"ALAM MO BANG NASA HOSPITAL SIYA NGAYON? DAHIL SA KAGAGAWAN MO!"
KINABUKASAN;
TYLER POV;
Kumakain kami sa hapag kainin habang tahimik lang kami nalaman din ni Kuya Aldrin ang nangyari at nagalit siya bat hindi daw namin siya ginising nung time na nakita namin ni Kuya Darrel yon bf ni Sophie.
Ehh lasing siya non pano namin siya gigisingin?
Nanghihina ako na ewan ngayon matamlay ako.
Tsaka nagtataka ako bat hindi ko mapagaling ang sugat sa kamay ko.
"Son? Are you okay?"Tanong ni Dad sakin tumingin ako sa kanya at tumango.
"Yeah."Maikli na sabi ko at tumayo.
"San ka pupunta? Hindi mo ginalaw ang pagkain mo Tyler."Sabi ni Ate Yesha sakin.
"Papasok na po."Walang gana na sabi ko at naglakad palapit sa pinto malayo pa ako sa pinto dahil narin sobrang lawak kasi ng dining area.
Naglalakad pa lang ako paalis ng biglang bumukas ang pinto at niluwa non si Sophie na ang sama ng tingin sakin kasama sila Tita Sophia at si Tito Steven.
Dali daling lumapit si Sophie sakin at isang malakas na sampal ang natanggap ko.
Kaya napatagilid ang ulo ko dahil sa pagkakasampal niya narinig ko rin ang boses nila Mom.
At lumapit sila samin.
"Bakit mo yon ginawa? Bakit?!"Sigaw ni Sophie sakin kaya nilingon ko siya at tinignan siya ng malamig.
Hindi ako nagsalita at tinitigan lang siya.
Napatingin ako kila Tita na nagsosorry kaya umiling ako na sensyalis na okay lang.
Tinignan ko ang anak nila.
Na nagsisimulang umiyak.
"Bakit mo yon ginawa Kuya?! Bakit mo siya pinuruhan! Bakit mo siya ginulpi?!"Umiiyak na sabi ni Sophie at pinaghahampas ako sa dibdib na kinaatras ko.
"Sophie tama na yan! Nasasaktan si Tyler!"Nag-aalalang sabi ni Tita Sophia at pinigilan si Sophie pero tinabig niya lang ang Mommy niya na kinagulat nila Mommy at sila Tito Steven.
"Huwag kayo mangialam dahil si Kuya Tyler lang ang kailangan kong kausapin!"Sigaw ni Sophie habang patuloy akong hinahampas sa dibdib naramdaman ko na lumalakas ang pagkakahampas niya sakin pero balewala lang yon sakin.
"Bakit mo yon ginawa?! Bakit?! Alam mo bang nasa hospital siya ngayon? Dahil sa kagagawan mo!"Umiiyak na sabi niya.
"Anak...."Rinig ko na bulong ni Mommy napapikit ako dahil nakikita kong nasasaktan sila Mommy.
At sila Tita.
Hinawakan ko ang dalawang kamay ni Sophie at binuksan ang talukap ng mata ko at tinignan siya ng malamig.
"Dahil ginawa ko lang ang tama!"Sigaw ko at tinignan siya ng masama.
Na kinatigil niya at ng lahat.
"Anong gusto mo? Magbulag bulagan kami?! Habang niloloko ka ng palihim ng boyfriend mo? Gusto mong sa harap mo pa mismo makipag halikan yon boyfriend mo sa ibang babae para makita mo na niloloko ka na? Or gusto mo pang makita yon bf mo na nakikipag talik sa ibang babae para masabi natin na nagloloko talaga siya?!"Galit na sigaw ko at naging pula ang mata ko napatigil siya at napatigil rin ang pagtulo ng luha niya sa pisngi.
"Kaya huwag mo akong sisihin! Na nagawa ko yon sa pinakakamahal mong boyfriend! Sige makapagtanga ka lang don sa magaling mong boyfriend! Dahil lahat kami! Lahat kami na nagmamalasakit sayo papabayaan ka na lang sa gusto mong gawin! Ganon na lang gusto mo? Ganon gusto mo diba?! Edi sige go! You can do whatever you want! I don't care! Kung ano na ang gagawin mo sa buhay mo! Wala na akong pake alam!"Galit na sabi ko at binitiwan siya sa kamay ng padabog at nilampasan siya tumigil ako sa gilid nila Tito at nagsorry.
YOU ARE READING
My Possessive Vampire (Book 3)
RomanceThis story is all about Ian Claude Salvador-Hunter and his brother's, relatives and friends the son of Ian Cooper Hunter and Elizabeth Amber Salvador-Hunter.