CHAPTER 81 : The never ending, Seth lll

34 4 0
                                    

"Anong sabi Ley?" tanong ko habang busy sa pag hahanda sa hapag kainan. "Parating sila Tita." sabi ni Ley. Biglang bumukas yung pinto.

Huli na para maitago si Aeri.

"Seth." tawag ni Mom.
"Anong ibig sabihin nito?" sabi naman ni Dad.

Dinala ko sila Mom at Dad sa office ko. Kwenento ko kung anong nangyari.

"Pano pag nalamang ng parents to ni Zayn?" tanong ni Mom. "Pwede naman sabihan hindi mo siya tatanggapin, pwede ka mag sabi na kung ano para hindi siya matuloy maging Yaya ng kambal. Khen naman." dagdag pa ni Mom.

"Mom, Ok sana kung interview palang kaso tapos na siya ma interview. Tsaka need niya pera.  7 months yung nasa contract niya." sabi ko.

Pag alis nila Mom, lumapit yung kambal sa akin.

"Dad, sino po ba si Seth?" tanong ni Seve. "Palagi po namin naririnig pangalan niya." sabi naman ni Seke. Napatingin ako sa mga kaibigan ko na nakatingin na din sa akin.

Hindi ko alam ang isasagot ko.

"Kaibigan namin na nasa malayo." sabi ni Tiff. "Kailan po namin siya makikilala?" tanong naman ni Seve.

"Nakahanda na ho yung pag kain." sabay sabay kami napatingin ng mag salita si Aeri. Sabay sabay kaming tinungo yung hapag kainan.

"Saan ka pupunta??" tanong ni Charm. "Hindi ka kakain?" tanong naman ni Dara. "Mamaya na ho." sabi ni Aeri. "Maupo ka." sabi ni Zayn.

"Sabay sabay tayo kakain." sabi naman ni Ley. "Maupo kana." sabi ko. Wala naman siyang nagawa ng makita niyang nag aantay lahat sa pag upo niya.

"Bakit po tinatawag nilang Seth si Ms. Aeri po?" biglang tanong ni Seke. Napatigil kami sa pag kain sa tanong na yun. "Seke mamaya na, kumain muna tayo." sabi ko sa kaniya.

Matapos kumain niligpit ni Dale at Jiro yung pinag kainan at yung nag hugas naman si Dara at Charm, habang si Aeri yung nag lalagay kung saan dapat ilalagay yung pinag hugasan ng dalawa. Si Tiff, Ley, Dylan at ako pinapanood si Zayn na nakikipag laro kay Seve at Seke.

"Mag asawa kana kasi para may Seve at Seke kana din." sabi ni Tiff. "Depende kung papayag si Ley." sabi ni Zayn. "Ha?" wala sa sariling sabi ni Ley.

Tulala kasi. Natawa nalang kami sa kaniya.

Nakarinig kami ng nabasag sa kusina.

"Khennnn." sigaw ni Dara sa kusina. "Khennn si Aeri." sabi naman ni Charm na tumakbo saamin. "Anong nangyari?" tumakbo na kami lahat papuntang kusina.

Nakaupo si Aeri sa sahig habang hawak yung ulo niya. May basag ding plato sa sahig.

"Anong nangyari sa kaniya?" tanong ni Zayn. "Aeri..." tawag namin.

"Bigla ko kasing nalaglag yung plato ng ibibigay ko na sana sa kaniya, tapos bigla nalang siya nag ka ganyan." paliwanag ni Charm.

Inalalayan namin ni Zayn si Aeri na maka upo sa upuan. Binigyan naman agad siya ni Ley ng tubig.

"Ms. Aeri, Ok ka lang po?" tanong ni Seve. "O-ok lang ako, Seve." tugon ni Aeri. "Seke, Seve ok lang si Ms. Aeri, balik na kayo doon." sabi ni Zayn. Umalis naman ang kambal.

"Ok ka lang ba talaga?" tanong ni Tiff. "Idala na natin siya sa hospital." sabi ni Charm. "Hindi na ho." sabi ni Aeri.

"Sumasakit ba ulo mo pag nakakarinig ka ng pag basag?" tanong naman ni Jiro. Tumango naman si Aeri. "Minsan ho, sa busina ng mga sasakyan." sabi ni Aeri. "Nag simula ho ito 2 years ago." dagdag pa ni Aeri.

STILL INTO YOU  (INTO YOU S2) - ON-GOINGWhere stories live. Discover now