"HUWAG KA NA ULIT MAGPAPAKITA SAKIN KAHIT KAILAN."
CLAUDE POV;
Napailing ako habang inaalala ang nangyari kanina kila Kuya at Ate Cassy.
Ngayon lang sila nagka ganon sa tanan buhay nila.
Tsk.
Nandito kami ngayon sa kwarto ngayon ni Ate Cassy.
Kasama si Kuya Zach.
Huminge siya ng tawad samin lahat at lumuhod pa.
Ang akala niya kasi galit sila Tito Casper at Tita Isabelle at sila Lola, Lolo at ibang mga Tita/Tito namin.
Dahil sa ginawa niya kay Ate Cassy.
Tsaka nasabi na rin daw ni Ate Cassy na anak talaga nila si Cassandra.
Tulog ngayon si Ate Cassy at iniwan namin silang tatlo nila Kuya Zach at si Cass para makapag usap yon mag ama.
Nandito kami sa garden.
At napatingin ako kay Daisy na tahimik habang nakatitig kay Caiden na nasa malayo na naninigarilyo.
Lumapit ako sa kanya at inakbayan siya.
"Bakit ganyan mukha mo?"Tanong ko kaya napatingin siya sakin at ngumiti siya.
Sa pananatili ni Daisy dito naging close na namin siya at tama nga sinabi ni Caiden sa kanya noon na masarap daw kasama si Daisy at masayahin si Daisy.
Kaya napalapit narin sila Mommy sa kanya kahit si Daddy na sobrang sungit sarap sabunutan.
"Wala po Kuya Claude inaalala ko kasi yon nangyari kila Ate Cassy eh."Sabi niya tumango ako.
"At inaalala mo din naman si Caiden?"Tanong ko na kinalingon niya sakin at dahan dahan tumango sinasabi na nga ba.
"Opo this few days po kasi nag iiba na po siya, parang hindi na po siya yon dating kaibigan ko at palagi niya pong sinasabi kong kailan ko daw po babalikan yon ex ko. Baka po nasasakal na po siya sakin kaya niya po yon sinasabi dahil madami ba naman po akong kinakain kaya alam ko pong nagrereklamo na siya."Malungkot na sabi niya pfft.
"Pero bakit parang nalulungkot ka ata hindi ka ba sanay na masungit at cold yan kapatid ko?"Tanong ko umiling siya.
"Hindi po ako sanay tsaka po paglalapit po ako sa kanya lalayuan niya po ako at aayain ko po sana siyang makipag kwentuhan or mamasyal tinatanggihan niya po ako palagi."Malungkot na sabi niya napailing ako at ginulo ang buhok niya.
"Eh bakit ka ganyan kalungkot? Tsaka diba dapat ang iniisip mo pano kayo magbabalikan ng ex mo?"Parang sarap inisin ngayon ni Daisy ah.
"Ehh Kuya naman eh nakalimutan ko na po yon ex ko, tsaka po palagi na lang pong sumasagi sa isip ko si Caiden. Miss na miss ko na po siya."Malungkot na sabi niya at nakita kong naiiyak siya.
"Ehh bat parang umiiyak kana ata?"Tanong ko.
Nakita kong ngumiti siya ng maliit.
"Kasi narealize ko na noon pa pala mahal ko na po si Caiden, nagkamali lang ako na yon ex ko yon mas pinili ng isip ko kaysa kay Caiden na nandyan palagi sakin at siya ang sinisigaw ng puso ko."Biglang sabi niya na nakapag tahimik sakin.
Woahhhh.
Hindi ko ineexpect na sasabihin niya yon. Yeah alam ko na mahal ni Daisy ang kapatid ko.
Bigla siyang napatahimik at napatakip ng bibig..
"S-Sorry po."Mabilis na sabi niya at dali daling pumasok sa loob habang namumula pfft.
Ngumisi akong tumingin kila Kuya Peter at nakangisi rin sila alam kong rinig nila yon.
YOU ARE READING
My Possessive Vampire (Book 3)
RomanceThis story is all about Ian Claude Salvador-Hunter and his brother's, relatives and friends the son of Ian Cooper Hunter and Elizabeth Amber Salvador-Hunter.