Chapter 13 "KAPATID NATIN KUYA!"

344 14 1
                                    

"KAPATID NATIN KUYA!"


DIANA POV;

"Nag dedeny kapa? Dahil sayo hindi na kami pinapansin nila Claude!  Tinuon nila ang atensyon nila sayo kaya hindi namin sila malapitan at makausap or mahalikan man lang!"Sigaw nung nasa dulo kumunot ang noo ko.

Luh may nagawa ba akong mali at kasalanan ko pa bang ako ang pinapansin ng mga anim na lalaking yon?!

Yon anim na pinagkakaguluhan ng lahat ng babae sa loob ng campus or kahit sa labas or sa kahit anong lugar pa yan! Wow kasalanan ko pa bang sobrang ganda ko kaya sakin na nila tinutuon ang atensyon nila?

Tsaka pakealam ko kung hindi man lang nila mahalikan yon anim na yon!

Ngumisi ako ng may bigla akong naalala na karantaduhan.

Tinakpan ko ang bibig ko at parang nabigla sa sinabi nung babae sa likod.

"Oww, I'm sorry kung sakin na nila tinutuon ang atensyon nila huh sobra ko kasing ganda kaya nabighani sila sa kagandahan ko kaya hindi na kayo napapansin. Aww kawawa naman kayo."Naawa na sabi ko habang hinaluhan ko ng nakakaawang tingin.

Biglang nag iba ang mukha nila sinamaan nila ako ng tingin kaya napangisi ako. Epic hindi ko inaasahan na tatalab mga pinagsasabi ko. Ano nga bang maaasahan ko sa mga ito.

Mukha silang malalanding higad.

"You! You son of a bitch! Slutt! Mang-aagaw! Basura!"Sigaw nilang lima ngumiti lang ako ng matamis pero nawala ang ngiti ko ng ang bilis ng hakbang nila palapit sakin kaya napalunok ako.

Bigla akong tumakbo kaya hinabol nila ako putangina di ko na uulitin!Ayaw ko na ng gulo huhu.

Kung ano ano kasi pumapasok sa isip ko kaya napapahamak ako ng wala sa oras!

"HOY BABAE BUMALIK KA DITO! Sasabunutan kitang punyeta ka!/ Malandi ka!"Sigaw nila.

Tumawa lang ako ng sobrang lakas at mas binilisan pa ang takbo ko masaya rin pala na mag aral dito eh may mga clown na hahabol sayo.

Nagtatakbuhan lang kami at malapit na ako sa classroom namin kaya mas binilisan ko pa.

Ng malapit na ako pinihit ko ang door knob pero nanlaki ang mata ko ng naka lock putangina naman ngayon pa!

Binalibag ko ang pinto at napapatingin sa likod tangina malapit na sila.

"BUKSAN NIYO!"Sigaw ko nanlaki ang mata ko ng malapit na sila kaya wala akong nagawa kaya tumakbo na lang paalis bwisit naman oh!

Pagod na ako! Hinahabol parin nila ako at hinihingal na ako! Ayaw kona huhu.

Hinahabol parin nila ako grabe naman sila humabol! Ayaw tigilan kagandahan ko!

Nasa feild na ako ng campus kaya pagod na pagod nako putangina ang layo ng tinakbo ko.

Napahiga ako sa damuhan at hinihingal naligaw ko sila mabuti.

Nakapikit ako habang hinihingal ako.

At maya maya bigla akong napamulat ng mata ng makarinig ng yapag nanlaki ang mata ko ng makita ko yon limang babae na nanghabol sakin.

Papalapit sila sakin luhh akala ko naligaw ko na sila, ano ba yan! Hindi ako runner dito!

Di na ako nakatakbo ng nakalapit na sila sakin bigla nila akong hinawakan nung dalawang babae at pinatayo.

Tangina naman oh.

Bwisit ngumisi yon babaeng leader ata nila ng mga bruha pangit pala nila.

Ngayon maghuhusga na ako sa kanila pinatakbo ba naman nila ako ng malayo.

My Possessive Vampire (Book 3)Where stories live. Discover now