"Akala namin nahuli na kami ng punta."napaharap naman kami sa pinang galingan ng boses na yun.
"Mama, papa." tawag ko.
"Mommy, Daddy" tawag din ni Zayn.Tiningnan ko si Shin na naka uniform, oo nga pala dito din siya mag aaral. Pati si Kuya Zach at Sean kasama.
Nag kamustahan lang kami ng mabilis.
"Goodluck, Seve at Seke." sabi ng pamilya ni Zayn. "So pano, hindi na kami mag tatagal."sabi ni Papa.
Pag kaalis nila, umalis na din pamilya ko. Naiwan yung mga kaibigan ko pati na din si Jade at Jared, pati na din si Shin.
"Hindi pa kayo aalis???"sabi ko sa mga kaibigan ko. "Sabay sabay na tayo umalis pag kahatid kay Seve at Seke." sabi ni Zayn at hinawakan sa mag kabilang kamay niya si Seve at Seke at nauna na mag lakad.
Natawa nalang kami.
"Ate." napatigil kami sa pag lalakad ng mag salita si Shin. Pati si Zayn napatigil at napaharap kay Shin. Tiningnan namin yung tinitingnan ni Shin. Si Aeri. Naku naman.
Nilapitan ni Zayn si Shin.
"Si Aeri yan, yung sa resort." mahinang sabi ni Zayn. "Anong ginagawa niya dito Kuya?" tanong ni Shin. Tiningnan muna kami ni Zayn bago sagutin si Shin.
"Siya yung yaya ng kambal." sabi ko. "WHATTT???" malakas na sabi niya. "Mamaya ko na sasabihin pag uwi mo. Jade at Jared isama niyo na Ate Shin niyo." sabi ni Zayn.
Hinawakan naman ni Jade at Jared sa mag kabilang kamay si Shin at nag lakad na pa alis.
"Unti unti ng nalalaman nila." sabi ni Ley. "Hindi mag tatagal, malalaman na ng lahat."sabi naman ni Dylan. Lumapit naman si Seve at Seke kay Aeri at nag lakad na sila patungo sa room nila.
Nag patuloy na kami sa pag lalakad.
"Yung bilin ko Seve at Seve, wag kakalimutan. Goodluck sa first day." sabi ko sa dalawa. "Aeri ikaw na bahala. Tawagan mo nalang ako kung ano man."sabi ko sa kaniya bago kami umalis.
Lumipas ang isang buwan.
Sa loob ng isang buwan na yun, naging maayos naman ang lahat. Sa umaga, minsan ako yung nag hahanda ng almusal, minsan si Aeri. Bago ako pumuntang company hinahatid ko sila sa school. Pag sapit ng uwian ng kambal. Sinusundo ko sila sa school, pag lunch nag oorder ako ng lunch namin, minsan pag yung nag susundo yung secretary ko pag busy ako, si Aeri yung nag luluto ng lunch.
Pag alis ko pag katapos mag lunch, balik company ako. May cctv ang bahay kaya nakikita ko kung ano ginagawa ng kambal sa bahay. Hindi naman lahat nasusubaybayan ko kasi busy din ako. Makita ko lang na ok sila sa bahay ok na yun.
Pag uwi ko naman minsan tulog na yung kambal, minsan pag maaga nakakapag luto pa ako pero madalas pag uwi ko nakapag luto na si Aeri ng dinner.
Dahil wala akong masyadong gagawing ngayon sa office at sabado naman, hindi na ako umalis.
"Aeri, maupo ka." sabi ko kay Aeri pag katapos niya mag pre'prepare ng almusal.
"Kung about po ito sa mga nagawa kong hindi naman po dapat, wag ho kayo mag alala. Ginusto ko ho to. Wala naman ho akong masyadong ginagawa dito sa bahay. Nakikinig at alam naman po ng kambal yung mga bawal at pwedeng ho gawin." sunod sunod na sabi ni Aeri. Mag sasalita na sana ako ng mag salita uli si Aeri.
"Ganito nalang ho, katulad ho ng nakasanayan natin sa loob ng isang buwan ganon nalang ho." sabi niya pa. Mag sasalita pa sana ako ng bumukas yung main door.
YOU ARE READING
STILL INTO YOU (INTO YOU S2) - ON-GOING
RandomI hated you so much, but i couldn't completely hate you at the same time. It was because of those memories we shared. No... Hindi about the memories, hindi lang about sa memories. Dahil mahal kita, kahit anong mangyari ikaw at ikaw pa rin. Kahit ano...