Chapter 43 "LAYUAN MO ANG ANAK KO!"

216 9 0
                                    

"LAYUAN MO ANG ANAK KO!"

CADE POV;

Naninigarilyo ako habang hinihintay si Summer na dumating.

Maaga na akong dumating dito sa kompanya, at may natuklasan ako tungkol kay Summer.

She's a billionaire, mataas ang rangko niya sa Mafia at mag isa na lang siya sa buhay.

And he's boss? Isang malakas din na Mafia kinakatakutan ng lahat ng kasapi ng Mafia na yan.

Pfft wala yan sakin.

Vampira ako tapos tao siya baril ang gamit niya, ako kapangyarihan sinong mananalo? Edi ako tsk.

Kayang kaya kong makuha si Summer anytime.

Kaya kong pasunurin ang mga tao.

Lahat naman kaming mga vampira may kakayahan na pasunurin ang mga tao at vampira.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas yon.

"Good morning Sir."Matamlay na sabi niya.

Kumunot ang noo ko may sugat siya sa labi nakipag bakbakan na naman toh aishhh tapos may sugat pa siya sa kamay.

"Anyari dyan?"Malamig na tanong ko at lumapit sa kanya at hinawakan siya sa kamay at tinignan ko ang sugat niya sa kamay.

Nakita ko ngang nakipag bakbakan siya nakipatayan.

"Wala."Matamlay na sabi niya at babawiin sana niya ang kamay niya ng hinila ko siya at pinaupo siya sa sofa.

Tumayo ako at pumasok sa room ko at kinuha ang first aid kit.

Lumuhod ako sa harap niya ng pagkalapit ko sa kanya.

Binuksan ko ang box at kumuha ng bulak at alcohol ramdam ko na nakatitig sakin si Summer pero hinayaan ko na lang siya.

Hinawakan ko ang kamay niya at dahan dahan nilinisan ang sugat niya.

Parang wala lang sa kanya, ang manhid din ng isang toh.

Alam ko kasing hindi niya pa nalilinisan.

Hinihipan ko ang kamay niya tuwing nilalagay ko ng bulak sa kamay niya.

Natapos kong nilinisan ang kamay niya at nilagyan yon ng band aid.

Tumingin ako sa mukha niya at nakatulala siya sakin ngumiti ako at lumapit sa kanya ng kaunti para mahawakan ko ang baba niya.

Tinitigan ko ang labi niya.

"Pinag-gagawa mo kasi at nagkasugat ka sa labi at sa kamay?"Kungyaring wala akong alam.

Napaiwas siya ng tingin.

"W-Wala."Nauutal na sabi niya tumango ako para kungyaring napaniwala niya ako.

Nilinisan ko ang labi niya at malapit na akong matapos ng bigla akong napatigil at napatingin sa mata ni Summer.

Nakatitig siya sakin bigla akong lumayo at niligpit ko ang mga ginamit ko.

"Mag trabaho ka na."Malamig na sabi ko at pumunta sa kwarto.

Tama ba ang pagkakabasa ko sa isip niya?

Himalang sinabihan niya akong gwapo.

Wala siyang sinasabihan na gwapo sa mga nakakasalamuha niya pero ako? Aishhh nevermind sino bang hindi magwagwapuhan sakin pati nga mga aso nainlab na sakin, just kidding.

__________

Napahawak ako sa ulo ko ng biglang sumakit wala pa akong tulog nakasunod kasi ako palagi kay Summer eh.

My Possessive Vampire (Book 3)Where stories live. Discover now