CHAPTER 127 : PRINSE

7 1 0
                                    

Pag pasok ko sa bahay, napako kay Khen ang paningin ko. Nag babasa siya.

Napangiti ako sa itsura niya, at doon ko lang napansin na baliktad ang librong binabasa niya. Saan na naman kaya siya napadpad. Ilang minuto ko siyang pinagmasdan bago ko siya lapitan.

Pag kalapit ko, ilang beses ko siyang tinawag sa pangalan niya pero sobrang lalim talaga ng iniisip niya.

"Oh?" gulat siyang napatingin sa akin. "Kanina pa kita tinatawag." sabi ko sa kaniya. Tumayo siya, nilapitan niya ako at kinuha niya yong mga dala kong paper bag.

"Ang mga bata?" tanong ko. "Tulog na sila." tugon niya. "Kumain ka na ba?" tanong niya naman. Tinanguan ko siya. "Aakyat ka na?" tanong ko ba. Ayokong isipin na inantay niya ako dito, baka nag babasa lang siya.

Tumango siya kaya nag simula na akong mag lakad patungo sa hagdan. Naramdaman ko naman na sumunod siya.

"Sabi ni Kuya Zach, daanan mo daw siya bago ka pumasok sa kwarto nati...sa kwarto mo." sabi niya habang paakyat kami sa taas. Tumango ako kahit hindi ko siya nilingon.

Pag tigil namin sa harap ng kwarto ni Kuya Zach, bumaling ako sa kaniya.

"Mauna na ako sa kwarto." sabi niya, akala ko sasamahan niya ako.

Pag pasok ko sa kwarto, busy si Kuya Zach sa harap ng laptop niya. Mabilis naman siyang bumaling sa akin.

"Makakalabas ka na." nakangising sabi niya matapos niya akong tingnan.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"May tinatapos ako, baka pag natapos ko ito naka pasok ka na sa kwarto mo. Ayoko naman istorbohin...i mean baka tulog na kayo." sunod sunod na sabi niya habang nakatingin siya sa laptop niya.

Ang dami niya pang sinasabi, pwede naman niyang sabihin na gusto niyang malaman kung naka uwi na ba ako. Natawa nalang ako at inantay siyang mag salita uli.

Nang wala siyang nakuhang tugon sa akin, tsaka lang siya bumaling sa akin.

"Gusto ko lang malaman kong naka uwi ka na." nakangising sabi niya. "Ang daming nag aantay sayo dito sa bahay." tatawa tawang sabi niya.

"Nakauwi ako ng buo." natatawang tugon ko.

"Mabuti naman kung ganon, lahat nag alala sayo. Mabuti nalang walang nasaktan sainyo." muntik na mabunggo sa puno yong kotseng sinsakyan namin, lumuwag kasi yong turnilyo ng gulong. Mabuti nalang na control yong pag tigil namin.

"Dumaan ka sa kwarto nila Mom at Dad pati na din sa kwarto ni Sean at Shin, nag aantay din sila." sabi ni Kuya.

"Kumain ka na ba?" tanong niya. Tinanguan ko siya. "Bago kami umuwi, kumain muna kami." tugon ko.

"Naku." nasapo niya yong noo niya.

"Kung naka akyat ka dito, panigurado nakita mo si Khen. Kanina pa yon nag aantay sayo. Hindi pa yon, nakaka kain. Sabay na daw kayo. Alam mo na ang gagawin mo. Baka naman sinabi mong kumain ka na?" sunod sunod na sabi niya.

"Sinabi kong kumain na ako. Hindi ko naman alam na hindi pa siya kumain."

Nag usap pa kami ni Kuya ng ilang minuto bago ako lumabas. Katulad ng sabi ni Kuya, pinuntahan ko ang kwarto nila Mom at Dad, ni Sean at ni Shin bago ako pumasok sa kwarto ko.

Pag pasok ko sa kwarto, naka upo si Khen sa sofa habang nag babasa. Habang mahimbing naman naman na natutulog ang mga anak namin sa iisang kama. Pinapagitnaan ni Seve at Seke ang dalawang nilang nakakabatang kapatid.

STILL INTO YOU  (INTO YOU S2) - ON-GOINGWhere stories live. Discover now