CHAPTER 93 : THE PAST II

22 3 0
                                    

"Bakit pumasok kang Yaya ng kambal?" napabaling ako kung saan nang galing yung boses na yun, yung boses na yun... si Khe..khen.

"La..lahat na nakakakilala sakin bilang Seth o Princess, tinatawag nila ako sa pangalan na yun at gulat pag nakikita ako. Ikaw yung laging nababanggit tuwing nakikita ako. Sa kagustuhan kong makilala yung sarili ko, naghanap ako ng paraan para mapalapit sayo. Mali ako sa part na kailangan kong mag sinungaling at idamay yung iba. Totoong nag sinungalung ako sa part na pumasok ako dahil kailan ko ng pera, pero yung oinakita ko sainyo lalo na sa kambal totoo yun." tugon ko.

"Ano nakuha or nalaman mo?" tanong uli niya.

"Na may anak at asawa kana." sabi ko sa kaniya. "Na naging tayo?.... yun lang, wala namang bumalik na ala-ala sakin." dagdag ko pa.

Napatahimik kaming lahat.

"Bakit bigla ka nalang umalis? hindi ka nag paalam na mag reresign kana?" tanong ni Khen.

"Habang tumatagal, lalo ko lang nakikitang nasasaktan kayo pag nakikita ako. Inisip ko lang sarili ko, hindi ko inisip yung mararamdaman niyo." tugon ko sa kaniya.

"Hindi ko nagugustuhan yung emosyon ko." bulong ko. Hindi ko alam kong narinig nila pero panigurado oo.

Yung ilang months na pag stay ko sa kanila. Hindi ko ma explain kung anong naramdaman ko, ang alam ko lang pag nakikita ko siya, kumikirot at biglang nalakas yung tibok ng puso ko.

Alam kong mali yung pakiramdam ko na yun, alam kong hindi pwede. Kung ano man mayroon samin dati, hanggang doon nalang yun. Ayokong sirain yung family niya, nakapag stay lang ako ng matagal dahil sa kambal. Sobrang gaan ng loob ko sa kanila.

"Paanong nag break kayo?" pag iiba ni Kenji. "Hindi ko alam." tugon ko agad. Totoo naman hindi ko alam yun.

"Hindi kami nag break, iniwan niya ako." napabaling ako sa kaniya, nakatingin na siya sa akin. Biglang lumakas yung tibok ng puso ko.

Ano bang nangyayari sakin.

"Sa daming pwedeng kalimutan, bakit ako pa?? Ganon nalang ba ako kadaling kalimutan??" dagdag niya pa.

Kumirot yung puso ko sa sinabi niyang yun. Kita ko yung namumuong luha sa mata niya. Bago pa bumagsak yung luha niya, bigla siyang tumayo at tumalikod sa amin.

"Balik na ako doon, baka magising yung kambal." sabi niya habang nakatalikod. Nag lakad siya palayo.

"Princess, bakit umiiyak ka?" napabaling ako kay Zayn. Hindi ko napansing panay tulo na pala luha ko.

"Hi..hindi ko alam. Ang sakit sakit ng puso ko." sabi ko sa kanila, sabay punas ng luha ko. "Bakit ganto yung nararamdaman ko. Bakit ako nasasaktan." sabi ko sa kanila.

"Bakit hindi ko siya maalala? Hindi ba maayos yung pag hihiwalay namin? Iniwan ko ba talaga siya??" tanong ko sa kanila habang natulo pa din yung luha ko.

Hindi sila umimik. Kita kong pag iwas ng mga mata nilang tumama sa mata ko, at pag pigil na maluha din.

"Wag ka munang mag isip ng kung ano ano Princess." sabi ni Zayn.

STILL INTO YOU  (INTO YOU S2) - ON-GOINGWhere stories live. Discover now