CHAPTER 94 : KHEN

16 3 0
                                    

"Bakit kasi sa daming pwedeng kalimutan, bakit ako pa??" sabi niya habang nakatingin sa akin. Umiwas naman agad siya.

"Ang malala pa doon hindi mo maalala-."

Biglang kumirot yung puso ko, pinutol ko sasabihin niya.

"So..sorry Khen, sorry kung hindi kita maalala." tugon ko. Pag alis ko ng tingin sa kaniya, napalingon agad ako para tingnan kung tama yung nakita ko.

Nakita ko yung pag tulo ng luha niya sa kamay niya. Ang sakit sakit ng puso ko. Hindi ko kayang nakikita siyang nasasaktan.

"Gising na po pala kayo." napalingon ako sa likod namin.

"Good morning pooo." bati ng kambal at ni Aeke.

"Good morning din sa inyong tatlo. Kumusta yung tulog??" napabaling ako kay Khen. Ang bilis niyang ayusin yung sarili niya.

"Ok lang poo." tugon nila. "Maupo na kayo doon, ipag hahanda ko kayo ng almusal." sabi niya sa tatlo at nag lakad na siya patungo sa kusina. Sumunod naman yung tatlo sa kaniya, kahit ako humabol din.

Lumapit naman ako sa kaniya sa kusina na parang walang nangyari.

"Ano pwede ko maitulong?" tanong ko. Naka ready na yung isasangag niya pati na din yung hotdog at yung bacon.

"Ano nga yung gustong almusal ni Aeke??" tanong niya. "Ganiyan din pero need niya Egg." tugon ko.

"Ikaw nalang mag sangag ako na bahala sa pag prito." sabi niya. Walang kibo na kami sa pag luto doon hanggang matapos.

"Mag toast ka bread, ako na mag titimpla ng gatas nila." sabi niya. Sinunod ko naman siya.

"Daddy.." tawag ni Seve. Bigla naman lumapit siya doon. "Ano yun??" tanong ni Khen.

"Daddy pwede po tayo mag lakad lakad mamaya po sa tabing dagat pag katapos po mag almusal po??" tanong ni Seve. "Yesss." rinig kong tugon niya. "Yeheyyy, thank you po Daddy." rinig kong sabi naman ni Seve.

Pag balik niya nag timpla na siya.

"Thank you po almusal pooo." sabay na sabi ng tatlo pag kalapag namin ng almusal nila.

Tahimik naman silang kumain. Pinag masdan lang namin ni Khen yung tatlo.

"Ayaw niyo ba ng bread Seve at Seke???" tanong ko sa kambal. "Ito yung favorite ni Aeke." dagdag ko pa. Hindi kasi nila ginagalaw, nilagyan ko na yun ng palaman sa ibabaw.

"Gusto po." sabay na sabi nila. "Kaya lang po bawal." sabay din na sabi nila. "Bakit?" Tanong ko.

"May allergy sila sa peanut." sabi ni Khen.

Kumuha siya ng tinapay at nilagyan niya sa ibabaw ng ibang palaman.

"Ahh. Oo nga pala." mahinang sabi ko.

"Seve, Seke asan yung Mommy niyo?" biglang tanong ni Aeke.

"Hindi ko pa kasi nakikita yung Mommy niyo." dagdag pa ni Aeke. Biglang napa tigil sa pag kain yung kambal.

"Si Mommy?? Asan nga ba si Mommy?" bulong ni Seke.

"GOODDD MORNINGGG." biglang nabingi ako. Alam niyo naman kung sino yung malakas yung bunganga.

STILL INTO YOU  (INTO YOU S2) - ON-GOINGWhere stories live. Discover now