3 days na ang nakakalipas mula ng makauwi kami galing resort. Ngayon na yung araw na lilipat na kami ng bahay. 1 year na din ang nakakalipas ng matapos magawa yung bahay na yun. Need nalang talaga namin ang lumipat.
"Mukhang hindi na talaga mag babago pa ang desisyon mo anak." sabi ni Dad. "Kakabukod lang ni Jazz tapos kayo naman ngayon." sabi naman ni Mom.
Pag ka graduate ni Jazz nag trabaho agad siya sa company namin, 22 siya noon. Pag tungtong niya ng 23 nag pakasal sila nong first boyfriend niya, mahigit 8 years na sila ngayon. Hindi naman hinadlangan ng parents namin yun pag papakasal nila.
Nasa tamang edad naman daw sila at may mga trabaho at nakaipon na. Matapos makasal, hindi din nag tagal nag kaanak sila ng lalaki. Kakaanak niya lang last week.
"Mom, Dad andyan pa naman si Jared at Jade, matagal tagal pa ho yan bubukod." biro ko, sinamaan nila ako ng tingin.
"15 mins ho ang byahe mula dito papunta doon sa lilipatan namin. Hindi ho kami mag iibang bansa." dagdag ko pa.
"Pwede naman ho pumunta kayo doon anytime at pupunta din kami dito. Wag ho kayo mag alala, pag hindi ho makaya yung pag lipat namin doon. Babalik kami dito." sabi ko.
Matapos ang matagal tagal na pangungumbinsi nila Mom at Dad pati na din ni Jade at Jade nakaalis din kami. Sasama pa sana sila papunta doon kaya lang may lakad si Mom at Dad. Si Jade at Jared naman may inaasikaso.
After 15 mins na byahe nakarating na din kami.
"Gusto niyo naba makita yung kwarto niyo?" tanong ko sa kambal. Nakapunta na sila pero wala pa noon design yung bahay.
Tumango naman yung dalawa. Umakyat na kami sa taas. Sila pumili ng design. Hindi lang sa design, sa lahat ng nakalagay sa room nila.
May tig isa na silang room. Mag katabi lang yung room nila habang yung akin nasa harap ng kwarto nila. Mangha naman sila ng makita yung loob. Habang busy yung dalawa, nag dial ako.
"Anong balita sa mga nag aaply na Yaya?" sabi ko agad pag kasagot niya ng tawag ko. "Ok na ho, bukas na bukas mag sisimula na siya." sabi niya.
Isang yaya lang yung kinuha ko kasi yung mag babantay lang naman sa kambal. Sa mag lilinis ng bahay at mag lalaba, kumuha ako dalawang tao na every 1 week may mag lilinis at isa namang mag lalaba every 5 days.
Kung sino man yun, wala siyang ibang aasikasuhin kung hindi yung kambal lang.
"Daddy yung isang room po namin gusto namin makita." sabi ni Seve. Oo nga pala, ayaw pa nila mag solo. Kaya katulad sa bahay namin, doon kina Mom at Dad. Sa iisang kwarto pa din sila matutulog.
Ayaw ko naman silang pilitin na doon na sa kada room nila, ni ready ko lang yun kasi dadating din yung araw na kusa silang doon na sa tig isa nilang room.
Kinagabihan, sa kwarto ko natulog ang kambal.
Kinabukasan maaga akong nagising, nag prepare ako ng almusal namin.
Habang kumakain ang dalawa, umakyat ako sa taas para ayusin yung damit nilang susuotin ng biglang may nag doorbell. Baka yung magiging yaya na ng kambal.
Pababa na ako ng marinig kung may kausap yung kambal, pinapasok na ata nila. Alam naman nilang bawal sila mag papapasok kung hindi nila kilala.
Pag kababa ko naka upo na sila sa sofa nakatalikod yung babae. Familiar yung likod nong babae.
Ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Dad..." tawag sa akin ng kambal. Tumayo naman yung babae at humarap sa kinaroroonan ko. Muntik ko ng mabitawan yung tasang hawak ko.
YOU ARE READING
STILL INTO YOU (INTO YOU S2) - ON-GOING
RandomI hated you so much, but i couldn't completely hate you at the same time. It was because of those memories we shared. No... Hindi about the memories, hindi lang about sa memories. Dahil mahal kita, kahit anong mangyari ikaw at ikaw pa rin. Kahit ano...