CHAPTER 123 : AEKE III

8 2 0
                                    

"Mommy."

"Maiwan ko muna kayo, babalik ako pag katapos ng meeting ko." Paalam ni Kuya bago siya lumabas. Pag kalabas niya pumasok naman si Kenji.

Kinakabahan ako sa sasabihin ni Aeke at Kenji.

"Bukas po...aalis na po kami ni Daddy." sabi ni Aeke pag ka upo na pag ka upo namin sa sofa.

"Aeke-..." hindi niya ako pinatapos.

"Babalik na po kami sa canada." Dagdag niya. "Bakit biglaan? Bakit bukas agad?" tanong ko.

"Mom, bago po tayo umuwi dito nag usap usap na po tayo." sabi niya. Inilingan ko siya. "Wag muna." sabi ko sa kaniya.

"Mommy masaya po kami ni Daddy na okay kana po." sabi niya.

"Thank you po ng marami kasi naging Mommy po kita. Kahit po alam mo na po na hindi mo po ako anak, tinuring mo po akong totoong anak po." bigla nalang tumulo luha ko.

"Pwede bang dito ka nalang kay Mommy?" Sabi ko sa kaniya. "Kahit gusto ko man po, pero po....gusto ko po...gusto po namin ni Daddy na sarili mo naman po ang unahin mo po. Tsaka si Daddy po, ako nalang po yung meron po siya." dagdag niya pa.

"Mom, mag kikita kita pa naman po tayo. Diba po next year dito na po ako mag aaral??" Sabi ni Aeke.

"Halika nga dito." niyakap ko nalang siya.

"Aekeee, pwede mo naman sabihin na ayaw mo umalis.. na gusto mo sa tabi ko-..." Pinutol niya yung sasabihin ko.

"Mommy, nong nakaraan pa po tayo nag usap-usap nila Daddy. Promise po, lagi po ako tatawag sayo." sabi niya at umalis sa pag kakayakap.

"Wait lang po, kakausapin ko lang po sila Seve at Seke." paalam niya sa amin. Hindi ko napansin ang pag baba nila, gising na pala sila.

"Hindi ko na alam." bulong ko pag kaalis nila.
"Hindi pa ako handa, Kenji." dagdag ko pa.

"Wag ka na mag alala, alam mo naman si Aeke pag sinabi niya, hindi na mag babago yon. Alam mo naman na hindi pa naman ito yung last, mag kikita kita pa naman tayo." sabi ni Kenji.

"Si Aeke---."

"Sasabihin naman ni Aeke kung ayaw niya umalis e. Kaya sundin nalang natin yung desisyon ni Aeke." sabi niya.

"Thank you sa lahat, Princess." napabaling ako sa kaniya. "Ingatan mo yung puso ni Aeri." sabi niya, kita sa mata niya yung namumuong luha.

"Thank you din sa lahat lahat. Wag ka mag alala, alam naman nating pareho na malakas yung puso ni Aeri.... Iingatan ko ito." tugon ko sa kaniya at lumapit sa kaniya.

"Ingatan mo yung anak natin Kenji." dagdag ko pa at niyakap siya. Niyakap naman niya ako pabalik.

Pag hiwalay namin ni Kenji, nahagip ng mata ko si Khen na nakasandig sa may hagdan.

"Kausapin ko muna si Khen." sabi ni Kenji.

Naiwan naman akong mag isa sa sofa. Nag halo halo na ang emosyon ko. Hindi ko na namalayan ang mga nangyayari sa paligid.

"Bibisitahin muna namin si Aeri, babalik nalang kami mamaya para ayusin ang mga gamit namin." Paalam ni Kenji.

STILL INTO YOU  (INTO YOU S2) - ON-GOINGWhere stories live. Discover now