CHAPTER 102 : 7 years ago III

22 3 0
                                    

"Princess, tama na." sabi ni Kuya. Nandoon sila ni Kuya sa sofa. "Bakit naiyak ka pa diyan??" sabi ko at nilapitan siya.

"Makakasama yan sa baby." sabi naman ni Kuya. "Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak, ganito ba pag nag bubuntis??" mahinang sabi niya.

"Akala ko ako ang unang mag bibigay ng apo kay Mommy at Daddy." biro ni Kuya. "Akala ko nga ako e." tatawa tawang sabi ko.

"Pano naman mangyayari yun?? wala nga kayong mga girlfriend." sabi ni Princess.

Iiling iling kaming tumayo ni Kuya.

"Asan ba sila Mommy at Daddy?  tanong niya. "Kinausap yung doctor." sabi ni Kuya.

"Talaga bang dito ako mag bubuntis??" pag uulit na naman ni Princess. "Yep, hindi ka pwede umuwi sabi ng doctor. Tsaka masilan yung pag bubuntis mo." sabi ni Kuya sa kaniya.

"May gusto ka bang kainin??" tanong ni Kuya. Umiling naman si Princess.

"May gusto kang panoorin??" tanong ko. Inilingan niya ako.

"Princess, mag sabi ka kung may kailangan ka." Dagdag ko pa.

"May masakit ba sayo??" tanong na naman ni Kuya.

"Nahihilo ako sa kakalakad niyo, pwede bang maupo kayo." sabi niya sa amin.

"Si Khen?" tanong niya.

"Anong meron kay Khen??" tanong ni Kuya. "Si Khen ang kailangan ko." sabi niya.

"Princess naman." sabay na sabi namin mi Kuya. "Ang sakit mo mag salita." sabi ni Kuya.

"Kami yung andito, iba yung kailangan mo." singit ko naman.

"Kaya nga e, andito kayo. Bakit ko kayo hahanapin kung nasa harap ko lang kayo." mabilis na sabi niya.

Bigla naman pumasok si Mommy at Daddy.

"Pano pala pag hindi ka pinanagutan ni Khen?" biro ko.

"Pano kung nakahanap na siya doon ng iba?" biro din ni Kuya.

Biglang umiyak si Princess.

"Halaaa." sabay naming sabi ni Kuya.

"PIERCE ZACHARY"
"PRINCE ZAYN"

Sigaw nila Mom. Ang ending andito kami ngayon sa labas ng room, pinalabas kami ni Princess.

"Ngayon alam niyo na ang mga dapat niyong iwasan?" tatawa tawang sabi ni Tito. "Masilan ang pag bubuntis." sabi naman ni Tita.

Nang maka tulog si Princess, lumabas si Mom at Dad. Nag paalam naman si Tita at Tita, dahil may pasyente pa sila.

"Mom, may contact kana kay Khen?" tanong ko. "Ilang beses na namin siyang tinawagan." sabi ni Dad.

"Hindi siya ma contact" sabi ni Mom.

Papasok na sana kami sa room kaya lang biglang nag ring yung cellphone ni Mama.

"Hello Khen...Oh bakit napatawag ka?" Sabi ni Mom sa kabilang linya.

Napatingin naman siya sa amin.

STILL INTO YOU  (INTO YOU S2) - ON-GOINGWhere stories live. Discover now