago nakatanggap kami ng text galing kay Kuya Zach, maliban kay Khen. Hindi pinaalam ni Kuya Zach kay Khen na pati din siya nakita at nakausap niya yung kamukha ni Seth. Parang hindi din niya pinaalam kina Zayn.

Gusto din namin makita yung kamukha ni Seth, pero hindi saamin nag pakita. Hanggang sa napagod kami.

"So..sobra..."

STILL INTO YOU  (INTO YOU S2) - ON-GOINGWhere stories live. Discover now