CHAPTER 83 : Seth's and Zayn's B.

30 3 0
                                    

3 and a half months later

Mag aapat na buwan na ang nakakalipas.

Sa ilang buwan, tuwing sabado o linggo, nag titipon tipon kaming mag kakaibigan sa bahay nila Khen. May mga araw ding nag kwekwento si Khen na minsan iniiwasan niyang makita si Aeri pag nasa bahay siya.

Kaya minabuti naming mag kakaibigan pati na din mga kapatid ko at kapatid ni Khen na pag may free time bawat isa sa amin, sa bahay nila kami tatambay.

Habang tumatagal mas lalong nakikita namin sa katauhan ni Aeri si Seth. Hindi naging madali sa amin na wag pansinin yun.

"Daddyyy." tawag ni Seve at Seke habang nag mamadali silang bumaba ng hagdan. "Mag dahan dahan kayo, baka madapa kayo." sabi ni Khen sa kanilang dalawa.

"Daddy 21 po ngayon." sabi ni Seve. "Daddy birthday na po ni Tito Zayn bukas." masayang sabi ni Seke. Hindi pa alam ng kambal na andito ako.

"Ehemm." singit ko.

"Titooooo." tawag ng dalawa at tumakbo papunta sa akin. "Hanggang mamayang hapon ka po dito?" tanong ni Seve. "Susunduin ko kayo." sabi ko.

"Tch, susunduin mo kami e wala ka ngang dalang sasakyan." sabi ni Khen sakin. "Anong ginagawa ng sasakyan mo? Yun yung gagamitin natin." sabi ko sa kaniya.

Susunduin sana namin ni Kuya Zach sila gamit sasakyan ni Kuya kaya lang biglang may pupuntahan si Kuya. Same way lang naman, dadaanan bahay nila Khen.

"Anong balita kina Mama at Papa?" tanong niya. "Sabi nila uuwi sila, hanggang ngayon wala pa." tugon ko. Nilapagan naman kami ni Aeri ng kape.

Akala namin aalis na siya.

"Gusto ko ho sanang mag paalam kung pwede ho gamitin ko ngayon hanggang bukas yung day off ko ho???" sabi niya. "Pwede ho ba pag sabayin, pasensya na ho, may lakad ho kasi ako bukas magdamag ho. Sa umaga na ho ako makaka balik." sabi niya pa.

"Sege, wala naman ako trabaho hanggang bukas." sabi ni Khen sa kaniya. "Salamat ho." sabi niya. "Saan ka ba bababa?" tanong ko. "Sa... may... sa may terminal ho." sabi niya. "Dadaanan namin yun, sumabay kana saamin." sabi ni Khen.

Tatanggi pa sana siya kaya lang biglang may tumawag kay Khen.

"Oh...." biglang napatingin sa akin si Aeri. "Ano ho yun?" Tanong niya.

"Yung kwentas mo, parang nakita ko na yan." sabi ko, yung ring na ginawa niyang pendant, saan ko ba nakita yun.

"Tara na, andon na silang lahat." singit ni Khen.

"Ms. Aeri hindi ka po sasama sa pupuntahan namin??" tanong ni Seve. "Ms. Aeri birthday po ni Tito Zayn bukas." sabi naman ni Seke. Napatingin naman sa akin si Aeri.

"May lakad si Ms. Aeri." sabi ni Khen.

Pag kababa namin kay Aeri sa terminal, diritso na kami sa hideout. Napag planohan kasi nilang dito daw kami sa hideout.

Mga kapatid ko at kaibigan lang ang andon. Yung parents ni Khen may lakad sila. Si Jade at Jared naman may gagawin silang project kasi kinabukasan daw need na e present. Si jazz naman nag fo focus pa kay baby Aria.

STILL INTO YOU  (INTO YOU S2) - ON-GOINGWhere stories live. Discover now