CHAPTER 119 : Family V

14 1 0
                                    

"Kumusta yung lakad niyo?" tanong nila. Napangiti ako sa kanila. Kanina ko pa gustong gawin yun.

Biglang nag lambot yung tuhod ko at napa upo ako. Hindi ko namalayan na sunod sunod na tumulo yung luha ko. Napa upo nadin sila.

"Bakit?" alalang tanong nila.

"Hindi ko ho alam kung bakit ako umiiyak. Natutuwa lang naman ho ako sa nangyari ngayong araw. Ramdam na ramdam kong buo kami kahit sobrang layong abutin ni Seve at Seke." sabi ko.

Umiyak si Mom at Tita habang si Dad at Tito naman ay mabilis na pinunasan yung mata nila.

"Mommy." tawag ni Kera.

Sabay sabay kaming napatayo at inayos ang sarili namin.

"Ano yun, Kera?" tanong ko. "Nasaan po si Kuya Aeke?" tanong niya. "May lakad ang Kuya Aeke niyo." tugon ko.

"Kailan po siya uuwi?" tanong niya pa. "Hmmm. Mamaya pa, Kera." tugon ko pa.

"Bakit po--." hindi natuloy ni Kera ang sasabihin niya.

"Mommy." napatingin kaming lahat sa kakapasok lang. Si Aeke.

"Kuyaaaa Aekeeee." tawag ni Kera at tumakbo papunta kay Aeke. "Kera, dahan dahan." sabi ni Aeke at nag madaling sinalubong si Kera.

"Madami po akong i kwekwento po." masayang salubong ni Aeke.

"Kera, pag pahingain muna natin ang Kuya Aeke mo." Napalingon kami kung saan nanggaling ang boses na yun.

Boses palang alam na naming si Khen yun. Buhat buhat niya si Sera na nakapag palit na ng damit.

"Kailangan mo munang mag palit ng damit." sabi ni Khen kay Kera, pag kalapit niya.

Binaba niya si Sera.

"Aeke, mag meryenda ka muna. Nandoon sila Seve at Seke sa kitchen." sabi pa ni Khen.

"Kuya Aekeee, tara po." Aya ni Sera. Wala naman nagawa si Aeke kasi hinawakan ni Sera yung kamay niya at dinala sa kitchen.

"Mag bihis ka na din." baling niya sa akin.

"Akyat ho muna kami." paalam niya sa parents namin pag kabuhat niya kay Kera.

"Mommy, tara na po." aya naman ni kera sa akin. Tinanguan naman ako ng parents ko bago ako sumunod kay Khen at Kera.

Pag kapasok namin sa kwarto, naka ready na sa kama yung pang bihis ni Kera.

Pag katapos kong mag hanap ng masusuot, lumabas naman sa cr si Kera at Khen. Pumasok naman ako sa cr.

Pag labas ko nadatnan ko pa sila sa kwarto, akala ko lumabas na sila. Sabay pa silang napatingin sa akin.

"Mommy." tawag sa akin ni Kera. Hindi pa man ako nakakatugon kay Kera, nag salita agad siya.

"Mommy, ang ganda mo po." sabi niya. "Ikaw talaga. Thank you, Kera." sabi

May binulong si Kera kay Khen dahilan para mapangiti si Khen. Mag sasalita na sana ako kaya lang biglang bumukas yung pinto. Si Sera na nakatayo doon, hindi siya pumasok.

"Mommmm, Daddddyyy." tawag niya sa amin. "Bakit, Sera?" sabay na sabi namin at sabay kaming napatayo ni Khen.

"Si Ate Seve po...at sila Kuya Seke at Kuya Aeke po.." sabi niya. Bigla kaming nakarinig ng ingay sa baba

"Halika dito, Sera." lumapit si Khen kay Sera at pinaupo siya sa sofa. "Antayin niyo kami ng Mommy niyo dito. Mag laro muna kayo." sabi ni Khen habang nakaturo sa mga laruan ng kambal.

