Chapter 71 "DUROG NA DUROG NA AKO"

41 7 0
                                    

"DUROG NA DUROG NA AKO"

ZACH POV;

"Kailangan ko ng umuwi love pupunta naman ako dito araw araw pagkatapos ng trabaho ko eh."Saad ko kay Cassy.

Kasi ayaw niya akong payagan umuwi kila Zack ilang araw na akong nandito hindi ko na naasikaso mga kapatid ko.

"Kung dito na lang kayo tumira nila Diana kasi don naman mapupunta yon na dito na din titira si Diana soon at si Zack kila ano na din siya titira ket si Zac."Sabi ni Cassy at hinaplos ang pisngi ko.

Para siyang batang nagpupumilit sakin napabuntong hininga ako.

Hindi ko alam kung papayag ba sila Queen Amber.

"Okay love kakausapin ko sila pero nakakahiya na dito kami manirahan."Sabi ko at napakamot ng batok.

"Okay lang yon Kuya Zach payag naman sila Lola, Lolo at kahit sila Dad at mga Tita at Tito ko mas masaya nga pag nandito kayo."Napatingin kami sa pinto at nandon si Cade na nakangiti.

"Huwag kang mag-alala love mas gusto nila Daddy at sila Lola na nandito kayong magkakapatid para mabantayan rin namin sila Diana."Sabi ni Cassy ngumiti ako at tumango.

"Okay kakausapin ko sila."Nakangiti na sabi ko kaya napangiti siya at niyakap ako.

__________

TYLER POV;

Buti at inamin na rin ni Kuya na gusto na niya talaga si Stella pakipot pa kasi.

"Gala tayo?"Pag aaya ko sa kanila kaya napatigil sila sa paglalakad at humarap sakin.

Uuwi na kasi kami.

"Libre mo?"Tanong nila Dave tumango ako at kinindatan sila.

"Sige ba."Sabi ko.

"Ayon ohh!"Sigawan nilang sampo kasama si Nicole yah sinama ni Kuya Darrel ehh tsaka masaya siyang kasama masungit lang talaga siya kay Kuya Darrel hindi samin HAHAHAHA, kawawa naman si Kuya Darrel na yan.

"Kwek kwek lang ililibre ko sainyo tara na!"Sigaw ko at naunang naglakad narinig ko na nagreklamo sila kaya napatawa ako ng mahina.

"Tangina nito ang yaman yaman ang damot!"Rinig ko na sabi nila ngumiti lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Habang wala pa akong girlfriend susulitin ko muna maging single ay matagal ko na palang nasulit kaya ngayon lalandi muna ako.

Nagsawa agad ako kay Faith ehh, walang nangyari samin at hindi ko ibibigay ang virginity ko sa kahit sinong babae no, may respeto pa ako sa sarili ko.

May respeto ako sa mga babae, tsaka ibibigay ko lang ang virginity ko sa totoong siya na talaga para sakin.

___________

CLAUDE POV;

"Akin na bag mo ako na magdadala."Malamig na sabi ko kay Diana tinignan niya ako ng naguguluhan pero inirapan ko lang siya at kinuha ang bag niya.

At ako na ang nagdala.

At umalis na kaming magbabarkada.

__________

TYLER POV;

Gumala kami sa mall at ito nagsi paalam na sila Dave uuwi na raw.

Hinatid sila nila Claude kasama si Kuya Kevin.

Kaya ito nagpaalam na din ako na maggagala muna ako kasi boring sa palasyo baka manggulo pa ako don at masapok ako ni Ate Yesha.

Pumunta ako sa bar.

My Possessive Vampire (Book 3)Where stories live. Discover now