CHAPTER 78 : FLASHBACK ll

36 3 0
                                    

"Khen." tawag ng pamilyar na boses. Si Mom.

"Yung na pirma... Mom naman sabi ko naman ho na ayaw ko ng mga interview na yan."

Pinalitan niya yung proposal na dapat pipirmahan ko.

"10 mins lang naman anak." sabi ni Mom. Nasapo ko nalang yung noo ko.

Kakatapos lang ng pag e' interview sakin ng biglang bumukas yung pinto.

"Dadddddyyyyy." tawag ng kambal. Gulat naman napatingin ang lahat. "Tama pala talaga yung balitang may anak kana." sabi ng producer.

"Daddy, bakit ang dami pong tao dito??" tanong ni Seve. "Daddy ano pong meron?" tanong naman ni Seke.

"Hello po." sabi ng kambal. Binati naman ng lahat yung kambal. "Si Seve at Seke nga po pala, anak ko ho." pakilala ko.

"Ikaw pala yung ama nila??" tanong ng producer. Tinanguan ko siya. "Balak mo din bang pirmahan yung proposal ko sa kambal?" tanong niya.

"Ho?" ano bang sinasabi niya. "Gusto sana naming isama sila sa isang show namin next week." sabi niya.

"Bakit?? Pano niyo nakilala yung kambal?"tanong ko. "Sila yung sikat na model na pinag aagawan ng karamihan." sabi niya.

"Model?"

"Hindi mo ba alam na model yung anak mo? Hindi ka ba active sa kahit isang social media account. Pag ni search mo yung popular twins model, yung kambal mo yung lalabas." sunod sunod na sabi niya.

Mukha nakaramdam yung producer na wala akong alam kaya nag ayos na sila para maka alis. Pag ka alis nila nag search ako sa google, lumabas yung mukha nila.

"Panong..." hindi ko na tinuloy yung sasabihin ko. Umuwi kami ng bahay.

"Para saan yung family meeting Kuya?" tanong agad ni Jazz. Kompleto kami, si Mom at Dad, si Jazz, si Jade at Jared at pati na din si Seve at Seke.

"Model?? si Seve at Seke?? Mom, Dad panong.... kailan pa?" hindi ko matuloy tuloy yung sasabihin ko. Napayoko sila maliban kay Seve at Seke. "Wala po kasalanan sila Mom at Dad pati na din si Ate. Mag pa five months na po silang model." sabi ni Jade.

"Ganito po kasi yan Kuya, may project po kasi kami ni Jade sa isang subject namin. Kailangan po namin ng model, si Seve at Seke yung una po naming naisip kasi magaling sila. Sanay po sila sa camera, pati na din kung pano po mag pose kasi lagi mo po silang kinukuhanan ng litrato." paliwanag ni Jared.

"Nag paalam po kami sayo Kuya, sabi mo po depende kung papayag si Seve at Seke. Pumayag po sila Kuya, hindi po namin sila pinilit. Gusto po talaga nila yung kinukuhanan sila." sabi naman ni Jade.

"Nag paalam ba kayo about sa pag momodel nila sa iba?" tanong ko. "Tekaaa, panong nag momodel sila sa iba?" tanong ko pa.

"Yung project po namin, need i post sa tatlong social media account..." pinutol ko yung sasabihin ni Jade. "Hindi niyo sinabi yan..." hindi ko din natapos sasabihin ko ng sumingit si Jared.

"Kasi po kuya, hindi mo na po kami pinatapos, sabi mo kasi basta kung papayag si Seve at Seke." nasapo ko nalang yung noo ko.

"Nong napost po namin yung project namin, pinag kaguluhan po si Seve at Seke. Nakuha po yung karamihan sa kacute'tan ng dalawa pati na din po kung pano sila sa camera." kwento ni Jade.

STILL INTO YOU  (INTO YOU S2) - ON-GOINGWhere stories live. Discover now