"BWISITA"
DIANA POV;
"GISING NA HOYY!"Sigaw nila Kuya at pinagbabato ako ng unan arghhh!
"SABADO NGAYON! MGA KUYA! PWEDE BANG MAMAYA NA KAYO MANGGULO!"Sigaw ko at nagtaklob ako ng kumot pero hindi sila tumigil at dinaganan pa ako bwisit.
"KUYA ZAC UMALIS KA ANG BIGAT MO!"Sigaw ko at sinipa siya para mahulog siya sa kama tumawa si Kuya Zack tapos napa aray naman si Kuya Zac.
"GUMISING KA NA MAY BWISITA KA SA BABA!"Sigaw ni Kuya Zack at inalis ang kumot na nakabalot sakin inis akong umupo at napasuklay ng buhok ko.
"Hindi ako tumatanggap ng bwisita sa umaga Kuya!"Inis na sabi ko.
"Andyan mga kaibigan mo mamamasyal daw kayo kaya maligo kana at mag ayos."Sabi ni Kuya Zack at hinalikan ako sa noo at hinila na si Kuya Zac na nasa baba na nakahiga hinila niya ito sa paa kaya napailing na lang ako.
"Babye!"Sabi ni Kuya Zac at may pakaway kaway pa habang hila hila siya sa paa jusko mga siraulo Kuya ko!
Tumayo ako at lumabas sa kwarto habang balot na balot ako ng kumot.
Dahil naka sando at underwear lang ako.
Kasi hindi ako sanay naka short ako pag matutulog na, pag matutulog lang naman ako don ko tinatanggal short ko tapos bra ko.
Bumaba ako at nadatnan ko sila Dave Evan, Keira at sila Claude ginagawa nila dito?
Nakaupo sila sa sofa habang nagkwekwentuhan.
Angas nila ah pormang porma dating nila yon iba naka shades pa lalo na si Claude pormang porma parang may pinopormahan.
Napatingin ako kila Kuya Zach na pinaghahain sila ng makakain wow sosyal naman nila.
“Ginagawa niyo rito?”Tanong ko kaya napatingin silang lahat sakin bigla silang nagpigil ng tawa kaya umirap ako.
"Para kang bata na binalot sa supot!"Tawa ni Dave tinaas ko ang middle finger ko at lumapit sa mesa at kumuha ng tinapay at inirapan ko yon nasa harap ko sino pa ba edi si Claude na nakatitig sakin ng malamig.
Kinain ko yon tinapay at umupo sa bakanteng upuan.
"Maligo kana mamamasyal tayo ngayon sa mall libre daw nila Kuya Ced."Parang bata na sabi ni Evan.
"Ehh bat kasama pa tong lima na toh?"Inis na sabi ko at sinamaan ng tingin si Claude.
"Malamang kasama kami kasi libre na ni Kuya Ced ehh kaibigan din namin yan duhh!"Sabi ni Kuya Tyler binato ko sa kanya yon kutsara pero nakailag siya tumawa silang lahat maliban sa harap ko na seryuso lang ang tingin sakin.
"Liligo na ako."Inis na sabi ko at tumayo tumingin ako kay Kuya Zach na tahimik lang sa gilid habang ang lalim ng iniisip.
Anyari don? Tsaka sabi niya ayaw niyang malaman na magkapatid kami bat niya pinapasok sila Claude dito sa bahay?
Nahahalata ko nag-iiba na trato sakin ni Kuya Zach nagiging sweet na siya sakin.
Nagkibit balikat na lang ako at pumunta na lang sa kwarto ko para maligo.
______
Bumaba na ako dahil tapos na ako maligo at mag ayos naka pantalon at naka crop top ako tapos may jacket ako hindi ko sanay na naka dress.
Bekaz why not diba.
Naka dress si Keira pero hindi ko sanay gagayahin ko sana pero di talaga ako sanay, kasi naman pag magsusuot ako ng dress nagmumukha akong tomboy eh.
YOU ARE READING
My Possessive Vampire (Book 3)
RomanceThis story is all about Ian Claude Salvador-Hunter and his brother's, relatives and friends the son of Ian Cooper Hunter and Elizabeth Amber Salvador-Hunter.