"TRANSFEREE"
CEDRICK POV;
Nasa sala kami ngayon kaming magkakaibigan at magpipinsan.
Tulog na si Keira nandito siya sa palasyo ngayon dahil para ligtas siya pumayag naman si Tita.
Nung nalaman nga nila Tita na buntis ang anak nila sobrang saya nila.
Lalo na si Tita na gustong gusto na talaga magka apo pfft.
"Napa enroll ko ng wala sa oras si Cass sa school kung saan kayo pumapasok."Biglang sabi ni Ate Cassy.
Bigla akong nabulunan sa sarili kong laway p-putcha!
"ANOOOOO?!"Sigaw namin 16
Ako, Anastasia, Kuya Peter, Claude, Tyler, Aldrin, Darrel, Kevin, Ate Yesha,Sean, Iyanna, Arian, Sophie, Caiden, Caden, At si Cade.
Sino si Sean? Anak ni Tito Chase minsan lang yan nandito busy siya sa kompanya nila eh.
"Yeah she request it, she ask me if ok lang ba daw na pumasok siya sa pinapasukan niyo nung una talaga ayaw kong pumayag, but nagmakaawa siya hindi ko naman matiis ang anak ko kaya pumayag ako."Nasasaktan na sabi ni Ate Cassy.
"Shhh don't cry Cassy it's okay, tsaka kung magkita man silang dalawa ng Daddy niya ok lang yon basta huwag niyang kunin ang anak niyo mula sayo."Sabi ni Kuya Peter at pinatahan si Ate Cassy.
Hinagod ni Anastasia ang likod ni Ate Cassy at niyakap ito.
"Peter is right Ate, kailangan din ni Cass ng isang ama alam mo naman na tuwing makakakita siya ng buong pamilya naiinggit siya noon palang nagsusumbong na siya samin na bakit wala daw siyang Daddy? Bakit hindi niyo raw siya kasama. Bakit Niya kayo iniwan ni Kuya Zach at madami pa siyang tinatanong mula samin na hindi namin kayang sagutin."Ramdam ko din ang sakit sa mga sinabi ni Anastasia dahil nasubukan na kasi niya nung bata palang siya.
Na wala siyang ina na kasama at hindi buo ang pamilya nila kaya alam ni Anastasia ang nararamdaman ni Cassandra.
"Pagbigyan mo kahit isang beses lang ang anak mo Ate Cassy para maramdaman niya din na may ama siya tsaka kapag kukunin ng lalaking yon si Cass hindi kami papayag makikipagpatayan kami para lang hindi niya makuha si Cass alam mo yon Ate. Tsaka we all know Kuya Zach hindi niya kukunin sayo si Cass mabait siya Ate."Sabi ni Ate Yesha tumango kaming lahat at ngumiti kay Ate Cassy na umiiyak na.
Tumango siya at nagpasalamat.
"Thank you!"Umiiyak na sabi niya kaya tumayo kaming lahat at niyakap namin siya.
_________
KINABUKASAN.
DIANA POV;
Nandito na ako sa room kasama sila Dave habang kung ano ano ginagawa.
Pero nakaupo kami sa mga sarili namin upuan.
"Oy may bago daw na transferee maganda daw! Tapos pamangkin daw ata nila Claude?"Biglang sabi ni Evan kaya napatingin kami sa kanya nakatutok siya sa cellphone niya.
At nakita kong nag iiscroll siya sa timeline ni Claude.
Kapag chix na nga hay ang bibilis nila.
"Sino naman daw yan?"Sabi ni Dave habang nakasandal sakin at parang nasa bahay lang siya nakatalikod siya habang nakasandal sakin oo.
"Pangalan daw Cassandra Hunter-Alvarez-Sanchez....Oh magkapareho kayo ng apelyido Diana."Sabi naman ni Evan sakin kumunot ang noo ko baka magka parehas lang talaga kami.
"Tangina daming followers nila Claude at sila Cedrick pero hindi ko mahanap acc nung transferee."Sabi ni Evan napailing na lang ako at inilagay ko ang ulo ko sa ulo ni Dave na busy na naglalaro ng ML.
YOU ARE READING
My Possessive Vampire (Book 3)
RomanceThis story is all about Ian Claude Salvador-Hunter and his brother's, relatives and friends the son of Ian Cooper Hunter and Elizabeth Amber Salvador-Hunter.