CHAPTER 118 : Family IV

15 1 0
                                    

"Ano una nating pupuntahan?" tanong ni Khen, isa isa niya kaming tiningnan.

"Shopping po." Sabay sabay na sabi nilang apat. Nagulat pa kami ni Khen sa sagot nila.

"Sera, Kera." tawag naman ni Seke habang papalapit sa dalawa. Lumapit na din si Seve.

"Ano bibilhin niyo??" tanong ni Khen. "Clothes po." sabay sabay na sabi ng apat.

Hinawakan ni Seve si Sera habang si Seke naman kay Kera. Nauna silang nag lakad habang nasa likuran kami.

Pag pasok nila sa Store, pumili sila ng mag kakatulad na damit at short.

"Ate, meron po bang for family po na ganito?" tanong ni Seve doon sa sales lady.

Family.

Ang sarap pakinggan, Seve.

"Meron po, baby girl." nakangiting tugon niya.

Dinala niya kami doon sa mga naka hanger, kung saan may iba ibang design ng patulog.

Pumili din sila ng pang lakad, pang bahay at pang kung ano ano pa.

Habang kami naman ni Khen ay pinag mamasdan silang apat.

"Dad, ok na po." sabi ni Seke.

Pinag titinginan kami ng mga nasa counter pag kalapag namin ng mga binili namin.

"Ang cute naman po ng family niyo." sabi ng isa. "Thank you po." sabay sabay nilang sabi maliban sa akin.

Natawa pa sila sa naging sagot ni Khen at mga bata.

"Ate, pwede niyo po ba kaming kunan ng litrato po?" tanong ni Seke. "Suree, baby boy." tugon naman ng babae sa counter.

Oo nga pala naka sabit sa leeg niya yung camera na pinadala nila Mom.

"Ano next nating pupuntahan?" tanong ni Khen pag kaalis namin doon. Nauuna pa din sa pag lalakad yung apat.

"Books po." sabay sabay na sabi nila. Napatigil si Khen sa pag lakad, dahilan para mapatigil din ako. Napatigil na din yung mga bata.

"Nahahalata ko na kayo. Kayo ba ay nag usap usap bago tayo pumunta dito?" tanong ni Khen. Sabay sabay silang humarap sa amin.

May kinuha si Seke sa bag niya.

"Dad, may list na po kami." sabi ni Seke. "Dad nag usap usap po kami." sabi naman ni Seve.

"Mahilig din si Sera at Kera sa books." sabi ko kay Khen. "Nag mana sila sayo." nakangising sabi ni Khen. "Hindi lang sa akin, pati sayo." natatawang sabi ko.

Ang lakas ng tibok ng puso ko.

Late na namin na realize na nadala na pala kami.

"Tara na." sabi ni Khen sa mga bata at sinabayan sila sa pag lalakad.

Bumili kami ng mga books.

Pilit na inaalam ni Khen yung mga list nila. Gusto niyang makita. Gusto ko din mangulit sa kanila, gusto ko din makita. Kaya lang pinag hihinaan ako ng loob.

"Dad, surprise po." natatawang sabi ni Seke.

Pag katapos namin sa bookstore.

"Jollibee po." sabi nilang apat. May Jollibee naman sa loob ng mall kaya tinungo na namin yun.

Pare-parehas talaga sila ng mga hilig.

Habang inaantay namin yung order, nag paalam si Seve at Seke.

"Dad, mag c'cr po muna kami." paalam ni Seke. Tumayo agad si Khen. "Samahan ko na kayo." sabi niya. "Dad, sino po kukuha ng order?" tanong mi Seve.

"Ay, oo nga." sabi ni Khen. "Ako nalang kukuha." singit ko. Biglang natahimik ang lahat. Mag sasalita na sana si Khen kaya lang biglang nag salita si Seke.

"Sino po mag babantay kay Sera at Kera?" tanong ni Seke habang nakatingin sa akin...nakatingin siya sa mga mata ko.

