Nandito kami ngayon sa bahay nila Seth, kaming anim kasama ang mga kasambahay na busy sa kanilang ginagawa.
Ano kaya ang mangyayari ngayon araw? Kinakabahan at na e excite ako pag naiisip ko na mag uusap kami ni Khers tungkol sa amin, sa family namin.
"Daddy, pwede po kami manood ng movie?" Tanong ni Seve. "Yes, anak."
"Yeheyyyy." sabi nilang apat. Kinuha ko yong foam na ginagamit nila, nakahiga kasi sila pag nanonood.
Pag ka ayos ko ng hihigaan nila, at papanoorin nila, umakyat ako at dumiritso sa kwarto ni Seth na naging kwarto ko na din, naligo agad ako. Pag labas ko sa cr, bumungad sa akin si Seth na nag hahanap ng damit.
"Talagang inagaw mo na sa akin ang kwarto ko, mas madami ka pang gamit." sabi niya habang busy siya kakamasid sa buong kwarto.
"Hindi kaya, si Seve at Seke." Tugon ko sa kaniya. Nilibot niya uli ang paningin niya at binuksan ang mga cabinet. Tatango tango siyang tumingin sa akin.
Kinuha niya sa akin ang ginagamit kong towel at pumasok siya sa banyo.
Nagulat ako sa pag labas niya sa cr, mabilis akong napatalikod. Hindi siya naka bihis, nakapulupot lang sa kaniya ang towel niyang kinuha sa akin.
"Ngayon ka pa nahiya? Apat na anak natin." Panigurado naka ngisi siya.
"Puntahan ko lang muna ang mga bata." sabi ko habang hindi lumilingon sa kaniya, diritso akong lumabas sa kwarto.
Pag labas ko, binaling ko ang atensyon ko sa mga anak ko na busy sa panonood hanggang sa makababa siya. Doon ko lang napansin na nakatulog pala ang mga bata.
"Aalis muna ako." mahinang sabi niya. "Dumating kasi ang dalawa kong kaibigan na galing ibang bansa." dagdag niya. "Paki sabi nalang sa mga anak natin."
"Sige, ako na bahala. Ingat." tugon ko. Tinanguan niya naman ako. "Ihahatid na kita." dagdag ko. "Hindi na, dadaanan naman niya ako dito." sabi niya.
Gusto kong tanungin kung sinong kaibigan ang kikitain niya. Pinigilan ko ang sarili ko mag tanong.
Pag akyat ko sa taas para kunin ang cellphone ko napadaan ako sa terrace hindi ko napigilan na hindi sumilip. Saktong pag silip ko, dumating ang sasakyan ng sumundo kay Seth. Pag tigil ng sasakyan, sumakay agad si Seth.
Sayang hindi bumaba.
Bumaba ako at binalikan ang apat na mahimbing na natutulog. Kinuha ko ang librong binabasa ko. Nilibang ko ang sarili ko sa pag babasa pero hindi ko naiintindihan kahit paulit ulit kong basahin.
Minabuti kong mag luto nalang ng meryenda para pag kagising ng apat may nakahanda ng pag kain.
Malapit na ako matapos ng may biglang nag doorbell.
Dali dali akong lumabas sa kitchen, baka magising ang apat. Nakita ko naman si Manang kaya bumalik na ako sa kitchen.
Baka si Seth na.
"Kuyaaa." Napalingon naman ako sa familiar na boses na yon. Si Jade. "Himbing ng tulog nila."
"Jade."
"Sino kasama mo?" Tanong ko sa kaniya. "Ako lang, Kuya." sabi niya at tinaas niya yung paper bag na dala niya.
"Meryenda." dagdag niya pa.
"Maupo ka. Tikman mo muna yong binake kong cookies." sabi ko sa kaniya.
Hindi siya mapakali, kita sa kinikilos at sa mukha niya. Kilala ko ang mga kapatid ko, alam kong may gusto siyang sabihin.
![](https://img.wattpad.com/cover/293596735-288-k446290.jpg)
YOU ARE READING
STILL INTO YOU (INTO YOU S2) - ON-GOING
RandomI hated you so much, but i couldn't completely hate you at the same time. It was because of those memories we shared. No... Hindi about the memories, hindi lang about sa memories. Dahil mahal kita, kahit anong mangyari ikaw at ikaw pa rin. Kahit ano...