Chapter 60 "PLEASE HELP HIM HINDI KO KAYA NA MAWALA!"

193 8 0
                                    

"PLEASE HELP HIM HINDI KO KAYA NA MAWALA!"

CLAUDE POV;

"KUYAAAAA!/ DADDDYY"Sigaw namin.

Ng pagkahandusay ni Kuya Zach sa damuhan nakita namin ang sumaksak sa kanya.

Naging pula ang mata ko ng makita ang pagmumukha niya.

Vincent hayop ka!

"DADDYYY!"Sigaw ni Cassy at napatingin kami sa kanya ng tumilapon sila Dave at dali dali siyang lumakad palapit samin.

Biglang umapoy si Cassandra at napaiwas kami ng bigla siyang gumamit ng sobrang lakas na kapangyarihan....

Ang dark side niya....

Bigla kaming tumilapon nila Kuya Darrel napaaray ako ng tumama ang likod ko sa pader.

Napamulat ako ng mata ng makitang naging abo ang mga kasama ni Arthur.

Kasama na siya don.

Sobrang lakas ng hangin kagagawan yon ni Cassandra.

Biglang naglaho si Cass at nakita nalang namin na sinaksak ni Cassandra si Vincent.

"How dare you to hurt my father!"Malamig na sabi ni Cassansdra.

Sobrang lamig ng boses ni Cass.

Ibang iba sa mahinhin na Cassandra ang nakikita ko ngayon.

Ngayon ko lang siya nakitang ganito.

Biglang naging abo si Vincent at nawala na din ang malakas na hangin.

Dali daling tumakbo si Cass sa Daddy niya at sumunod kami.

Kami na nakanganga at nakatulala dahil first time lumabas ang kapangyarihan ni Cass at first time niya din magalit.

Ng nasa katinuan na kami tumakbo kami nila Kuya Darrel kay Kuya Zach napaluhod agad ako ng pagkalapit ko sa kanila.

"Hey Dad did you hear me?!"Umiiyak na sabi ni Cass habang tinatapik sa pisngi si Kuya.

"Hey, hey Kuya! Kuya! Gising! Naririnig mo kami?!"Sigaw namin nila Kuya Darrel.

"Oh shit humihina pulso niya!"Sigaw ni Kuya Aldrin.

Ginamitan namin siya ng kapangyarihan at napatingin kami sa lumapit.

"Kuya! Kuya Zach!"Sigaw nila Diana habang umiiyak.

Niyugyog nila si Kuya Zach pero hindi siya nagigising.

"Kuya gumising ka naman!"Umiiyak na sabi ni Zac.

Pinapalibutan na namin siyang lahat at ginagamitan na namin siya ng kapangyarihan pero walang epekto.

"KUYA ZACH!"Sigaw namin at niyuyogyog na namin siya pero walang epekto.

Sobrang ingay na ng buong paligid namin.

Humihina na ang pagtibok ng puso niya.

"DADDY!"Umiiyak na sabi ni Cass.

"Tawagin niyo sila Tito Cooper!"Umiiyak na sabi ni Tyler at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Kuya Zach.

Pumikit ako at tinawag sila.

"Dad, Mom please help us."

Pagkakausap ko sa isip nila.

Napamulat ako ng mata at napatingin sa paligid nasa palasyo na kami kasama sila Diana, mamaya na ako magpapaliwanag sa kanila.

"Zach?!"Natatarantang sabi nila Mommy at nila Tita Isabelle.

Tumabi kami at binigyan sila ng space.

"Anong nangyari sa kanya?!"Natataranta na sabi nila Tita Amy habang hinawakan ni Tita Amy ang kamay ni Kuya Zach.

My Possessive Vampire (Book 3)Where stories live. Discover now