5 months later
Habang tumatagal, pahina nang pahina si Princess. Ang bilis, 5 months na nakakalipas ng manganak si Princess.
Andito kami ngayon sa kwarto, dito sa hospital. Inaayos ko yung mga damit ni Seve at Seke, habang si Kuya naman nakabantay kay Seve at Seke na natutulog.
Si Sean at Shin lang yung wala. Habang sila Mom at Dad naman, kinuha yung order naming pag kain sa labas.
Napatingin naman kami ni Kuya sa pinto, pumasok sila Mom at Dad. May kasama sila. Isang babae at lalaki na hindi ata nag kakalayo yung edad namin, may buhat yung lalaki na batang lalaki.
"Princess, may bisita ka." sabi ni Mom.
"Princess." Tawag nong babae at lalaki, familiar sila. Parang nakita ko na sila.
"Aeri..Kenji..." tawag din ni Princess. Dahan dahan siyang umupo, dali dali ko naman siyang tinulungan.
Tiningnan niya mula ulo hanggang paa. Mangiyak ngiyak pa siya.
"Nakwento na nila Tita yung nangyari sayo." sabi niya.
"Hindi ako makapaniwala na may kambal ka na." Sabi niya habang tinitingnan mabuti si Seve at Seke. "Kung hindi ako nag kakamali, si Khen yung Daddy nila diba?" Sabi naman ni Kenji.
Tinanguan naman siya ni Princess.
"Nabalitaan namin yung nangyari sa kaniya." sabi ni Aeri. "Kaya ba wala siya dito??" dagdag niya pa. Napatingin naman si Aeri kay Kenji, inilingan siya ni Kenji.
"Yung puso ko, healthy ito." Sabi niya habang naka hawak sa dibdib niya.
"Maantay mo ba yung puso ko, Princess??" Tanong niya. "Wag ka mag salita ng ganiyan." Sabi ng lalaking kasama niya.
"Ay...nga pala Princess, si Aeke..anak namin. 1 year old na siya." Pakilala nong Aeri.
"Hi, Aeke." bati naman ni Princess. Inalis naman ni Aeke yung tingin niya kay Princess.
"Hindi yan sanay pag unang beses niya palang makita." Sabi ni Aeri.
"Hindi kami mag tatagal." sabi ni Kenji. Hiningi nila yung contact ni Princess. Para pag balik nila.
Pag labas nila, biglang bumukas yung pinto. Pumasok si Aeri. Akala ko may naiwan siya pero lumapit siya kay Princess.
"Gusto kong ibigay sayo yung puso ko." biglang sabi niya, tumulo bigla yung luha niya. "Antayin mo yung puso ko Princess-.." pinutol ni Princess yung sasabihin niya.
"Ano ka ba." sabi ni Princess. "Mag pakatatag ka, antayin mo ako." sabi ni Princess bago siya lumabas.
Habang buhat buhat ko si Seve, buhat naman ni Kuya si Seke.
*Booghhss
Lahat kami napatingin sa gawi ni Princess. Mabilis kaming lumapit sa kaniya.
Lahat kami nataranta. Nasa sahig si Princess.
Inatake na naman siya, at wala kaming magawa kundi tawagin yung doctor. Paulit ulit, kahit laging nangyayari yung ganito hindi pa din kami sanay at hinding hindi kami masasanay.
"She's in critical condition." sabi ng doctor.
"Due to the chronic inflammation of her heart for many years. The best way out now is to quickly operate a heart transplant on her. How ever..." Napatigil siya at tiningnan kami isa isa.
YOU ARE READING
STILL INTO YOU (INTO YOU S2) - ON-GOING
RandomI hated you so much, but i couldn't completely hate you at the same time. It was because of those memories we shared. No... Hindi about the memories, hindi lang about sa memories. Dahil mahal kita, kahit anong mangyari ikaw at ikaw pa rin. Kahit ano...