"MUNTIK NG MAMATAY ANG MAHAL KO!"
DIANA POV;
Nakatulala ako sa bintana habang inaalala ang nangyari kanina naistorbo ko pa tuloy sila Kuya.
Mag isa lang ako sa classroom, lunch time na rin tapos nagpaiwan na lang talaga ako dahil na sprain ang paa ko at wala akong ganang kumain.
Hindi ko kinain ang baon ko.
Habang nagmumuni muni ako bigla akong napatingin sa pinto ng may biglang pumasok na mga lalaki walo sila at matatangkad sila at hindi namin sila classmate na pinagtaka ko.
Ngumisi yon lalaking nasa pinto ng makita ako diko na lang sila pinansin pero bigla rin ako napatingin ng bigla nilang ginulo ang mga upuan.
Waaahhh kakalinis ko lang kahapon eh! Putangina naman oh tapos guguluhin lang nila sino ba sila!eh hindi namin sila classmate ah!
Kaya napatayo ako wala sa oras putaena.
"Hoy! Ikaw si Diana diba?"Galit na sabi nong di ko kilalang lalaki tumango ako.
Nakita ko ang galit sa mata niya at dali dali siyang lumapit sakin napasigaw ako ng hinila niya ako sa buhok at kinaladkad niya ako sa likod ng room.
Madaming nakatingin samin na nasa labas ng pintuan at nagbubulungan.
Agaw kasi eksena yon pagsigaw ko letche!
"Ikaw na babae ka dahil sayo nasa hospital ang kapatid ko at critikal ang lagay niya ng dahil sayo yon! Kagagawan mo lahat kung bakit nasa hospital ang kapatid ko!"Sigaw nung lalaking nakahawak sa buhok ko nagulat ako sa sinabi niya.
At pilit na tinatanggal ang pagkakahawak niya sa buhok ko.
Arghhhh ang sakit! Sinong kapatid niya? Ahh yon bwisit na bruha na leader nung apat!
"INUNTOG KO LANG NAMAN SIYA SA ULO HUH! HINDI LANG KASI MATIGAS BUNGO NG KAPATID MO!"Sigaw ko dahil sa sakit madaming nanunuod samin pero wala silang balak na tumulong tangina!
Pero hindi ko kailangan ng tulong!
"Sinungaling kang bwisit ka!"Sigaw nung lalaki at nagulat ako ng bigla niya akong sinukmuraan kaya napaubo ako at napaluhod
Sumuka ako ng dugo dahil sa sobrang lakas ng pagka sapak niya sakin at biglang namanhid ang katawan ko diko maramdaman ang katawan ko dahil sa sobrang namamanhid.
Parang guguho na mundo ko....
Ang sakit.
Mga Kuya...
Lumuhod yon lalaki sa harap ko at inangat niya ang panga ko ngumisi siya pero tinignan ko lang siya ng nanghihina, nanghihina na ako.
"Ano masarap?! Dahil sayo muntik ng mamatay ang kapatid ko dahil sa ginawa mo at ang mga kaibigan niya!"Sigaw niya sa mukha ko ngumisi ako at tumawa ng mahina kahit nanghihina ako.
"Buti n-nga sa kanila yon eh. Tsaka sila ang unang nanakit sakin kaya bumawi lang ako!"Nakangiti na sabi ko kahit nahihirapan na ako at dinuruan ko siya kaya may dugo na sa mukha niya kaya napapikit siya.
Ngumisi siya at pinunasan niya ang mukha niya at nagulat ako ng bigla niya ang pinatayo at sinakal niya ako.
Hindi ko na nararamdaman ang sahig umaangat na ako at biglang naging tahimik ang paligid ko ng binalibag niya ako sa pader.....
Mas lalo akong sumuka ng dugo at nahihirapan na huminga pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa leeg ko dahil mawawalan na ako ng hininga!
H-Hindi na ako makahinga....
YOU ARE READING
My Possessive Vampire (Book 3)
RomanceThis story is all about Ian Claude Salvador-Hunter and his brother's, relatives and friends the son of Ian Cooper Hunter and Elizabeth Amber Salvador-Hunter.