Chapter 38 "DUROG NA DUROG NA ANG ANAK MO!"

312 11 0
                                    

"DUROG NA DUROG NA ANG ANAK MO!"

CAIDEN POV;

Pagkatapos kong kumain umalis na ako sa dining area habang nakasunod sakin si Daisy.

"Cai!"Tawag sakin ni Daisy kaya huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya.

"Hmm?"Saad ko.

Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa braso.

"Bakit ngayon ka lang umuwi? Nag alala ako sayo. Tsaka may palasyo ka naman na matutulungan bakit sa iba ka pa nakitulog?"Tanong niya.

Tinitigan ko siya sa mata at napatawa ng mahina.

"None of your business and why do you care huh? I'm just your friend. So you don't need to be worried about me."Malamig na sabi ko na nakapag tigil sa kanya.

"P-Pero---"

Hindi ko siya pinatapos ng unahan ko siya.

"Don't worry about me, mas alalahanin mo yan anak mo, at yon ex boyfriend mo para makagawa ka ng paraan para magbalikan kayo. Oh and kapag kailangan mo ng tulong para magbalikan kayo nung ex mo just call me."Malamig na sabi ko at inalis ang kamay niya.

Nakita ko na nasaktan siya sa sinabi ko pero hindi ko yon pinansin.

Nakita kong may namumuong luha sa mata niya.

Alam kong nasaktan siya sa sinabi ko pero hindi na dapat siya nag acting na parang nag aalala talaga siya sakin.

Alam kong magkaibigan kami at natural lang na mag alala siya sakin pero hindi na niya kailangan na mag alala sakin masyado.

Parang pinapakita niya sakin na.....

Nag aalala siya sakin bilang isang lalaki at hindi isang kaibigan.

Tumango siya at ngumiti.

"H-Hindi na kita kilala."Bulong niya at umiwas ng tingin bago ako lampasan.

What did she mean?

Ako pa ang sasabihan niyang ganon?

Napabuntong hininga ako at pinanuod siyang umalis.

__________

"Bakit mo yon sinabi alam mo bang umiiyak si Daisy ngayon sa kwarto niya?"Malamig na sabi ni Daddy.

Tinignan ko siya ng malamig.

"Hindi ko lang makontrol ang sarili ko Dad. Tsaka ano pang silbi ko? Kung yon ex niya naman palagi niyang hinahanap! Ni hindi nga ako mahal non eh. Tiniis ko lang ang sakit Dad! Tiniis ko lang....Alam mo yon........Alam ninyong lahat yon Dad!"Umiiyak na sabi ko at umiwas ng tingin sa kanya.

Naging violet ang mata ko.

Nagsimulang tumulo ang mga luha ko at walang tigil yon sa pagtulo.

"Tiniis ko lang para sa anak ko! Pero titiisin ko parin para sa anak ko! Kakayanin ko! Kakayanin kong masaktan para lang sa anak ko!"Sigaw ko.

Yes! I'm the father! Ako ang ama ng dinadala niya!

"But you don't need to say that to her son, remember she's pregnant."Malungkot na sabi ni Daddy at lumapit sakin at ginulo ang buhok ko.

Kita ko ang awa at sakit sa mata niya.

"I know pero pano naman yon nararamdaman ko? Uunahin ko na lang ba siya palagi? Pero pano naman ako Dad? I'm suffered for being hurt! Everytime! Nung sila pa nga sobrang sobra na akong nasasaktan pero nung naghiwalay sila yon lalaki parin ang iniisip niya! Pano naman ako?.....I'm always hide my pain, Dad. Pero sobra na....Sobra na. Durog na durog na ako! Durog na durog na ang anak mo!"Umiiyak na sabi ko.

My Possessive Vampire (Book 3)Where stories live. Discover now