CHAPTER 104 : 7 years ago V

16 3 0
                                    

"Mom, Dad....natatakot ako, natatakot ako sa mangyayari. Anong gagawin ko??? Natatakot ako, pano pag hindi ako nagising after manganak? Ayoko pa, ayoko pa mamatay, gusto kong mabuhay." Sabi niya na patuloy pa din sa pag iyak. Biglang kumirot yung puso ko.

"Tumahan kana, Princess. Walang mangyayaring masama." Sabi ni Dad habang yakap yakap si Princess.

"Gusto kong masubaybayan yung pag laki nila. Ang dami ko pang gustong gawin kasama kayo at ang kambal." mahinang sabi niya.

"Wag ka mag alala, magiging maayos ang lahat." Sabi pa ni Dad. "Mag pahinga ka na, Princess." Sabi naman ni Mom.

Inayos namin yung sarili namin. Binantayan namin si Princess hanggang makatulog siya.

"Zach, ihatid mo na yung mga kapatid mo sa bahay." sabi ni Mom. "Hindi kami uuwi, Mom." sabi ko.

"May pasok kayo bukas." sabi naman ni Dad. "Dala po namin yung gamit namin." sabi ni Shin.

"Matulog na kayo doon." sabi ni Dad. Wala naman nagawa si Shin at Sean kundi pumasok sa room.

"Ikaw din, Zayn." sabi ni Dad.

"Mom..Daddd..." napaupo nalang ako, walang gustong lumabas sa bibig ko. Nag unahan sa pag tulo yung mga luha ko. Gusto kong humagulhol sa kanila kaya lang ayokong magising si Princess.

Nilapitan naman nila ako.

"Wag ka mag alala. Magiging maayos din ang lahat." sabi ni Dad.

Lumipas ang ilang minuto tahimik lang kaming naka upo sa sofa.

"Matulog kana Zayn, may pasok ka pa bukas." Sabi ni Kuya. "Wala akong pasok bukas. Ako na mag babantay ngayong gabi kay Princess." Sabi ko sa kanila.

Ayaw pa sana nila Mom, kaya lang hindi ako nag pa daig. Ilang araw na din kasi silang puyat. Si Kuya naman nag pumilit na samahan ako.

"Excited na ako sa pag labas ng kambal." sabi ni Kuya pag ka upo namin sa upuan na nasa tabi ng kama ni Princess.

Ilang oras kami nag usap about kay Seve at Seke. Hindi pa man siya lumalabas ang dami na naming gustong gawin kasama sila.

Ang daming plano ni Kuya, ang dami niyang gustong gawin kasama si Seve at Seke.

"Kaya.... kailangan nating maging matatag para kay Princess, at sa kambal." sabi niya, bago siya pumasok sa kwarto.

Ayaw niya pa sana pumasok, kaya lang ilang beses ko siyang pinilit.

Mula ng ma admit si Princess dito, siya yung laging nasa tabi ni Princess. Pag wala si Mom at Dad, siya yung naiiwan kay Princess. Bilang lang sa mga daliri kung ilang beses siyang lumabas ng hospital.

Yung mga araw na umalis siya, yun yung araw na may pinapabili si Princess. Yung mga gustong kainin ni Princess.

Sa daming tumatakbo sa isip ko hindi ko namalayan 1 am na.

"Zayn." Gulat akong napatingin kay Seth.

"Kanina pa kita tinatawag." sabi niya. Napatayo ako bigla. "May kailangan ka ba??? Nagugutom ko?" Tanong ko sa kaniya.

"Kumalma ka nga." Sabi niya. "Bakit gising ka pa??" Tanong niya.

"May pasok ka pa mamaya." Dagdag niya pa. "Wala akong pasok." Tugon ko sa kaniya.

STILL INTO YOU  (INTO YOU S2) - ON-GOINGWhere stories live. Discover now