Chapter 66 "DID YOU ASK MY PERMISSION TO KISS HER?!"

290 8 1
                                    

"DID YOU ASK MY PERMISSION TO KISS HER?!"

DAVE POV;

Pinaupo ko sa upuan si Cassandra sa upuan ko dahil gusto ko siyang katabi pinalipat ko si Diana at Evan na kina angal nila pero sumunod rin naman.

Uupo na sana ako sa tabi ni Cass ng may tumawag sa pangalan ko.

"DAVE! ATE KEIRA! ATE DIANA! CASS?!"Narinig ko ang boses ni Stella kaya napatingin kaming lahat sa kanya kahit ang mga ibang classmate namin.

Dali dali siyang lumapit sakin at niyakap ako.

"Kamusta kayo? Okay lang kayo? Sila Ate Diana?"Tanong niya at napalinganga.

Tumingin siya sa likod ko at si Cassandra na nakangiti tumayo si Cass.

Kaya lumapit sa kanya si Stella at niyakap niya ito at kinamusta si Cass.

"Ayos ka lang Cass? Okay na ba pakiramdam mo?"Nag-aalala na sabi niya.

Ngumiti si Cass at tumango nagkamustahan sila at lumapit sila Diana, Evan at si Keira samin.

At kinausap si Stella.

"Ikaw Stella hindi ka ba nasaktan?"Tanong ni Evan at ginulo ang buhok ni Stella tumango si Stella at ngumiti.

"Hindi naman ako nasaktan."Nakangiti na sabi ni Stella

"Mabuti naman at maayos ka lang sino pala naghatid sayo nung naiwan ka?"Tanong ni Keira at hinawakan sa kamay si Stella.

Tumingin si Stella sa pwesto ni Kuya Aldrin kaya napatingin din kami sa kanya ang lamig ng tingin niya kay Stella.

Oo nga pala nireject na niya si Stella kaya hindi na nilalapitan ni Stella si Kuya Aldrin.

"Ahhh si Kuya Aldrin?"Tanong ni Diana tumango si Stella.

At sasagot na sana si Stella ng may tumawag sa kanya.

"Stella!"Napatingin kami don sa nagsalita, ah si Jonathan?

"Oh hello Jonathan!"Masayang sabi ni Stella.

"Ahm excuse me, kausapin ko muna si Jonathan."Masigla na sabi ni Stella at hinila si Jonathan at nag usap sila nagkatitigan kaming lima at napakunot ang noo.

Sabay sabay kaming napatingin kay Kuya Aldrin at ang dilim ng aura niya.

Parang papatay siya.

Nakita namin na nagtawanan yon dalawa.

Huwag mong sabihin magkakilala yon dalawa? Kailan pa? Eh sa pagkaka alam ko hindi sila close.

__________

ALDRIN POV;

Seryuso ko lang pinapanood si Stella habang nakikipag usap kay Jonathan tsk what a jerk.

Nagtatawanan sila na kinainis ko.

Mas lalo lang akong nababaliw.

Nakita kong ginulo ni Jonathan ang buhok ni Stella na mas lalo kong kinainis.

Napayukom ako ng mahigpit.

"Nagseselos siya ohh."Bigla akong napatingin kila Tyler at Kevin ng nasa harapan ko sila habang nakangisi.

"I'm not jealous okay!"Inis na sabi ko at tinabig sila para makita ko si Stella na nakikipag usap kay Jonathan.

Nakita kong hinawakan ni Jonathan ang kamay ni Stella at tinaas yon at nabasa ko isip niya.

This is it! I'm freaking done!

Tinabig ko sila Tyler at lumapit kila Stella.

Hahalikan na sana ni Jonathan ang kamay ni Stella ng bigla kong hinila si Stella palapit sakin kaya nabitawan niya si Stella.

My Possessive Vampire (Book 3)Where stories live. Discover now