Ngayon niya lang ako tiningnan at habang nakikipag usap pa sa akin. Biglang may namuong luha sa mata ko.

"Sera, Kera...mag c'cr lang si Ate at Kuya ha." paalam ni Seve sa dalawa bago umalis.

Mabilis ko naman pinunasan yung mata ko bago pa tumulo yung luha ko at bago pa nila mapansin.

Pag kakuha ni Khen ng order, hindi pa bumalik yung dalawa.

"Ang tagal nila." sabi ni Khen. Yung itsura niya...ganiyan na ganiyan siya pag hindi mapakali.

Natanaw ko naman si Seve at Seke na papalapit na. Mag sasalita na sana ako kaya lang inunahan na ako ni Khen.

"Pupuntahan ko-.."

"Nandito na po kami, Dad." sabi ni Seve.

Habang kumakain kami, inaalalayan ko si Sera habang si Khen naman kay Kera.

"Tapos na ako. Ako na bahala, Kumain ka na." mahinang sabi niya.

Habang kumakain ako, napatingin ako sa kaniya naka lahad yung kamay niya sa harap ko habang may tissue.

"Bakit?" tanong ko. Nagulat ako ng punasan niya yung gilid ng labi ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko, parang sasabog. Hindi na ata normal ang puso ko.

Akala ko pag napalitan na yung puso ko, hindi na siya yung laman ng bago kong puso....pero siya pa rin talaga.

Pag baling ko kay Seve at Seke, mabilis silang umiwas ng tingin.

Hindi ko na namalan na natapos na pala kami sa pag kain. Napansin ko nalang na nasa arcade na pala kami.

Pag katapos namin sa arcade, nag grocery kami. Nakalagay din kasi sa list nila yun.

"Nasaan ang Mommy niyo?" tanong ng isang nakakakilala kay Seve at Seke.

"Busy po." sabay na sabi ni Seve at Seke. Bumalik yung kirot ng puso ko, parang gusto kong matunaw sa harap nila.

Sabay na napatingin sa akin si Seve at Seke. Kita sa mukha nila na medyo nagulat sila sa sinagot nila.

Nag antay ako, baka may kasunod pa silang sabihin. Kaya lang wala na silang sinabi. Ang sakit.

Hindi ko namalayan na pauwi na pala kami.

Unang nakatulog yung mga bata, hindi ko din namalayan na nakatulog din pala ako.

Nagising ako sa bulungan nila.

Nasa parking area na pala kami ng resort.

"Halaaa...Kanina pa ba tayo nakarating?" tanong ko. "Kakarating lang natin." tugon ni Khen.

Buti nalang.

Bumaba na kami sa sasakyan at tinungo yung bahay.

Sinalubong kami ng parents namin ni Khen. Nandito pa pala sila.

Nag madaling pumasok si Khen at na c'cr na daw si Sera at Kera. Ganon din si Seve at Seke.

Naiwan ako sa pinto kasama yung parents namin.

"Bakit natagalan kayo sa parking area? Inabot kayo ng 20 mins doon." sabi ni Mom.

20 mins?
Akala ko kakadating lang namin.

"Kumusta yung lakad niyo?" tanong nila. Napangiti ako sa kanila. Kanina ko pa gustong gawin yun.

Nanghina ako pag kakita ko sa parents namin, kita yung tuwa sa mukha nila. Biglang nag lambot yung tuhod ko at napa upo ako. Hindi ko namalayan na sunod sunod na tumulo yung luha ko. Napa upo nadin sila.

"Bakit?" alalang tanong nila.

"Hindi ko ho alam kung bakit ako umiiyak. Natutuwa lang naman ho ako sa nangyari ngayong araw. Ramdam na ramdam kong buo kami kahit sobrang layong abutin ni Seve at Seke." sumbong ko sa kanila.

"Mommy."

STILL INTO YOU  (INTO YOU S2) - ON-GOINGWhere stories live. Discover now