“SIMULA”
SOMEONE POV;
So you will transfer in my university huh ok let see it will be exciting honey.
_________
DIANA POV;
Naglalakad ako papunta sa university na papasukan ko nakayuko lang ako habang naglalakad.
Transferee lang ako dito kaya hindi ko alam kung saan saan pasikot sikot, nandoon din kasi sila Kuya Zach At Kuya Zac, nagtuturo doon ang Kuya Zach ko. Yap teacher siya tsaka pina enroll nila ako dito nila Kuya kasi para mabantayan daw nila ako.
Apat kaming magkakapatid panganay si Kuya Zach, pangalawa si Kuya Zack, at pangatlo si Kuya Zac at ako ang panghuli.
Patay na si mama at si papa ayon iniwan kaming magkakapatid. Kaya yon dalawang Kuya ko may trabaho na sila, sila yon nagpapa aral samin ni Kuya Zac collage na si Kuya Zac at one year pa bago siya mag graduate.
Nasa gate na ako ng university at napahinto ako ng may mga studyante na nakapalibot sa gate nakaharap sila sakin at may dala dala silang itlog, kamatis, gulay magluluto ba sila?
Napatingin ako sa palagid at napakunot ang noo ko malayo samin ang ibang studyante na papasok na sana sa gate pero ang layo nila kaya nag-iisa ako dito sa gitna....
Tumingin ako sa harap ng may lumapit sakin na lalaki matangkad siya at makinis ang mukha at mala adonis.
Ngumisi siya at hinawakan ang pisngi ko kaya nagulat ako kaya nagsimulang maging pula ang pisngi ko, hindi sa kinikilig ako! Sensitive akong tao! Kaya namula ako.
Hinaplos niya ang pisngi ko at tinitigan ako sa mata at sa labi kaya napalunok ako.
"You're Diana Sanchez, the tranferee right?"Tanong ng lalaking sobrang gwapo dahan dahan akong tumango kaya ngumiti siya.
"May kaunti lang kaming welcome para sa pananatili mo dito."Nakangisi na sabi niya.
At binitiwan niya ako at lumayo siya sakin, pumunta siya don sa mga kasama niya.
Kumunot ang noo ko ng tinaas niya ang kamay niya at nagulat ako ng may biglang itlog sa noo ko.
Bigla akong napapikit at napamulat ang tingin ko ng dahan dahan nahulog sa damit ko yon itlog.
Papunta sa sahig parang naging slow motion sakin ang pagkahulog non.
Napatingin ako don sa mga tao at don sa lalaki na nakangisi habang hinahagis sa eri ang itlog sa kamay niya.
Ngumisi siya at tumawa ang iba.
Biglang nag simula silang mag bato ng itlog at kamatis at kung ano ano pa, kaya kinover ko ang mukha ko kasi masakit pagtumatama. Tumawa ang mga tao kaya naiiyak ako.
Nagpatuloy sila sa pagbato sakin kaya sobrang lagkit ko na buong katawan ko kahit buhok at mukha ko.
Bigla tumigil ang pangbabato nila sakin kaya dahan dahan akong tumingin don sa lalaking lumapit sakin kanina, naiiyak ako tinignan ko siya ng masama at may tumulong luha sa pisngi ko kaya napatigil siya.
Ganito ba pag trato ng mga tao dito?
Famous pa ang school na toh at kinikilalang matatalino at genuis ang nga taong naririto tapos mayayaman ang mga tao dito tapos yon pala ang sasama ng ugali!
Nag sinyalis yon taong lumapit sakin kanina, na umalis na yon mga tao nagsi alis ang mga studyante na nag bato sakin tumatawa pa sila bago umalis dumaan na din ang mga taong nasa gate kanina na malayo sakin.
Tinitignan nila ako habang naglalakad papasok napayuko ako at umiyak.
Malagkit na ako at wala pa akong extra na damit! Pano na toh!
YOU ARE READING
My Possessive Vampire (Book 3)
RomanceThis story is all about Ian Claude Salvador-Hunter and his brother's, relatives and friends the son of Ian Cooper Hunter and Elizabeth Amber Salvador-Hunter.