Dali dali kaming bumaba at tinungo yung kusina. Pag pasok namin, nakatayo silang tatlo.

"Anong nangyayari dito?" tanong ni Khen. "Nangyayari??" nag tatakang tanong ni Seve. "Nag kakamustahan po kami." sabi ni Aeke.

Bigla akong nakahinga ng maluwag.

"Akala ko nag aaway away sila. Mabuti naman na okay sila." mahinang bulong ni Khen. "Bakit ba kasi yon agad yung naisip natin." tugon ko sa kaniya.

"Ipag patuloy niyo na yung pag kain niyo." sabi niya sa tatlo. "Balikan muna natin si Kera at Sera." aya ni Khen.

Pag balik namin sa kwarto, bumaba agad kami kasama yung dalawa.

"Maghahanda muna ako ng pag kain na dadalhin natin sa tabing dagat." sabi ni Khen. Hindi pa man ako nakakatugon, nag lakad agad siya paalis.

Nilibot ko yung mata ko sa bahay, hindi ko makita yung parents namin ni Khen.

Bigla kong naalala na umuwi na pala sila, may kailangan daw silang ayusin.

After 10 mins na paglalaro ni Sera at Kera, lumapit silang dalawa sa akin at inaya nila ako sa kusina.

"May gusto kayong kainin?" tanong ni Khen sa dalawa matapos niyang paupuin. "Wala po, Daddy." sabay na tugon nila.

"Kailangan mo ng tulong?" tanong ko pag kalapit ko kay Khen. Hindi agad siya nakapag salita. "Hindi na." sabi niya.

Kung maayos kami ni Khen ngayon, panigurado mag bibiro siya na panoorin ko lang siya. Panigurado hahawakan niya kamay ko habang nag luluto siya. Panigurado hindi niya ako hahayaang maramdaman yung nararamdaman ko ngayon.

Ayokong maging mahina sa harap niya at lalo na sa mga bata. Kaya pinilit kong labanan yung nararamdaman ko.

"Naalala ko mag papa laundry pala ako ng mga pinamili natin." sabi ko. "Ako na, malapit na ako matapos." tugon niya sa akin.

"Ako na, para pag balik ko tapos na yung gagawin natin." sabi ko sa kaniya.

"Sasamahan po kita, Mommy." tumayo si Aeke at kinuha niya yung pinag kainan niya. Huhugasan na sana niya kaya lang biglang pinigilan siya ni Khen.

"Aeke ako na mag huhugas niyan. Samahan mo na yung Mommy mo." sabi ni Khen. Hindi kami nakapag salita sa sinabi ni khen. Tumingin sa akin si Aeke.

"Thank you po, Tito. Tara na po Mommy." sabi ni Aeke. Pag kalabas namin ng kusina tahimik kaming umakyat sa kwarto para kunin yung mga damit.

"Okay ka lang ba?" tanong ko kay Aeke. Pabalik na kami ngayon sa bahay, dinala lang namin yung ipapa laundry sa hotel. "Hindi ako sanay na sobrang seryoso ka. Anong iniisip mo?" sabi ko pa sa kaniya.

"Si Tito." biglang lumabas sa bibig niya. Napatigil siya sa pag lakad, dahilan para mapatigil din ako.

"Anong meron sa Tito mo?" tanong ko. "Hindi po mawala sa isip ko yung sinabi niya po kanina." sabi niya. Mag sasalita na sana ako kaya lang inunahan niya ako.

"Mom, the way niya po sinabi yun. Yung dating po sakin non, parang tinuturing niya po talagang totoong Mommy kita." sunod sunod niyang sabi.

"Aeke." nasambit.

"Natutuwa lang po ako. Tara na po." nag simula na siyang mag lakad.

"Aeke, anak kita..."

STILL INTO YOU  (INTO YOU S2) - ON-GOINGWhere stories live. Discover now