Chapter 33 "STELLA ZOE PEREZ"

319 11 0
                                    

"STELLA ZOE PEREZ"


TYLER POV;

Naninigarilyo ako ng biglang lumapit si Sophie sakin kaya bigla ko yon hinulog sa semento at inapakan.

"Naninigarilyo ka na naman bisyo mo na talaga yan."Umiiling na sabi niya.

Nagpout ako, yan na nga lang bisyo ko dahil hindi naman ikaw yon nagiging bisyo ko. Buti nga at paninigarilyo lang bisyo ko hindi mambabae.

"Minsan lang."Pagtatanggi ko tumawa siya at umiling.

Napatitig ako sa kanya.

Napakaganda niya....

Sobra...

Umiwas ako ng tingin at nag cross arm.

"Ang ganda ni Daisy no? Pero bakit hindi niya makita yon halaga ni Caiden? Hindi niya makita na mahal na mahal siya ni Cai."Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

Parang ikaw lang din hindi mo makita na mahal na mahal kita tsk.

Magkatulad lang kayo.

Hindi niyo makita ang halaga namin.

"Oo katulad mo din siya."Biglang nasabi ko na nakapag tahimik sa kanya.

Tumingin ako sa kanya at nakita kong napatigil siya.

"J-Joke lang hahaha sige na pasok na tayo."Pag-iiba ko ng topic at tumalikod at iniwan siya.

Hoo ang bobo mo Tyler.

__________

CADEN POV;

Nakatitig ako kay Alex na nagtratraining at napapailing ako dahil lampa lampa siya ewan ko ba kung pano ito nakapasa sa pagiging knight.

Hindi niya alam humawak ng ispada.

Tapos ang liit niya parang babae.

Tapos maganda siya, mas maganda pa siya sa mga nakilala kong babae.

Kaya napailing ako.

Siya yon bagong knight.

Pumunta ako sa kanya.

Pumunta ako sa likod niya ng hindi niya namamalayan.

Hinawakan ko ang balikat niya kaya napatigil siya.

At tumingin sakin na gulat na gulat pfft ang liit niya.

"Ganto kasi ang paghawak niyan para hindi ka masugatan."Paos na sabi ko at hinawakan ang kamay niya.

Napatigil ako ng bigla akong nakaramdam ng bulti bulting kuryente pero hindi ko na lang pinansin.

Nakatitig siya sakin habang inaayos ko ang pagkakahawak niya sa ispada.

Tumingin ako sa mata niya at ngumiti.

Ang lapit pala ng mukha namin kaya kung makatitig siya ehh parang natutunaw na ako.

"Baka matunaw ako nyan."Bulong ko sa kanya.

Napaiwas siya ng tingin at tumingin na sa ispada.

"Ohh s-sorry po."Utal na sabi niya at umayos siya, napatawa ako ng mahina.

At tumikhim bago siya tinuruan.

"Pano ka nakapasok sa pagiging kawal kung hindi mo naman alam humawak ng ispada?"Tanong ko.

"Dito mo hawakan at yon isang kamay mo nandito naman."Saad ko at tinuro sa kanya kung saan niya hahawakan ang ispada.

Tumango siya at inayos ang paghahawak niya don.

My Possessive Vampire (Book 3)Where stories live. Discover now