STILL INTO YOU

209 7 1
                                    

"Khen... Khen.... gising..." Nagising ako sa ingay ng mga nasa harap ko.

Hirap pa akong buksan yung mata ko sa liwanag na nanggagaling sa bintana.

"Anong nangyari? bakit ganyan mga itsura niyo?" tanong ko pag kabangon ko sa higaan. Hindi agad sila nakapag salita, walang lumabas sa bibig nila.

"Wala si Seth, wala din si Zayn, ang buong pamilya niya wala." wala sa sariling sabi ni Dara.

"Ano bang pinag sasabi niyo? pwede ba wag niyo akong pinag loloko." sabi ko at tuluyan na akong bumangon.

"Totoong, wala sila pag gising namin. Pati gamit nila wala din." sabi ni Ley. "Baka nag ka emergency lang... kailangan na talaga umuwi. Katulad ng dati naala-."

Nahagip ng mga mata ko yung sulat sa mesa. Tumingin ako sa kanila, napansin kung may sulat din silang dala dala. Dali dali kong kinuha yun.

Pag katapos kung basahin yun, hindi ko namalayan  nag uunahan na pala sa pag bagsakan yung mga luha ko.

"Bakit???...." tanong ko sa kanila. "Bakit kailangan nila tayong iwan ng pauli ulit." dagdag ko pa habang hindi pa rin natigil sa pag tulo ang luha ko. Hindi sila nakapag salita, nakayoko lang silang lahat.

"Hindi ako papayag na wala na naman tayong magagawa, habulin natin sila, baka andon pa sila, baka maabutan pa natin sila." pag mamakaawa ko sa kanila.

Sa sulat niyang yun, parang hindi na niya ako.... kami babalikan.

Wala na kaming sinayang na oras, kahit walang kasiguraduhan, tinungo namin ang airport. Hindi namin alam kung saan sila papunta, wala kaming alam.

Habang papunta akong airport naalala ko yung sulat niya. yung last line niyang yun.

"....habang binabasa mo ito, baka nakalipad na kami. Walang kasiguraduhan ang pag balik ko, Khen. Wag mo na akong antayin. Khen, Mahal.... patawad, paalam. Mahal ki-..."



STILL INTO YOU by ayySeth
-12/04/21-

STILL INTO YOU  (INTO YOU S2) - ON-GOINGWhere stories live. Discover now