CHAPTER 79 : The never ending, Seth

33 3 0
                                    

"Seth" sabay na sabi ni Jade at Jared.

"Ate Seth." pag uulit ng dalawa. "Kasama po namin sila Mom at Dad kuyaaa." mabilis na sabi ni Jared.

"Mamaya ko na ipapaliwanag sainyong tatlo, Jade at Jared i akyat niyo muna siya sa taas.." sabi ko sa kambal at mabilis na lumabas para salubungin sila Mom.

"Mom, Dad, hindi niyo ho sinabing pupunta kayo." salubong ko sa kanila. "Dumaan lang kami, sinamahan namin ng Daddy mo si Jade at Jared bumili ng kulang nilang books." sabi ni Mom.

"Asan si Seve at Seke." tanong ni Dad. "Nakatulog po sila Dad. Bumili ho kasi kami ng mga gamit nila." sabi ko habang binababa sa kotse yung mga pinamili namin.

Pag kapasok andon na sa baba si Jade at Jared.

"Asan yung yaya ng kambal?" tanong ni Mom. "Akala ko ngayon mag sisimula?" tanong naman ni Dad. "Bukas pa ho siya pupunta dito." sabi ko.

Habang busy sila Mom at Dad sa pag titingin tingin sa bahay, nilapitan ko yung kambal.

"Saan niyo pinatago??? paniguradong aakyat sila Mom." sabi ko sa dalawa. "Sa terrace po sa gilid may curtain naman po panigurado naman po hindi nila bubuksan yun." sabi ni Jade.

"Anong meron Kuya?? bakit po andito si Ate Seth? Ate Aeri po?" sunod sunod na tanong ni Jared. "Alam niyo namang wala si.... hindi yan yung ate Seth niyo. Si Aeri yan." sabi ko sa kanila. Kwenento ko sa kanila kung anong nangyari.

"Pano yan Kuya sila Tita at Tito??? tsaka sila Kuya Zayn?? kahit hindi po yan si Ate Seth, kamukha pa rin po niya." sabi naman ni Jade.

"Tsaka po Kuya, hindi mo po matatago yan, tsaka alam mo naman po yung nangyari sa resort, Kuya." sabi naman ni Jared.

"Sinabi ko na sa Kuya Zayn niyo, pati nadin kina Ate Ley niyo." sabi ko sa dalawa. "Simula ngayon sasabihan niyo ako kung may pupunta dito sa bahay." sabi ko sa dalawa.

"Sege po Kuya." sabay na sabi ng dalawa.

"Hindi na kami mag tatagal, hindi na namin maantay pag gising ni Seve at Seke. Need na din nitong kambal mag ready para bukas." sabi ni Dad.

Pag ka alis nila tinungo ko yung kinaroroonan ni Aeri.

"Ano hong meron??? Hindi po ba nila alam na ako yung yaya ng kambal??" tanong niya. Tinanguan ko naman siya.

"Ah, hindi. Wag mo na isipin yun, pwede kana lumabas nakaalis na sila. Pag usapan natin yung sinabi ko kanina sayo." sabi ko at nauna ng pumasok.

"Nabasa mo yung files na binigay sayo ng secretary ko diba?" tanong ko. Tumango naman siya. "Wala kang ibang gagawin kung hindi bantayan at alagaan ang kambal." sabi ko sa kaniya.

Ni review ko lang lahat sa kaniya ang nakalagay sa files.

"Every week may pupunta ditong mag lalaba at mag lilinis. Ito yung routine ng kambal every day. Andyan na lahat lahat ng mga pwede mong itanong sa akin." sabay abot ko ng files. Mag lalakad na sana ako pataas ng may maalala ako.

Oo nga pala yung uniform ng kambal.

"Dadddyyy." muntik ko ng mabitawan yung sinasampay kung uniform. "Bakit??" tanong ko. "Daddy pumunta po sila Lolo at Lola???" tanong ng kagigising lang na Seve.

"Bakit mo alam?" tanong ko. Tinaas niya yung laruang bitbit niya. Oo nga pala, pag may lakad sila Mom lagi silang may pasalubong sa kambal.

"Tulog pa si Seke?" tanong ko. "Opo." tugon niya. "Mamaya pag ka gising ni Seke, sabay sabay natin aayusin yung mga gamit niyo." sabi ko sa kaniya.

STILL INTO YOU  (INTO YOU S2) - ON-GOINGWhere stories live. Discover now