KHEN'S POV
Siguro nga mas sasaya kung buo kami. Bigla ko tuloy naalala kung bakit andito kami. Sobrang biglaan lang.
Flashback.
Ang alam ko lang nasa mag kabilaan ko si Seve at Seke. Pag gising ko wala na sila sa tabi ko. Gulat ako ng makita kong 9am na. Bakit walang gumising saken.
Mabilis akong naligo at nag bihis. Habang pababa ng hagdan tinawagan ko si Mark yung secretary ko. Mabilis naman niyang sinagot.
"Ano schedule ko ngayon?" tanong ko. "Hindi ho ba sinabi ng Mom at Dad niyo?" tanong niya. "Naka leave ka for 1 month ---..." hindi na natapos ni Mark yung sasabihin niya.
Binaba ko yung tawag, nakita kong may mga maleta sa harap ko.
"Dadddd" tawag ni Seve. "Dad, bakit po ganyan suot niyo?" sabi naman ni Seke. "Oo nga naman Kuya, bakit ganyan suot mo?" natatawang sabi ni Jade.
Kompleto sila sa hapag kainan. Si Mom at Dad, Si Jade, Jared at si Seve at Seke.
"Leave? 1 month?" tanong ko kay Mom at Dad. "Ano tong maleta manang??" tanong ko kay Manang.
"Sino ang aalis?" tanong ko pa.
"Dad, nakalimutan mo po ba??" tanong ni Seve. "Tapusin niyo na kinakain niyo Seve at Seke." sabi ni Dad.
Lumapit sa aken si Dad.
"Naka ready na lahat lahat. Ikaw nalang hindi. Makakapag pahinga ka doon sa resort." sabi ni Dad.
"Tama ho bang mag desisyon kayo ng ganito?" tanong ko kay Dad. "Wala kaming ibang maisip ng Mom mo kundi ito." sabi ni Dad.
"For 1 month? 1 month Dad, ang tagal ng 1 month Dad. Yung 3 days nga lang matagal na ano pa kaya yung 1 month." sunod sunod na sabi ko.
"Ito na din siguro yung time para ibuhos mo ang atensyon mo ng buo kay Seve at Seke. Hindi natin pwedeng patigilin yung oras Khen at hindi din natin pwedeng balikan ang tapos ng nangyari para baguhin. Ayaw naming mag sisi ka sa huli. Dadating yung araw na tatanda sila, habang maaga pa sulitin mo yung araw na maliit pa sila, Anak." mahabang sabi ni Dad.
Tama si Dad, masyado kong binuhos yung atensyon ko sa trabaho.
"Hindi naman namin ito gagawin kung hindi yan matigas na ulo mo, kung kumain at natulog ka sana sa tamang oras at hindi mo binuhos lahat diyan sa trabaho mo, hindi to mangyayari." mahabang sabi ni Dad.
"Mag bihis kana, ihahatid kayo doon ni Manong." sabi ni Dad bago ako iniwan doon.Wala akong nagawa kung hindi bumalik sa kwarto ko at mag bihis.
End of Flashback.
Matapos namin kumain, bumalik kami ng bahay.
"Sobrang init pa sa labas, ayusin muna natin yung mga dala nating gamit." sabi ko sa dalawa.
Ano kayang mangyayari sa pag stay namin dito ng 1 month.
Nakatulog si Seve at Seke. Inayos ko na lahat bago pa sila magising. Nagising sila mag pa 5 na. Nag padala ako ng meryenda nila dito sa bahay.
"Pag katapos niyo diyan mag lakad lakad na tayo." sabi ko sa dalawa.
Nakalabas kami ng bahay 5pm na. Tamang tama, hindi na masakit yung tama ng araw.
"Ang ganda dito Dad." masayang sabi ni Seve. "Tumayo kayo diyan, kukunan ko kayo." sabi ko sa dalawa. Matapos kong kuhanan sila, nag request naman si Seve at Seke na kami daw tatlo.
YOU ARE READING
STILL INTO YOU (INTO YOU S2) - ON-GOING
RandomI hated you so much, but i couldn't completely hate you at the same time. It was because of those memories we shared. No... Hindi about the memories, hindi lang about sa memories. Dahil mahal kita, kahit anong mangyari ikaw at ikaw pa rin. Kahit ano...