"Mom, the way niya po sinabi yun. Yung dating po sakin non, parang tinuturing niya po talagang totoong Mommy kita." sunod sunod niyang sabi.
"Aeke." nasambit ko.
"Natutuwa lang po ako. Tara na po." nag simula na siyang mag lakad.
"Aeke, anak kita..." napatigil siya at napaharap sa akin. "Mommy mo ako." dagdag ko. Nginitian niya ako.
"Lagi mong tatandaan na kahit anong mangyari, anak kita at Mommy mo ako." sabi ko sa kaniya.
"Mommy ang drama." tatawa tawa siyang lumapit sa akin. "Tara na." aya ko sa kaniya at hinawakan yung kamay niya.
Pag dating namin nasa sofa si Seve at Seke. Pag pasok namin, nakatingin si Seke at Seve sa kamay naming mag kahawak ni Aeke. Dahan dahan naman inalis ni Aeke, at naupo siya sa sofa.
Tinungo ko si Khen sa kusina, nandoon kasi si Sera at Kera. May pinapanood sila sa tablet, habang si Khen naman ay busy sa pag lalagay ng pag kain sa lagayan.
Wala siyang sinabi, tiningnan niya lang ako bago siya lumabas ng kusina habang dala dala yung dadalhin naming mga pagkain.
"Kunin niyo na yung mga dadalhin niyo." rinig kong sabi ni Khen.
"Daddy, may gagawin po pala ako. Hindi po ako sasama." rinig kong sabi ni Seve. "Ako din po, Daddy." sabi naman ni Seke. "Ako din po." singit naman ni Aeke.
Lumabas ako ng kusina kasama si Sera at Kera.
Nakatayo si Khen sa harap ng tatlo.
"Sandali nga." sabi ni Khen. "Parang may nakalimutan kayo." dagdag pa ni Khen. "Hindi ba kayong tatlo talaga ang may plano nito?" tanong ni Khen.
Hindi nakakibo yung tatlo.
Si Seve at Seke nag aaya sila kaninang umaga. Habang si Aeke naman nag aya kahapon na ngayong araw daw.
"Yung mga gagawin niyo ngayon, ipag pabukas niyo yan. Madami pang bukas ang darating. Kung hindi bukas, may susunod pa na bukas." sabi ni Khen.
"Aeke, Seve, Seke...E ready niyo na yung mga dadalhin niyo. Pupuntahan ko muna kapatid niyo." sabi pa ni Khen bago tinalikuran yung tatlo.
Napatingin ako kay Aeke na nakatingin kay Khen. Napayoko siya ng mag tama yung mata namin.
Nakita naman kami ni Khen kaya lumapit siya para kunin si Sera at Kera. Pinaupo muna ni Khen yung dalawa sa sofa at tiningnan niya yung daldalhin namin.
"Wala na kayong kukunin? Kung wala na. Tara na." aya ni Khen. "Kayong tatlo, tumayo na kayo diyan at hawakan niyo ang kamay ng nakababata niyong kapatid." baling ni Khen sa tatlo.
Binigyan naman ako ni Khen ng magaan na dadalhin.
"Kera, Sera." tawag ni Seve at Hinawakan niya sa mag kabilaang kamay niya si Sera at Kera. Habang si Seke naman ay naka hawak kay Sera at si Aeke naman nakahawak kay Kera.
Nakakatuwa silang pagmasdan. Nasa unahan namin ni Khen yung mga bata, nasa kanila yung paningin ko kaya hindi ko namalayan na nakarating na pala kami.
Sa tabing dagat, may nakalatag na carpet, may unan na uupuan namin at sa gitna may mesang mababa at may mga lights sa paligid.
"WOW." reaction ng mga bata. "Daddy, alam po naming ikaw ang nag prepare nito." natutuwang sabi ni Seke. Iiling iling naman na pinagmasdan ni Seve yung paligid.
YOU ARE READING
STILL INTO YOU (INTO YOU S2) - ON-GOING
RandomI hated you so much, but i couldn't completely hate you at the same time. It was because of those memories we shared. No... Hindi about the memories, hindi lang about sa memories. Dahil mahal kita, kahit anong mangyari ikaw at ikaw pa rin. Kahit ano...